#17

79 2 0
                                    

(A/N: Sana po isipin nyo dito na nasa posisyon ka ni Summer. Para damang-dama nyo! :) )

Summer's POV

Nandito na ako sa Calique's Restaurant.

Hindi ko alam kung bakit ako hindi nakatulog kagabi.

Marami kasing pumapasok sa isip ko na sana hindi naman magkatotoo.

8:59am na. Sabi ko sharp. Tsk.

"Hi!" Sakto. Wow.

"Late ba ako?"

"Hindi naman sakto lang" Nginitian ko siya ng tipid.

"Alam kong atat na atat ka ng malaman ang totoo. Kaya Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa... Pero order muna tayo ng drinks."

Nagtaas siya ng kamay.

" 2 large cappuchino and 2 Slice of mango tart. Thanks." Alam pa rin pala niya ang paborito ko.

"Hintayin muna natin ang order natin."

Hindi na ako sumagot. Tinignan ko ang outfit niya.

Simple lang.

Blue dress at may maliit na bag pati isang short envelope. I wonder what is that.

"This is proofs. Halata kasi sa mukha mo." Then she smiled.

"Magiging tapat ako sayo Summer ha?.. Galit ako sayo."

G-galit? Bakit?

"I know you're asking yourself why... Straight to the point tayo ha? Kung bakit kasi ayaw niyong ibigay sa akin si Rain dati. Mahirap ba yung hinihingi ko? Nagmahal lang ako Sum. Alam ko ring nahuhulog ka na sa kanya. Ngayong nalaman mo na si Rain at Ren ay iisa. Oh di'ba?! Parang drama lang?! Hahaha."

"Ano? Mahal mo si Rain?"

"Dati Sum. Dati." At ngumiti siya ng pagkapait-pait.

"Pero-"

"Here's your orders ma'am!"

"Thanks... At ngayong nandito na ang order natin... Iwanan na natin ang issue ng sa akin... Let's face yours."  Kahit na marami akong tanong eh tumango na lang ako. Yun naman ang pinunta ko rito.

"Saan ba ako magsisimula?.. Ah! Kilala mo si Sky di'ba? Kaninong anak yun?" At ngumiti siya.

"Kay kila Rain at Claudine." Walang pag-aalinlangan kong sagot.

"Oh really?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Niloloko mo ba ako Win? Wala naman-"

"Your wrong."

"W-what do you mean?"

"Anak ni Claudine at Paul si Sky. Hindi ba nila sinabi sa iyo? Anong klaseng bestfriend at boyfriend ang meron ka?"

Joke. Hinihintay kong sabihin niya yan pero wala.

Natulala ako sa sinabi niya. A-ano? Anak nila si Sky?

"I-impossible. H-hindi sila magkaka-anak. Ngayon lang sila magkakilala eh. Ha-ha-ha. It's not funny!"

"I'm dead serious here Summer. Now if you don't want to know the truth the door is big enough for you to leave." Seryoso niyang sinabi.

Walang joke?

Napatingin ako bigla sa taas. Ayokong umiyak. Kailangan maging malakas.

"A-anak nila? How come? Kamukha naman ni Rain si Sky eh."

"Bakit? Magkamukha din si Sky at Paul ah. Alam mo bang magkapatid si Paul at Rain? Sa pagkaka-alam ko. Hindi."

Feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa.

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon