#20-THE Boys POV

80 4 0
                                    

Paul Geoffrey Andrade's POV

"N-naalala mo ba dati? Lagi tayong nag-aasaran nun! T-tapos kapag nagkunyari akong nagalit after 5 seconds? Mag-sosorry ka na. Tapos..." Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi ni Panget pero pinipigilan ko.

Hindi ako nagka-amnesia.

Paano nangyari yun? Kinausap ko yung doctor. Kilala ko naman yun eh.

"Pero ang sama sama ng loob ko sayo.. Sigurado ka bang girlfriend kita?" Kanina ko pa yan sinasabi.

Kahit gustong gusto ko nang bawiin at hilahin si panget para yakapin hindi ko ginawa.

Para ito sa ikakabuti naming apat. Kailangan naming magsakripisyo.

Naiyak na naman siya. Naaawa na ako kay Summer. Naaawa na ako kay Panget.

"O-oo! Ano ba naman yan Paul. Girlfriend mo ako..Alam kong hindi mo ako agad-agad maaalala pero sana naman pilitin mo rin akong alalahanin."

"S-sum. Tama na muna yan. Kumain na muna tayo." Sabi ni Claudine.

"Hindi nga sabi kita maalala." Walang emosyon na sabi ko.

"Paul.. Mahal kita. Mahal na mahal! Di'ba nangako tayo sa isa't-isa dati na gagawa tayo ng malaki at masayang pamilya? Sa isang bahay.. Mga anak natin... Tayo.. Tayong dalawa. Paul. Alam kong hindi mo ako agad-agad nakikilala pero sana-"

Panget! Mahal din kita! Mahal na mahal! Pero kailangan nating magsakripisyo. Kailangan kong magsakripisyo. Gusto ko rin na magkaroon ng sariling bahay kasama ka at ang magiging anak natin. Gusto kong maging ina ka ng mga anak ko pero parang pati tadhana ayaw pumayag eh.

Gusto ko sanag isigaw yan. Pero nagawa ko lang iikot ang mata ko para na rin matago ko itong namumuong luha mula sa mga mata ko.

Masakit. Bakit pa kasi kailangan pang maging ganito?

"Sum. Mamaya na yan. Please. Kumain kana. Baka mahimatay ka at-"

"Ano ba Claudine?! Hirap na hirap na nga ako rito isisingit mo pa rin yan? Makakapag-antay naman yan ah! Bakit ayaw mo bang makilala ako ni Paul? Para sayo na siya?! No! I won't let that happen!"

Mas lalo ko bang pinalala ang problema?

"C'mon Summer. Nakakapag-antay din naman yan! Tsaka..N-nagsisisi na ako. A-ayoko namang magkaganito tayo. I'm sorry. I.. I'm sorry! Patawarin mo na ako."

"What?"

"I know. Kasalanan ko ito. Pero naman. Summer. Nagmahal din ako.-"

"Paul. Saglit lang ah. Follow me Claud."

Nilingon muna ako ni Claudine bago umalis.

Hay...

Bakit nga ba kami napunta sa ganito? Dati ang simple lang ng buhay namin ah?

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan.

Pinunasan ko agad ang luha ko.

"Rain." Shit.

Bakit ko sinabi pangalan niya?

Baka siya pa ang maka-alam sa plano ko!

" Naalala mo na ako?"

"H-Ha? Hindi ah. K-kinuwento lang ni Pange-Summer."

"Tsk... Wag mo na ngang ideny Paul. Halata kaya."

"What?"

"Halata namang may naalala ka eh."

"Wait. Hindi pala naalala. Alam mo naman. Natatandaan mo naman kami eh. Pero you chose to lie. Why? Alam mo namang nasasaktan na si Summer. Pinaglalaruan mo ba siya?!"

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon