Prologue

15.2K 109 14
                                    

"Di ka ba talaga sasama sa amin?"

Tumango ako at tipid na ngumiti kay Ate Andrey, pinsan ko. She sighed, wala rin naman siyang magagawa pa. Buo na ang desisyon kong hindi sumama sa Asia tour nila. Alam ko naman kasing hindi ako mag-eenjoy kapag sumama ako, sayang lang ang gastos at pamasahe. Nagtitipid pa naman ako.

"Kapag kailangan mo ng kausap Leigh, andito lang ako makikinig sayo, tawagan mo ako ha?" Ngumiti ako kay Ate Andrey reassuring her that I'm fine. Maayos naman talaga ako ah. Bakit kung umakto sila ay parang hindi ako maayos? Sus. Bakit hindi ako magiging okay? Eh iniwanan lang naman ako, big deal ba iyon? People come and go. Tyaka sanay naman na akong palaging iniiwan.

Palagi naman akong iniiwan ng walang dahilan.

Alas tres ng hapon ay sinundo ko ang kapatid ko. Nagtext kasi ito na pupunta siya sa office at wala daw siyang pera pamasahe. Grade 9 na ang kapatid kong si Athena. Habang naghihintay ako sa kanya dito sa car park ay bumili ako ng fishball at kwek-kwek sa tabi.

"Ate kanina ka pa?" Inabot ko sa kanya yong gulaman. "Di naman, nagutom ako kaya kumain muna ako. Pili ka kung anong gusto mo Tin" Ininum niya naman ang inabot kong gulaman. Tapos nagthumbs up. "Okay na ako dito ate, Tara na"

Habang nasa byahe kami ay nagpatugtug pa si Athena ng music. "Nga pala, nagpaalam ka ba sa mama mo na ako sumundo sayo? at dito ka muna sa akin?" ngumisi lang ito at umiling. 

Pinitik ko nga ang noo nito. Nagreklamo pa siya pero hindi ko iyon pinansin. Mapapagalitan na naman ako ng Mama niya kasi embis daw na umuwi sa bahay ay sa galaan pa raw. "Magtext ka na sa kanya dali, baka masermonan na naman ako ni Mamang na kung saan-saan kita dinadala"

"Akong bahala kay Mama ate tyaka sasabihin ko na for school purposes ang pagpunta ko sayo no" napakunot ang noo ko. "Anong school purposes naman iyan aber Tin?"Tiningnan ko naman si Athena na alinlangang ngumiti sa akin. "Ate may project kasi kami..."agad ko naman itong sinagot. "Anong project ba yan?" 

"Music Video Ate hehe Ate pwede ka bang interview-hin namin?" Alinlangan pa si Athena na nagpaalam. Nilingon ko ito na printeng nakaupo sa shotgun seat "Para san naman iyan Tin?"

"Ano kasi ate... hmmm, meron kaming presentation sa Music tapos gagawa ng video.. gusto ng mga kaklase ko na music video daw yong concept. Tapos, parang mag story telling daw, yong kagaya sa pinanood natin sa JamichTV.. ano nga title non? ahh 'Text' yong story ng mag bestfriend, parang ganon.. kaibahan lang ate is ikaw mismo ang nag a-ask ng question."

"Ano naman ang sample questions? tungkol saan?" Kinuha naman ni Athena iyong notebook niya sa bag nito. "Gawa to ng kaklase ko At, questions are inspired daw sa story na binasa niya online maganda daw kasi yong story... so ganito Ate yong gagawin mo.. kunyari ikaw yong girl tapos kunyari tinatanong mo to sa video..." Tapos ay binasa nito yong naka sulat sa notebook.

Naranasan mo na bang umibig? 

Sa isang lalaking ni minsan eh HINDI kayo nakapag-usap personally?

Naranasan mo na bang mafall?

Sa isang lalaki dahil sa mga TUKSO ng kaklase mo pati narin ng faculty and staff?

Naranasan mo na bang pagkamalan?

Na ikaw yong may gusto sa lalaki kahit hindi naman?

Oh hindi kaya eh...

Naranasan mo na bang maghintay ?

Sa lalaking alam mong wala kang ASSURANCE na kaya niyang ibalik yong pagmamahal mong binibigay sa kanya?

Naranasan mo na bang mahalin ang isang VOLLEYBALL PLAYER? O Mahalin ang isang SOON TO BE PRIEST?

"Naranasan mo na??.." I stopped. Bigla pang nasubsob si Athena sa dashboard at nagulat sa biglaan kong pagsigaw, kaya napatigil ito sa pagbabasa. 

I Met A Volleyball Player Number SevenWhere stories live. Discover now