#1

271 8 2
                                    

4 YEARS LATER...

Summer's P.O.V

"Summer! Anong petsa na?!" Sigaw ni mama mula sa pinto ng aking kwarto.

"Heto na nga po oh? Wait lang po." Sagot ko habang nagsusuklay.

Pagkatapos ng ilan pang kaartehan sa buhay ay lumabas na ko at bumaba na ng hagdan.

"Tagal mo naman." Bungad sakin ni Paul. Ang boyfriend ko.

"Good morning din sa'yo." Sabi ko at humalik sa pisngi niya.

"Hindi ba muna kayo mag-aalmusal?" Singit ni mama.

"Hindi na po, Ma. Papakainin ako ni Paul sa isang italian restaurant." Biro ko.

Nakita ko namang sumimangot si Mama. Favorite niya kasi kumain sa Italian restaurants.

"Wag po kayong naniniwala dito kay Summer, mama. Siya ang manlilibre sakin." Singit ni Paul at umakbay sakin. Tumawa nalang si Mama.

Ilan pang kamustahan ay umalis na kami sa bahay. Sunday ngayon at magsisimba kaming dalawa. Date na rin namin pagkatapos. Hahaha!

Habang nasa biyahe pa kami, magpapakilala muna ako. XD

I'm Summer F. Mercedez. I'm already 19 years old. Graduated last last last month. At ngayon ay isa nang designer. Isang wedding designer. Bakit? Dahil noong highschool pa lang kami ng bestfriend ko, nagpromise ako na ako ang magpaplano ng kasal niya. And in return? Siya naman ang magdedesign ng magiging bahay ko.

So ayun nga. It's been four years. Four year since nung umalis yung bestfriend kong si Claudine. Maraming nangyari. Marami ring nagbago.

Kagaya ngayon! May boyfriend na ako. 1st boyfriend to be exact. And siya nga itong katabi ko ngayon na seryosong nagmamaneho.

"Baka lalo kang mainlove sakin niyan." Nakangiti niyang sabi at sandali akong nilingon.

"Yabang nito!" Hinampas ko siya ng mahina. "Panget mo!" Sabi ko pa.

Tumawa siya. "Mas panget ka." Sagot niya.

"Pero pinaka-panget ka sa lahat ng panget!" Pagdepensa ko.

"Sa'yo naman nauso ang salitang panget." Sagot niya naman at humagalpak sa tawa.

Sasabihin ko na sana ang counter pambara ko nang magsalita pa siya.

"Pero kahit na panget ka, mahal na mahal kita." Sabay kindat sakin.

Natahimik ako nun at parang biglang uminit ang paligid.

Pinaypay ko pa yung kamay ko.

"Ang hina naman ng aircon mo! Tapon mo na nga 'tong kotse mo!" Reklamo ko at tinignan ang aircon. Naka-todo naman.

"Ang sabihin mo kinilig ka lang naman sa banat ko." Nakangiti niyang sabi.

"Banatan kita ng buto jan eh!" Saad ko naman. At confirmed. Nagblush nga ako sa banat niya. Lokong 'to!

Tumawa lang siya.

Siya. Siya si Paul Geoffrey Andrade. Siya ang pinaka-mahangin sa lahat ng mahangin. Mas mahangin pa sa bagyo. Pero siya ang nakapagpatibok ng puso ko. TARAY! HAHAHAHA.

Napalakas ata ang tawa ko kaya napatingin siya sakin at nagsalita.

"May baliw akong kasama?" Natatawa rin siya.

"Ang ganda kong baliw!" Sabi ko naman.

"Saan jan? Ah. Sa talampakan?" Sagot naman niya at parang naghahanap pa talaga kung san banda ako maganda.

Binatukan ko siya. "Talk to the hand!" Kunwari ay galit kong sabi at humarap sa bintana.

Wait for it.

1

2

3

4

5

"That's it!" Sigaw niya at biglang hininto ang sasakyan.

Hinatak niya ko bigla at niyakap.

"Sorry, Panget. Ikaw ang pinaka-magandang panget sa lahat." Sabi niya kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran.

Compliment ba yun dahil may maganda? O insulto sakin dahil may panget?

"Aw!" Kumalas siya sa pagkayakap. "Sorry na, babes?" Nakangiti niyang sabi.

"Yuck!" Tinulak ko siya. "Babes ka diyan?!" Sabi ko at umirap. Hindi kasi ako sanay sa mga sweet sweetan at mga tawagan. Okay na yung 'panget' sakin.

"Bati na tayo ha?" Tanong niya sabay hawak sa kamay ko at hinalikan ito.

"Nag-away ba tayo?" Tanong ko with a teasing face.

"Ah ganon!" Sabi naman niya at kiniliti ako.

Okay? Malelate na ata kami sa first mass dahil maglalambingan muna kami. :">

So, there. Ganyan lang kaming dalawa ni Paul. Nag-aasaran tapos babanat siya. Magtatampo ako tapos maglalambing siya. Kaya napili ko siya at sinagot. He's a perfect guy for me. An ideal boyfriend indeed.

At masasabi kong mahal na mahal ko ang boyfriend kong 'to. ;3

- -

MUST READ :D

A/N: Tuloy ko pa ba 'to? May kwenta ba? XD

Next Update : Kapag umabot ang readers sa 100, Update po ako agad-agad! :) Salamat po!

COMMENT,VOTE please?! :3

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon