11

6.5K 50 5
                                    


"Crash Eileithea, uhmmm salamat nga pala ha? Nag-abala ka pa" he shyly smiled.


O to the M to the G! 

Binanggit na naman ni Shield ang fullname ko!!!!


Lumingon ako at nakita ko pang nakangisi si Kuya Toffy. Namula ang pisnge ko. Napakamot pa ako sa ulo.

"Naku, pasensiya na yan lang. Sa susunod iba naman" Tapos narinig ko si Kuya Toffy na umuubo-ubo sa gilid. "Ingat ka pauwi" sabi nito. Ngumiti lang ako at umalis na.

Sobrang saya ko. Feeling ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Yong daig ko pa nanalo sa lotto. Kwenento ko sa bahay kasi naabotan ko ang mga pinsan ko doon. Nasa balcony sina Ate Andrey at Gospel. Ayun kinilig ng bongga rin si Gospel. Si Te Andrey naman kahit naguguluhan ay masaya para sa akin.

Pinakita ko rin nga iyong picture ni Shield sa kay Andrey.

"Ang gwapo niya naman be, kasing taas niya iyong kapatid kong si Cronos. Hays namiss ko tuloy si Cronos"

Nasa kama ko siya at nahiga. Nasa business trip kasi si Tito Joseph Jay kaya dito siya samin. Tapos gusto talaga ni Andrey na dito sa akin kasi ewan ko sa kay Te Andrey kasi gustong-gusto niya ako. At magkamukha daw kasi kame, maputi lang ako ng slight.

"Pero alam mo be may kamukha ka talaga pero malabo namang maging kamag-anak mo iyon. Ang sama ng ugali non eh"


"Talaga?"


"Oo. Matangos lang ang ilong ng slight at gray iyong mata sayo kasi amber. Ang ganda nga eh bagay na bagay talaga sayo"


"Salamat ate. Ako lang nga iyong amber eh. Sabi ni Mamang Thalia ay mana ko daw sa Papang itong mata. Tatlo lang kami dito ang may amber eyes pero mas maganda talaga iyong mata ko sabi ni Mamang, kasi gayang-gaya kay Papang. Iyong kay papa kasi mapus-aw pareho kay Leah pero ay Leah kasi mahalata talaga iyong pagkaiba"


"Sabi ni Dad ay may lahi ka daw na spanish eh. Kasi yong asawa ni Mamang Thalia ay 3/4 Spanish. Tapos yong Mama mo naman daw ay may lahi rin" tumango ako.


"Opo te. Kaso mukhang di naman. Hindi halata eh. Ordinaryo lang ang mukha ko tapos ang petite ko pa. Si Leah lang iyong malaki. Pati paa nito ay american size rin"


"Okay lang yan mahahalata naman na may lahi ka not unless tumingin sila sa mata mo. Kapag tiningnan yan ng Crush mong si Shield maiinlove iyan sayo. Sure ako"


"Binibigyan mo ako ng false hope At eh! Sipain kita dyan eh" natatawa kong sabi. "Kaya love na love kita eh"



Sabi pa ni Andrey kapag ako daw ang kausap niya ay feeling niya walang magjujudge sa kanya. Minsan kasi ang green minded ko tapos ginogoodtime ko si Andrey. 2years and 6mons lang naman daw ang agwat namin kaya ayon di na ako nag-a-ate kasi ayaw niyang tawagin ko, next school year kasi ay babalik siyang first year college ulit. Hindi kasi credited iyong grades niya dito sa Aklan. Ayaw niyang matawag na manang. Si Ate Yhanna nga rin ayaw magpatawag ng ate kahit 3 years ang agwat ko sa kanya. dahil baby face daw siya.


Patulog na ako ng biglang nagsalita si Andrey.


"Mahal mo na siya no, di mo lang pansin"


"Eh? crush ko lang kaya"


"Believe me Leigh, Mahal mo na si Shield"

Napaisip ako bigla. Mahal ko na nga ba?

I Met A Volleyball Player Number SevenWhere stories live. Discover now