#10

91 1 0
                                    

Paul's POV

Nandito ako ngayon sa Restaurant. Kadadating ko lang para  makipag-kita kay Claudine.

Kung iniisip mo na niloloko ko si Panget, Nagkakamali ka.

Mahal na mahal ko yung panget na yun 'noh.

Pero feeling ko, dahil sa ginagawa ko, parang tinataksil ko na rin si Summer.

Hindi kasi alam ni panget na makikipag-kita ako dito. Ayokong malaman niya at isa pa, Busy kasi siya.

Biglang bumukas yung pinto at pumasok ang isang babae.

Simple dress but it makes her look fabulous.

Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Siya pa rin ang Claudine na nakilala ko.

Ang babaeng simple pero lumalabas ang totoong ganda.

Dati siya ang maganda sa paningin ko..

PERO Ngayon, Hindi na.

Past is past...

Lumipas na ang panahon. At si SUMMER na ang Present ko. At sana siya rin ang future....

Nang nakita niya akong nakatingin sa kanya, She waved her hand saying 'hello' and then she smiled.

Umiwas ako ng tingin.

Alangan namang ngumiti ako di'ba?!

Kung sakali mang ginawa ko yun, Hindi lang sa pinapaasa ko si Claud, Niloloko ko pa talaga si Panget.

Bakit? Kasi nakipag-kita ako sa Bestfriend niya and worst Hindi niya pa alam...

Pero, Hindi mangyayari yun.

Loyal kaya ako kay panget!

"Matagal ka na bang naghihintay?" Sabi niya pag-kalapit na pag-kalapit sa pwesto ko.

"Medyo lang. On time ka namang dumating eh." Sabi ko ng walang kabuhay-buhay.

Hindi bale, Magkikita naman kami ni Panget. Mabubuhay na naman ang dugo ko pag-nakita ko ulit siya.

Yuck! Another cheesy line came from my mouth!

She chuckled. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Katulad ng dati, lagi kang nauuna." Sabi niya at naupo na.

"Whatever. Anyway. What do you want to talk about?" Sabi ko sabay inom.

"Pwede bang mamaya na natin pag-usapan-" Pinutol ko ang balak niyang sabihin.

"Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa! Sabihin mo na ang balak mong sabihin kasi wala akong oras para makipag-kwentuhan sayo." I know it sounds rude pero anong magagawa ko?

Claudine's POV

I'm very thankful dahil pumayag makipag-date si Paul.

Actually, Hindi naman talaga date yun.

Ako na feelingera -____- .

Pero pagbigyan nyo na ko! Mahal ko eh :(

Mahal ko ang boyfriend ng bestfriend ko.

Alam kong mali yun lalo na't hindi alam ni Summer ang nakaraan namin ng boyfriend niya.

"Pwede bang mamaya na natin pag-usapan-" Pinutol niya ang dapat na sasabihin ko na hindi ko aakalaing masasabi niya sa akin.

"Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa! Sabihin mo na ang balak mong sabihin kasi wala akong oras para makipag-kwentuhan sayo." Sabi niya at talagang ikinabigla ko.

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon