Chapter 8: My Boo

1.3K 8 0
                                    

Chapter 8:  My Boo

(Venice's POV)

---------------- ?

9:10 AM..

-__-

Ang aga.. Ang aga ko talaga gumising.. Usually, ganitong oras, nagpapaka-hurricane pa lang ako sa kwarto ko sa pagmamadali para lang hinde ako ma-late..

Pero look at me now.. All calm.. kumakain-kain lang ng almusal.. Nakatunganga dun sa TV na hinde ko naman talaga makita dahel nasa kabilang kwarto sya.. Ginagawa lang ng nanay ko na radyo ang TV.. kaya di man namen makita kung anong palabas, pang-boombox naman ang lakas ng volume..

Haayyy..

Sa sobrang windang ko yata kagabi, pag-uwi na pag-uwi ko, diretso collapse na ko sa kama..

Although, hinde naman ganon kasama ung dinner with Jerwin's family.. It was kinda.. nice, actually...

Jean seems to be ecstatic to have an "older sister".. and Mr. Santos or Tito Ray seems to be pleased na hinde ako social-climber... and lalo pa syang na-amused nung narinig nyang hinde ko nakilala si Jerwin the first time I met him.. Kasalanan ko ba!?!?

Haaayyyy.. french toast.. buti na lang masarap ka--

"VENICE! VENICE! VENICE! VENICE!!!!"

Wah! *cough* *cough*

Tubig! *cough*

Mom:Well.. Mukhang nandyan na ang mga suki ng telepono kagabi..:)

I tried to catch my breath, at the same time, trying to stop myself from further choking on the piece of french toast na nag-dire-diretso sa lalamunan ko..

Ako:Ang aga naman!

Mom:Well, what did you expect? Tinulugan mo ung mga tawag nila kagabi? At alam mo naman si Kenny, pano na lang matatahimik ang buhay nya kung wala syang sagap?

Maya-maya lang, ahyan na nga.. Lumipad na pabukas ang pinto ng bahay namen.. at tatlong mokong ang madapa-dapang tumakbo papunta sa dining room kung san kani-kanina lang eh tahimik akong kumakain..

Anthony:Venice! Venice! Is it true!?!?(biglang tingin sa nanay ko)Good morning, Tita Mel!:D (tingin uhlet sa'kin)Venice! Is it true!??!?

Meet Anthony.. ang epitome ng taong may Attention Deficit Disorder.. Ehwan ko ba dyan sa taong yan, pero for the past two years, bigla syang naging overprotective.. daig pa si Double 07 sa pagbantay sa'kin..

Knowing what exactly he was talking about, I held up my left hand and showed him the diamond ring.. Mabilis naman syang tumakbo at talagang nilapit ung kamay ko sa mata nya..

Anthony:Totoo nga! Why?!?! Buntis ka ba?!? Ni-rape ka ba?!?

Sheena:*gasp!*Buntis ka?!??

Kenny:Na-rape ka?!?!?! OoO

Ako:Mga gunggong! Mukha ba kong na-rape!??!

Anthony:Then why?!? Kelan pa!? Why!??! T-T

Biglang nalipat ung tingin nya sa tabi ko nung nagsimulang tumawa si mommy.. And syempre, dahil A.D.D nga ung loko, 180-degrees bigla ang turn ng mood nya.. 

Anthony:Wow, tita! French toast? Penge?:D

Mom:Sige lang, upo na muna kayo.. At mag-ttoast pa ko ng tinapay..

Just then, biglang napunta ung atensyon ko sa TV nang narinig ko ang three magic words: "Jerwin Santos' Fiancée?"

At wala nang hinga-hinga, sumugod ako kagad sa living room para tignan kung anong nangyayare.. Nilabas na ba nina Tito Ray ung balita? Bakit di ko alam?!?

All Over Again by Ayreezh - Sequel of Terminal Love ( Not Mine)Where stories live. Discover now