08

5.7K 72 7
                                    


Nalaglag ang panga ko. Literal na nalaglag. What the!  Si Shield ang katext ko?

E si Kuya Toffy kanina ang nagtext ah. Kinakabahan man ay dali-dali kung kinuha ang private phone ko. Iyong phone na relatives lang ang nakasave sa contacts. Tapos tinaype ko ang number niya. Kasi nakasave parin ang number niya sa private phone ko. Kahit hindi ko man tinitext iyon ay sinave ko parin.


What the fudge! Number nga ni Shield ang nakasave. Gosh! Di na ako nagreply. Natulog na lang ako.


Kinabukasan antok man ay bumangon na ako sa higaan. Ginising na kasi ako ni Ate Yhanna Sabi ko five minutes pa eh yinuyugyog na ako kaya ayon napilitan akong dumaritso sa banyo para maligo. Hinubad ko lahat ng samplot ko. It's just a quick shower. Ang lamig ng tubig, halos sumigaw na ako. Dali-dali akong lumabas ng banyo at nagbihis. Jeans at blouse lang ang suot ko. Madami akong dress kaso sleeveless naman at hindi lang talaga ako sanay sumuot ng dress, depende sa mood at time.


Nag-ayos rin ako at lumagay ng lipstick. Hindi kasi ako mahilig sa make up eh. Well, lipstick is part of make-up but who cares. Ngayon lang to. Gusto ko kasing maging maaliwalas ang mukha pagnakita ako ni Shield.


"Ganda natin ngayon ahh lika na nga quarter to 6 na oh"


Nagpatangay nalang ako sa pinsan ko. Andito na kame sa simbahan. Nasa gilid lang naman kaming dalawa. Tabi ko si at Ate Yhanna, si Gospel kasi ay nasa harapan siya ang taga operate ng projector.


"Leigh si Shield nakikita mo na ba?" Sabay tapik ni Ate Yhanna. Lumingon ako sa likoran. Ngumiti ako. "Agaw attention talaga yong height niya Ate Yhanna. Hindi na ako mag-wo-wonder if there are girls who will get head over heels on him"



"As you can see. You're one of those girls" tapos tumawa siya. I rolled my eye balls on her.


Sige. Tuksoin nyo ko. Mga warka!.


"Kyaaah. Couz! Nagstastart na. Mukha siyang altar boys, tagahawak ng candle" paniguradong high mass ngayon kasi puro seminarians ang nag-seserve at sa ailes sila dadaan. Walang altar servers ngayon. Konte lang naman kameng nagsisimba. Mostly ay mga matatanda. 6am mass kasi ito. Everyday ay may 6am mass sa parish namin.



"Gwapong altar boys Couz" Hindi ko maiwasang hindi tingnan si Shield. Ang gwapo niya lalo kapag naka-sotana. 


What if mag pari talaga siya?


Kahit maganda ang homily ni Father ay hindi ko maiwasang hindi magfocus. Nasa harapan ko lang si Shield. Nasa malapit lang siya. At hindi ko maiwasang hindi siya tingnan. Sana ay tingnan niya rin ako. Shield look at me. Look at me.


Panay ang murmur ko ng "Siben look at me. Or di kaya'y Shield look at me"


Di maiguhit ang ngiti ko ng dumako ang paningin ni Shield sa akin. Alam ko, ako ang tinitingnan niya, nakasmile lang ako ng ubod ng tamis.


Balang araw


At di ko sasayangin ang panahong iyon.

I Met A Volleyball Player Number SevenWhere stories live. Discover now