03

10.2K 90 12
                                    

Kakauwi ko lang sa bahay ng maabutan ko sa may terrace sina Kuya Toffy kausap si Mommy Eli. Binati ko naman sila.


"Hi My! Hi Kuya Toffy!" Ngumiti naman sila sa akin. "Ayan na pala Toffy ang hinihintay mo eh. Iwan ko muna kayo" at umalis na si Mommy at pumasok sa loob.


Ngumiti lang si Kuya Toffy sa akin and he widely spread his arms waiting for me to hug him. Kaya naman tumakbo ako sa kanya at yumakap ako."Namiss kita" 


Inangat ko ang mukha ko, nakita ko siyang ngumiti. Hanggang tenga lang kasi ako ni Kuya Toffy. Hinalikan niya naman ang tuktuk ng buhok ko. "I missed you more Baby girl" At tyaka kinurot niya ang cheeks ko.


"Kuya! Di na nga ako baby! Duuh" irap ko sa kanya na dahilan para tumawa siya. "Ang cute mo talaga be" at inakbayan na niya ako.


Ang sweet talaga ni Kuya. Kahit sino sa amin ay ganyan siya ka sweet pero mas sweet siya sa akin dahil ako daw ang favorite ng papa niya kaya fave na rin niya ako. Ninong ko kasi si Ninong Kristofer, papa ni Kuya Toffy.

Sa sobrang sweet niya di na niya alam na meron na palang nahuhulog sa kanya, at isa na ako doon.


Nasabi ko na ba sa inyong may gusto ako kay Kuya Toffy? Kong hindi pa edi sasabihin ko na. Matagal na akong may gusto kay Kuya Toffy since pinanganak ako ay gusto ko na siya. Charr. Di ko alam kong kailan, paano at saan ko siya nagustuhan, naramdaman ko lang iyon na gusto ko na talaga siya.


Kuya Kristoff Lance Peralta is my First Crush. My puppy love. For me he is the best definition of my ideal man. Hayyy, pero hanggang pantasya lang ako sa kanya eh. Ayoko namang maging karibal si Lord. Mahirap yun.. Kaya nga hindi ko pinapalampas ang pagkagusto ko sa kanya eh ayoko kasing masaktan sa huli, ayokong maging tragedy ang lovestory ko no.. At mas lalong ayoko siyang agawin kay Lord. Masaya na akong mag kaibigan kami atleast nakakasama ko siya at kuya kuyahan ko siya. Ayoko kasi na pag inamin ko ay mawawala ang closeness namin. Okay lang naman saakin na magpari siya, kasi si Lord lang ang mamahalin niya kesa ibang babae.

Pero habang tumatagal ay nawawala na ang pagkagusto ko kay kuya. Hindi na siya palagi ang laman ng isip ko. Mabuti nga iyon para kong kasama man niya ang isa sa mga pinsan ko ay hindi na ako magseselos. Pero natatakot parin ako kasi nawalan nga ako ng pagkagusto kay kuya Toffy ay may namumuong bagong iniibig naman ang puso ko at pag minamalas ka nga naman ay sa isang seminarista na naman ulit.


Gusto kong tanongin si Lord kong bakit? Andami-daming lalaki diyan pero bakit sa seminarista pa ako nagkakagusto, hindi lang isa kundi dalawang beses na.


"Be lalim ng iniisip ahh" nakangiting sabi sa akin ni Kuya. Umiling naman ako. "Wala kuya may naalala lang ako hehe" hinatak naman ako ni Kuya Toffy. "Lika sa bahay, gumawa si Mama ng chocolate fugde"


Mabilis akong umakyat sa kwarto at nagbihis, nang matapos sinukbit ko ang kamay ko sa braso ni Kuya Toffy at sabay na kaming pumunta sa bahay niya.  


"Oh tamang-tama ang dating mo Leigh! Fave mo oh" Nagkiss lang ako sa cheeks ni Ninang at tumabi kay Rock. "Hoy Rocky Luis!! Bat nag absent ka!?" Inirapan niya lang ako. "Oyy! Sagot!" Niyoyog-yog ko na siya niyan pero di niya ako pinapansin. Problema nito?

I Met A Volleyball Player Number SevenWhere stories live. Discover now