20

563 12 4
                                    

Kakatapos lang namin mag dinner. Binigyan kame ng two hours na pahinga at parang practice hour daw namin kasi may presentation kami. Mag start daw iyong talent night mag 8pm. Nasa dorm lang naman ako at nakahiga. Tinatamad akong gumalaw. Kasi naman eh, ang sama talaga makatingin ni Shield. Hays.


Simula kanina ay ayaw niya akong tantanan ng mga titig niyang di ko alam kung may galit or nang-aakit. Pero I chose the first.


Galit parin siya sa akin.


"Leigh anong gagawin natin sa talent night mamaya?" Tanong ni Ate Andrey. Siya kasi iyong pumalit na Youth Leader. "Sayaw nalang tayo? Iyong hiphop ah para di daring"suggest ko.


Tumango naman ito. At sinabihang mag 7pm ay punta kame sa court para mag practice. Dahil malapad ang Seminary meron itong 4 courts. 2courts sa unahan sa pang highschool at 2 courts sa likuran banda na pang college at isang court para sa volleyball. Oh diba? Bongga! Di sila mag-aagawan.


"Asan si Ate Yhanna?" Tanong ko. "Ayun, may mga kausap na seminarians" Gospel sighed.


Di ko naman kasi pwedeng pigilan si Te Yhanna paano kasi baka ibalik nito iyong sasabihin ko kasi inlove ako sa isang seminarian.


"Yaan mo na, sisterly approach lang naman yata"


Si Gospel kasi inis na inis pag nalalaman nitong si Ate Yhanna talaga iyong lumalapit sa mga Seminarians or siya iyong unang nagcha-chat talaga.


Pagdating namin sa chapel ay wala pa doon ang mga seminarista. Halos mga youths palang. Merong mga taga ibang parokya na nakipagkaibigan sa amin. Ako naman ay ngingiti-ngiti lang. Kanina pa kasi talaga iyang umaga may nagpapapicture pa sa akin na parang naging instant celebrity ako ahh.


"Hi Ate Crash Leigh! Pwede pa picture?" Merong dalawang babae ang lumapit samin. Ngumiti naman ako at tumango. Si Ate Andrey pa iyong kumuha ng picture. "Ang ganda niyo talaga ate"


"Ang ganda-ganda ng mata niyo hehe" dagdag pa ng isa. "Naku..Hindi naman masyado" I shyly said. Di ko alam kong nagagandahan talaga sila sa akin or sadyang kanina lang iyon ng umaga na menention ni Father iyong pangalan ko.


Napapakamot tuloy ako ng ulo.


"Goodevening my dear brothers and sisters in Christ. So tonight, our brothers from St. Joseph Seminary will entertain us. Pasasayahin, paiiyakin at sympre pakikiligin tayo ng ating dear Seminarians. Boys and girls let's approach and be friend with our seminarians, they will be our next priest sooner. And please do pray for their vocation, and girls huwag gawing boyfriends. Okay? Nagkakaintindihan ba tayo?"


"And tomorrow morning after breakfast bibigyan namin kayo ng time to practice again for the talent night. Yes! Bukas iyong talent night. Ngayon, Seminarians Night muna. So, tayo na mga kabataang katoliko sa ground. Let's witness the hidden talents of our dear Seminary Brothers"


Nagsitayoan naman kami at lumabas ng chapel. Malapit lang naman kasi ang stage sa chapel. At sa ilalim ng stage kame umupo. Mabuti nga at may baong blanket si Ate Yhanna kaya di kame uupo sa sahig. Malamig pa naman.


Iyong pwesto namin ay nasa harapan pero sa gilid lang sa right side. Nagulat pa ako ng biglang namatay iyong ilaw. Ang dilim-dilim.


"Ate Andrey? Asan ka?" Kinakabahan naman kasi ako talaga. Madilim nga kasi. Natigil iyong kaba ko ng biglang umilaw iyong spotlight sa isang lalaki. Wait. Si Albus ba iyon?


Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak


Kinakanta ni Albus iyong Beautiful in White. Ang ganda nga ng boses nito.

I Met A Volleyball Player Number SevenWhere stories live. Discover now