#5

144 5 3
                                    

CLAUDINE's P.O.V

Habang naghihintay kami ng cab papuntang SM, Bigla ko siyang niyakap.

"I really miss you bestfriend! I'm glad I'm back!" Sabi ko habang todo ang ngiti ko.

Masaya ako dahil nakasama ko na ulit si Sum. My life without her is like I'm living in hell. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko.

Simula kasi ng maging magbestfriend kami, Hindi na ako umaalis sa tabi nya.

Hindi naman pati pagligo kasama ko siya I mean, Gusto ko kapag may bibilhin siya sa canteen ako kasama nya, Tapos kapag may by group project gusto ko siya ang lagi kong kasama.

Kapag di nya ako kasabay nagtatampo ako, Naiinis ako, Nagagalit ako. Kaya nga wala ng kumaibigan kay Sum kasi lagi kong inaaway noon.

Mabait si Sum, Mapagbigay, Kahit na mahalaga yun sa kanya kung kailangan 'to ng isang tao ibibigay nya gaano man kahalaga 'to, Masayahin sa lahat ng bagay, Kahit siguro paggalaw ng baby natatawa siya, And guess what? Ang sarap pakinggan ng tawa nya! Parang melody na kinakanta nya!

Kaya nga di ako sanay nung pumunta ako ng States. Feeling ko hinahanap-hinap siya ng mata ko, ng tenga ko, ng pang-amoy pati imaginations ko sumasali! Hinahanap-hanap ko pa din siya.

Siguro naman may nakakarelate dito na, I can't live without my bestfriend!

Medyo O.A na ang tingin ng iba pero anong magagawa ko?

Feeling ko nga spoiled ako masyado sa kanya eh. Lahat ng hiniling ko sa kanya binigay niya. Wala siyang di binigay sa akin na hiniling ko sa kanya. I always feel that I'm too selfish for that but I don't care. Madamot na kung madamot, Ganun ako eh.

"I miss you too Claud! H'wag mo na ko iwan ah!" Sabi nya.

"I will never leave you again best." I smiled.

Then, Kumalas na kami sa yakapan namin dahil may dumating na cab.

Before I totally forgot to introduce myself to everyone,

Hello there!

I'm Claudine Manalaysay, Summer's bestfriend. Magbestfriend na kami since grade 3.

Kung mabait, mapagbigay, masayahin si Sum, Eh kabaligtaran ko naman ugali nya.

Masungit na parang laging Meron, Kaya nga walang gustong kumaibigan sa akin noon maliban kay Sum.

Madamot na gusto ko lahat ng gusto ko napupunta sa akin, Di ko nga alam kung paano ako natagalan ni Sum sa sobrang kadamutan ko noon.

Nakasimangot pa lagi, Na sa tingin ng iba eh pinagsakloban ng langit at lupa ang mukha ko, Laging nakabusangot kasi dati.

Pero lahat ng iyan, Ugali ko dati.

Simula ng maging magbestfriend kami, Binago nya ako. Pero syempre di pa rin mawawala ang 25% sa ugali ko na ganoon ako. Pero 75% naman ang binago ni Sum and I very loved what she changed in my attitudes!

May anak na nga pala ako. Siya si Sky, 3 years old na siya.

Nakabalik ako sa totoong buhay ng magsalita o nagsalita ulit si Sum?

"Claud naman eh! Di ka naman nakikinig! Lumilipad na naman ang utak mo!" Sabi nya at halatang kanina pa nagsasalita.

Wait, Nakababa na pala kami ng cab? Ganoon ba ako ka-busy magkwento kaya pagbaba ng cab di ko napansin? Whatever, I don't care anyway.

"I'm sorry, What are you talking about again?" Sabi ko in an apologize tone.

She sighed. Nasabi ko na bang mahaba ang pasensya ng bestfriend ko? Hindi pa?  Well, Nasabi ko naman na *Insert a smiley face here* Hahaha.

"Hayy Claud, Nagkekwento ako tungkol kay-Nevermind na nga lang. Tara dun!" Sabi nya at pumasok kami sa isang boutique.

Pumili kami ng pumili tapos pumunta na ng counter.

Ganyan ang ginawa namin sa lahat ng pinapasukan namin boutique.

Ng makaramdam ako ng gutom, Kinausap ko uli siya.

"You know what? We should take a break. Let's eat." Sabi ko.

"Wow! After 123456789 years, Nakaramdam ka rin ng gutom! Kala ko di mo mararamdamang nagugutom na ako! Napaka-insensitive mo talaga Claud kahit kailan!" Sabi nya habang nakahawak sa tiyan nya.

"Whatever." Natawa na lang kami sa sagot ko.

Eh anong magagawa ko? Ganun talaga ako eh, Di ko napapansin mga nararamdaman ng mga tao sa paligid ko, Sum's right. I'm Insensitive Girl.

Anyway, Pinasakay ko na lahat ng pinamili namin sa driver ko.

Pinasunod kasi ni Rain yung extra niyang car with driver. Alam kasi ni Rain na grabe kung magshopping ako.

Isang beses kasi isinama ko siya tapos pinagbuhat ko siya lahat ng pinamili ko and he looks like a driver holding a shopping bags! Wait, A handsome driver pala!

And With that, He swear na di na siya ulit sasama sa akin kapag magshoshopping ako, Hahaha. Well it's very fine with me, Atleast wala ng pangit na umaaligid sa akin.

Dumiretso kami sa Italian Restaurant. Umorder kami tapos kumain ng tahimik.

Naunang natapos si Sum, maya-maya biglang nagring cellphone nya.

"Ah, Claud, I'll just answer it. Pwede?" Sabi nya.

"Go on, Pwede bang h'wag ka na umalis dito?" Sabi ko.

Di naman sa gusto kong makinig sa paguusapan nila ng tumatawag sa kanya, Di ko kasi gustong nag-iisa at alam niya 'yon.

"A-ah, Yeah sure." Sinagot nya na. At dahil kaharap ko lang siya, naririnig ko yung mga sinasabi nya. Siya lang kasi di naman naka-loud speaker. Duh?!

"Yeah.....Bakit ngayon ka lang tumawag?.....Aba dapat lang!....I'm eating my dinner....With my bestfriend....Yeah she! Don't be Jealous panget!....We're here at J's Italian Restaurant....Your going here?....It's okay, Yeah I also want you to meet my bestfriend...Just drive slowly panget okay?Yeah I love you too...Bye."

Wow. 'I love you too' Huh?

"May boyfriend ka na?!" Sigaw ko pagkatapos niyang ibaba yung cellphone nya.

"Ano ka ba naman Claud! Talagang lumilipad 'yang utak mo kanina nuh? Yun kaya yung sinasabi ko sayo kanina pa. Kaya lang di ka nakikinig." Patampong boses nya naman.

"Cut the drama, Sum. Allergic ako sa mga ganyan. So Who's the lucky guy?" Sabi ko ng may pagkainip na tono.

"Hahaha. Di ka pa rin nagbabago Claud, Mainipin ka pa rin. Sasabay pala siya sa atin if it's fine with you. Anyway, He's here na pala!" Sabi niya.

Di na ako nag-abalang lumingon. Nakatalikod kasi ako sa entrance ng Restaurant. Makikita ko naman siya 'noh!




"Claud, this is Paul Geoffrey Andrade, My Boyfriend. Paul, This is Claudine Manalaysay, My bestfriend." Tumayo ako at nilingon ang lalaking nasa likuran ko.

Pagkakitang-pagkakita ko ng mukha niya I swear my jaw dropped.


Sa dami-dami pa ng magiging boyfriend ni Sum, Bakit siya pa?!

Ang boyfriend ni Summer ang totoong ama ni Sky! Is this world too small for all of us?!

- -

Bitin ba mga readers?! HAHA!

Don't worry! Mag-uupdate agad ako ;) Pero walang exact date & time ha? =) Damihan nyo lang ang basa HAHAHA.

VOTE.COMMENT.FAN & SHARE. =) <3

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon