#7

114 3 0
                                    

Claudine's POV

***FLASHBACK***

"It's fine with me. Claud, Mahal kita. Mahal na mahal kita Simula nung nakita kita, I already know what 'love at first sight' mean. Akala ko dati mahirap mag-mahal kapag sa unang kita mo pa lang sa taong yun. Syempre sinong t*nga ang magmamahal kapag unang kita mo pa lang sa kanya. Love is only a four-letter-word pero ang daming definition. Mahirap intindihin, Mahirap unawain. Pero di mo na kailangan maintindihan o unawain, Mararamdaman mo na lang ito, Katulad ng nararamdaman ko ngayon."

"Y-you mean, M-mahal mo ko? Pero mahal ko ang kapatid mo." Sabi ko. Hindi ko iniintindi kung masasaktan ko siya. Ano magagawa ko? Ganun talaga ako ka-insensitive.

"O-oo a-alam ko. P-pero alam ko namang matutunan mo akong mahalin Claud. A-alam ko yun." Hindi na niya ako pinagantay magsalita, Bigla na lang niya akong niyakap.

Kumakalas ako sa yakap niya, Pero dahil malakas siya, Hinigpitan pa niya lalo.

"Masasaktan ka lang Rain. Ano ba bitiwan mo ko! Hindi nga kita sabing mahal! Si Paul lang! Si Paul lang ang mahal ko at mamahalin ko! Bitiwan mo ko sabi eh! " Sabi ko habang pinipilit makawala sa yakap niya.

Umiiyak na siya. Alam ko. Kasi bukod sa naririnig ko yung mga hikbi niya, Basa na rin yung t-shirt na suot ko.

"A-alam ko Claud. Pero matututunan mo rin akong mahalin at makakalimutan mo rin siya! Look, he even left you! Di ka niya pinagutan! Patunay ba yun na mahal ka niya?!" Sabi niya pero mas bagay ang sinigaw niya.

Sinampal ko siya dahil sa sinabi niya.

"H-heh! Manahimik ka! Ma-nahimik ka. Manahimik...ka" Then everything went black.

**

"Stress at pagod lang. H'wag nyo masyadong pag-iisipin ang pasyente. Mahina ang kapit ng bata."

Pagkamulat ko ng mata ko, Nakita kong may kausap si dad. Nag-aalala ang mukha ni dad. Nag-aalala kaya siya sa akin? Pero ng makita niya ako na nakatingin sa kanya, Biglang bumalik ang dati niyang ugali. Cold eyes.

Nasaan nga pala ako? "Where am I?" Sabi ko.

May biglang nagsalita sa tabi ko.

"We're in the hospital Claud. Bigla ka na lang nahimatay habang n-naguusap tayo." Umiwas siya ng tingin. Namamaga ang mga mata niya. Umiyak ba siya magdamag?

"Are you okay honey?Grabe magalala ang papa mo. Buti naman at nagising kana." Napatingin ako sa kanya.

Sa nakikita ko, Gusto niya akong lapitan pero pinipigilan niya ang sarili niya.

"I'll just go outside." Cold na sabi ni dad.

"Haay. Pagpasensyahan mo na ang daddy mo, Nagtatampo parin kasi yan sayo. Di pa rin siya makapaniwala na yung baby girl niya dati eh magkakaanak na. Ikaw naman kasi Rain! Ang excited mo masyado. Dapat nagpakasal muna kayo. At tsaka ang babata niyo pa! Anyway, Susundan ko muna ang papa mo. Baka kung saan na naman pumunta yun." She smiled at me and She left me with this man beside me.

Walang nagsasalita sa amin. Nagpapakiramdaman kami. Ang ganda nuh?!

"I'm sorry." Ako/Siya.

Ngayon naman, Naguunahan kami?! Yung totoo?!

"Sige mauna kana." Ako/Siya.

"Ikaw muna." Sabi ko.

"Ladies first." Sabi niya.

"Mas maganda kung mauuna ka." Sabi ko.

Wala naman siyang nagawa. Lahat kaya ng gusto ko nakukuha ko!

What Claudine wants, Claudine gets!

"I'm so sorry kanina. Kung ayaw mo naman di na kita pipilitin. Pero yung responsibilidad ng kapatid ko ako na ang aako. Sana mapatawad mo ako. Sana maging magkaibigan pa tayo. Sana hindi ka mailang. Sana-" Pinutol ko na yung sinabi niya. Ang haba kaya!

"Sana, Sana, Sana. Ano ba naman yan Rain! Puro Sana! Ako naman. It's my turn," Sabi ko.

"I'm so sorry to the tenth power sa inasal ko kanina. Napagisip-isip ko lang naman na, Tama ka. Kung mahal talaga ako ni Paul, Hindi niya ako iiwan sa ere. Kaya please Rain, Help me to forget him. I want to forget him. It's breaking me into pieces. Ayoko ring kilalanin ng magiging anak ko na ama niya ay walang kwenta. Please, Help me to forget him. Please!" Sabi ko habang umiiyak.

Niyakap niya ako at nagsalita siya ule.

"H'wag kang mag-alala, Tutulungan kita." Sabi niya habang yakap-yakap niya ako.

***End of FLASHBACK***

4 years. 4 years na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari.

Dati-rati, Kami ang magkasama ni Paul.

Kami ang magkayakap, Kami ang sabay kumain, Ako ang hinahalikan niya sa pisngi, Ako ang sinasabihan niya ng I love you. Dati, Kami lang ang magkasama, Pero Ngayon, Sila na ng bestfriend ko.

Ang masama pa, Hindi alam ng bestfriend ko. Hindi niya alam na ang boyfriend niya, ay ang ama ng anak ko.

Ngayon ko lang napagtanto na,

Hanggang ngayon talaga, Mahal ko pa rin si Paul. Mahal ko pa rin ang boyfriend ng bestfriend ko..

- -

Here's the new update Guys! Salamat sa lahat ng readers! keep supporting me 'till the end of this story! HAHA!

VOTE. COMMENT. SHARE & BE A FAN <3

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon