III Anna

6.3K 127 52
                                    

Hawak niya ngayon ang lalaking matagal na niyang minamahal, Hanggang ngayon si Althea pa rin ang nasa isip at puso niya. Ano ba ang magagawa niya para kalimutan niya si Althea? Ano ba ang magagawa niya para maging masaya ang lalaking mahal niya? Lahat gusto niyang gawin pero mismo ang sarili niya ay hindi malaman ang gagawin.

Nakita niya mismo sa kaniyang sariling mata ang pinsan na umiiyak dahil kay Zeke, Si Stella ang pinsan nito. Halos mabaliw na si Stella noong iwan siya ni Zeke. Naiintindihan niya si Stella dahil Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Zeke? Mapagmahal at higit sa lahat gagawin ang lahat para sa babaeng mahal niya.

Nagpanggap siyang may kasintahan para mawala sa isip ni Zeke na may gusto ito sa kaniya. Pero ang hindi alam ni Zeke, Mahal na Mahal siya ng babaeng ito. Naiinggit siya kay Althea pero hindi siya galit dito. Naiintindihan din niya ang babae kung bakit siya lumayo dito. Hindi siya katulad ni Stella na makasarili at gagawin ang lahat upang makuha si Zeke. Minsan may mga ibang bagay na kailangan intindihin upang mas lalong magkaroon ng kalinawan. Minsan may mga ibang bagay na kailangan isakripisyo para sa taong mahal mo.

"Anna? Mukhang.. Tumataba ka ata?" Bigla niya itong binitiwan at sinapok niya ng ubod ng lakas. Isa din ito sa kaniyang dahilan kung bakit niya minahal ito.

"Aray! Masakit! Tama na!" Gusto na niyang ilihim ang lahat para kay Zeke, Kuntento na siya bilang isang kaibigan, Kaibigan na laging nandiyan at dumamay sa kaniya. Kaibigan na hindi magsasawa sa pakikinig sa kaniya.

"Ikaw naman kasi! Halika na at pumasok na tayo." Sabay silang dalawa pumasok at hinawakan ni Zeke ang kamay nito. Ganito talaga sila. Matalik silang magkaibigan kaya walang malisya ito para kay Zeke..

"Zeke? Paano kung may magkagusto sayo?" Bigla siyang sinapok ni Zeke at napahawak na lang si Anna sa kaniyang ulo, "Ano ba ang pinagsasabi mo? Masyado kang seryoso!"

"Hindi ba pwedeng magseryoso?" Bigla na lang siyang hinawakan ni Zeke sa Ulo at dininan ang kaniyang kamay sa kaniyang ulo. "Aray! Aray! Tama na!"

Hindi nila namalayan na nasa loob na pala sila ng Conference Hall kaya nag-ayos na silang dalawa, "I'm Sorry Althea, If this two are crazy.. Magbestfriend kasi sila kaya ganun." Ang sabi ng kasama nila sa trabaho.

"It's okay, as long as i will not disturb between their friendship." Diin na tuon ni Althea kaya napangiti na lang si Anna sa kaniya.

----

"Mama! May dala akong Cheesebread para sa inyo!" Nandito na siya sa bahay dahil natapos na rin ang kaniyang trabaho, Halos magulo ang kanilang bahay dahil nag-leave ang yaya ng kaniyang kapatid.

"Mama! Nasaan po ba kayo?" May narinig siyang tawanan sa kanilang garden kaya dali-dali siyang pumunta doon, Nakita niya si Zeke na nakikipagkulitan sa kaniyang kapatid kasama ang kaniyang Nanay.

"Nandito ka na pala, Halika! Kumain na tayo at isabay na natin si Zeke." Nakita siya ni Zeke at nilapitan siya nito. Kinuha ni Zeke ang Cheesebread na kaniyang binili at gusto na sana niyang bawiin pero hindi niya magawa dahil masyadong matangkad si Zeke para abutin niya ito.

"Bakit nandito ka? Gusto mo lang makalibre ng pagkain no?" Pang-aasar niya dito. Hindi siya pinakinggan ni Zeke dahil kumakain silang dalawa ng kaniyang kapatid kaya binato niya ito ng kaniyang bag dahilan para magulat si Zeke.

"What? I'm Busy right now you can talk to me later." Dahilan para sapukin siya nito. "Aba! Sumusobra ka na ha?"

"Hindi mo ba alam na kanina pa ako nagsasalita dito!" Natawa na lang silang dalawa dahilan para mas lalong maiinis si Anna. Aalis na sana siya pero hinawakan ni Zeke ang kamay nito. "Sorry Po.."

Napa-buntong hininga na lang si Anna, Kailan niya ba hindi matiis itong lalaking ito, Minahal niya ito dahil din sa kakulitan niya, sa pang-aasar niya, sa pagprotekta dito kapag nanghihina siya, sa pakikinig ng kung ano man ang problema niya.

"Halika na! Kumain na tayo." Sabay-Sabay silang maglakad papunta sa Dining Room at naisip ni Anna na sana habang-buhay ganito na lang. Para silang Pamilya na walang problema at puro pagmamahal ang centro sa kanila.

Kung.. Kung mahal sana siya ni Zeke.. Mangyayari sana ito..

Desire His ClimaxWhere stories live. Discover now