09

5.9K 60 0
                                    


Ilang araw na ang lumilipas at palaging nakabuntot sa akin si Bluster. Hindi parin siya tumitigil.
Tinatanong na nga ako ng mga Teachers ko kong kame or hindi. O di kaya ay sagutin ko na daw. Sinabihan ko na rin naman si Bluster na wala siyang mapapala sa akin. Pero ayaw magpaawat ang loko. Nahihiya na ako sa kanya dahil habang tumatagal ay lalo ko lang siyang nasasaktan.


Nasa playground lang ako ngayon dahil hindi ako pumasok. Well, nasa school parin naman ako hindi ngalang pumuntang klase parang cutting lang. Hindi naman sa tinatamad, sumakit lang ang ulo ko kanina pero ngayon ay wala na kaya nagliwaliw na lang ako.


"Crash Leigh!" Nagulat ako ng ginulat ako ni Bluster. Andito na naman siya. I sighed. Binigyan niya ako ng chocolates. Hays. Kahit gusto ko iyong chocolates ay tumanggi ako. "Para sayo yan"


"Thank you Bluster pero hindi ko na yan matatanggap. Please tigilan mo na. Ayokong masaktan kita. Habang tumatagal na ginagawa mo ito ay lalo ka lang masasaktan. Wala ka talagang mapapala sa akin" tapos ay yumuko ako. Ayoko kasing saktan si Bluster at kahit natutuwa ako sa panliligaw niya ay kailangan ko ng tumigil. Gaya nga ng sabi ni Heart, ginagawa ko lang siyang rebound.


"Kung wala ka rin namang planong saluhin si Bluster, Crash Leigh, aba ay tumigil ka na. Mas mabuti ng masaktan ng maaga si Bluster dahil  mas masakit sa part niya kasi ginawa mo siyang rebound at pinaasa pa"


Hinawakan niya ang aking kamay. Umupo siya sa harapan ko sabay tingin sa mga mata ko.


"Hayaan mo lang ako please. Hayaan mo lang akong ipadama sayo kong gano kita kamahal Crash. Kahit ito lang"


Hindi ko alam ang sasabihin ko pero tumulo nalang ang luha ko sa pisnge.


Bakit ganito?


Ang bait sa akin ni Bluster. Noong una ayoko sa kanya kasi medyo creepy siya, sino ba namang hindi matatakot kung ngayon ko lang siya nakilala tapo panay na ang buntot nito sa akin pero habang tumatagal at nakikilala ko siya ay mabait siya. He's really a good man. Ideal boyfriend siya pero hindi ko talaga siya kayang mahalin. Hindi ko talaga kayang ibigay ang buong attention ko sa kanya dahil naka focus na ito kay Shield. Si Bluster ay parang si Rock lang sa akin. Parang kapatid slash boy best slash friend. Iyon lang at wala ng iba pa.


"Pero inuunahan na kita Bluster. Iba na ang mahal ko" Ngumiti ito pero hindi abot sa kanyang mga mata. Nakokonsensya tuloy ako. Tumango naman ito.



"Anong dinadrama niyo diyan?" Napalingon kami ng biglang dumating si Migs kasama ang triplets. Tapos na ang klase? "Kayo, but kayo absent?" Tanong ni Circle. Nagkibit balikat lang ako. "Wala naman. Asan si Gospel?" Tanong ko. "Umuwi na, hinahanap ka noon kaso wala ka kaya umuwi nalang siya mag-isa" ngumuso ako, nalimutan ko ang pinsan ko. "Sina Rock at Sydney?"


"Andon sa intermet lab, nagvideo call kay Aycee. Mukhang hindi makakauwi si Aycee eh. Matatagalan siya sa Abroad" sagot naman ni Circle. Biglaan ang pag-alis ni Aycee. Nong isang araw ko lang nga nalaman kasi may family problem sila. Sabi niya sa amin 1week lang sila sa abroad eh.


"Puntahan ko muna si Sydney at Rock" sabi ko sa kanila. Iniwan ko muna sila roon at pumuntang internet lab. Naabutan ko pa ang dalawa sa laptop. "Waiiiit! Pakausap kay bestfriend!" Sigaw ko. Nilingon naman ako ng dalawa. "Buti nakaabot ka pa. Matutulog na daw si Aycee eh" sabi ni Rock at tumayo ito para ako ang maupo sa upuan niya. "Bespriiiind! I miss you" tili ko.


Natawa naman siya sa screen. Gabi na sa kanila. 11pm na sa kanila samantalang dito sa Pilipinas ay 11am naman. "Shhhh ang ingay mo talaga Crash Leigh! I miss you too besprind! Ingat ka diyan ha? Regards mo nalang ako sa masuyo mong manliligaw" at ngumisi ito. Nakarating din kasi sa kanya ang walang tigil na panliligaw sa akin ni Bluster. "Cheee! Ikaw ha! Uwi ka na dito miss ka na namin" nakikinig lang naman samin sina Sydney at Rock. "Di pa eh. Busy pa dito. Kapag okay na ay uuwi ako. Rock! Ingatan mo bebe girl natin ha?" Sabi pa nito. Nagsaludo naman si Rock. Natawa lang si Sydney.

I Met A Volleyball Player Number SevenWhere stories live. Discover now