I Althea

9.6K 146 6
                                    

Naglakad-lakad muna siya bago maligo upang makipagkita sa kaniyang Partner na Engineer upang simulan na ang kanilang trabaho, Gusto na din niyang bilisan ito dahil ayaw na niyang manatili dito, Pakiramdam niya kahit ilang sandali, Magkikita sila ni Zeke.

Kailangan ko ng tapusin ang trabaho ko dito sa pilipinas, Siguradong nag-alala na rin si Luke , Iyan ang lagi niyang nasa isip, Lagi na rin siyang tinatawagan ni Luke.

Biglang nag-ring ang kaniyang Cellphone, Kinuha niya ito sa kaniyang kaliwang bulsa at sinagot niya ito. "Hello?"

"Where are you now?" Boses ito ng kaniyang Boss kaya agad siyang nagmadali pumunta sa kaniyang tinitirahan, Hindi siya bumili ng Condo o bahay dahil alam naman niyang hindi siya magiging permanente dito kaya nangupahan siya ng maliit ngunit magandang apartment malapit sa kaniyang trabaho ngayon . "I'm sorry, Malapit na ako."

Agad na niya itong binaba at pumasok na sa kaniyang Apartment, "Althea? Bakit ka nagmamadali?"

"Manang, Late na pala ako, Hindi ko namalayan." Kailangan niya ng katulong dahil alam niyang hindi niya maaasikaso ang kaniyang bahay dahil sa kaniyang trabaho. "Ganun ba? Nakahanda na ang paliguan mo, Kaya bilisan mo na." Mabait ang kaniyang katulong at hindi din naman niya tinatrato ng ibang tao ito.

"Salamat po, Anong ulam mamaya?" Habang naghahanda ng maisusuot niya, Kailangan maging presentable ang kaniyang pananamit, Upang maganda ang maging tingin ng mga tao sa kaniya. "Adobong Manok, Siguradong Miss mo ang mga pagkain dito."

"Oo nga po, Miss ko na rin, Sige maliligo na po ako." Pumasok na siya sa Banyo upang maligo, Naglublob na siya sa kaniyang Baththub at naligo na, Gusto pa naman niyang mag-relax dito dahil katamtaman lang ang temperatura ng tubig, Nagbuntong hininga ito kasabay ng pagsabon sa kaniyang katawan.

Inalala niya lagi ang una nilang pagkikita, Hindi niya aasahan na ganun ang pagkikita nila, Noon ang akala niya hindi na niya makikita dahil malaki ang pilipinas, Ngunit hindi niya naisip na magkikita nga pala sila sa kasal ni Donella.

Tumayo na ito, Kinuha niya ang kaniyang malambot na twalya na amoy jasmine, Pinunasan niya ang kaniyang katawan ng malumanay kasabay ng pagtakip ng kaniyang katawan dito upang lumabas na sa banyo.

Nagbihis na ito at nagayos na ng kaniyang mukha, Nakakatawang isip dahil noong Kabataan niya, Hindi siya mahilig mag-ayos ng kaniyang katawan, Hindi siya mahilig sa magagandang damit ngunit ng umalis sila sa pilipinas doon na nagsimula ang pagbabago sa kaniyang sarili pati na rin sa pag-aalaga niya sa kaniyang katawan.

Ngumiti ito sa harapan ng salamin at tumayo na, Kinuha na niya ang kaniyang bag at ang kaniyang BluePrint upang mag-Present na sa mga Board. Kinakabahan siya sa tuwing presentation ngunit wala pa naman tumanggi sa kaniyang ginagawa.

"Aalis na po ako." Paalam niya, Lumabas na ito sa kanilang pintuan at kinuha ang susi ng kotse sa loob ng kaniyang bag, "Nasaan ba yun?" Hinahalukat niya ngunit hindi niya makita kaya wala na siyang magawa kundi ang maglakad na lang, Malapit lang naman ang kaniyang trabaho ngunit ayaw niya lang pagpawisan.

Naglakad na ito ng mabilis at may nakita siyang tambak ng tubig malapit sa kaniyang nilalakaran. Biglang may mabilis na motor ang sumalubong sa kaniya, Tumalsik ang tubig sa kaniyang palda at galit na galit si Althea dito. "Sh*t! What have you done?" Hindi napansin ng motor si Althea, Tinandaan niya ang Plate number nito upang ireport niya pagkatapos ng kaniyang trabaho.

Humanda ka, Kung sino ka man , Iyan ang laging nasa isip ni Althea, Habang nasa Elevator ng malapit na sanang sumarado ang pintuan ng elevator ay bigla na lang may humabol na lalaking may hawak na Helmet na kulay itim. Nabigla na lang siya dahil si Zeke ito. Siksikan ang Elevator at halatang hindi niya napansin si Althea.

Agad ng umatras si Althea kahit masikip na ang lugar, Naamoy niya kasi ang Pabango ni Zeke, at ayaw niya iyon.

Hanggang ngayon ito pa rin ang pabango ni Zeke , Nagpa-iling-iling na lang siya dahil sa mga iniisip niya ngayon. "Althea, Huwag ka ng magtago." Napalunok na lang siya dahil sa bulong ni Zeke sa kaniya.

"Alam ko ang amoy mo, Kahit nakatalikod ka o Anino mo, Alam na Alam ko." Nagkukunwari pa rin si Althea na hindi niya naririnig ang sinasabi ni Zeke sa kaniya.

Bumukas na ang pinto hudyat na may baba sa Elevator, Nakatabi na lang si Althea kay Zeke dahil sa tulak ng babae sa kaniyang bandang kaliwang likuran. Inakbayan ni Zeke si Althea at dahil doon siniko ni Althea si Zeke. "Huwag mo akong hawakan, Maniyak."

"Amazona ka na pala." Tinignan niya ng masama si Zeke pero nakangiti lang ito ng malapad sa kaniya , "Huwag mo akong kausapin dito."

Nagtataka si Althea kung bakit dito pa siya nagtatrabaho, Ang alam nito may sarili siyang kumpaniya at ang negosyo ng kaniyang pamilya ay Construction at sa Kalaban pa ng kaniyang pamilya pa siya nagtratrabaho. "Bakit nandito ka?" Tanong ni Althea sa kaniya , "Wala lang." Malumanay na sagot ni Zeke.

Marami na ngang nangyari , Iyan ang nasa isip ni Althea, Wala siyang karapatan para makialam sa buhay ni Zeke kaya hindi na siya nagtanong pa kay Zeke at namayani sa loob ng Elevator ang katahimikan.

Bumukas na ang pintuan at sabay din silang lumabas dito, May nakasalubong silang babae at nagulat si Althea dahil sinapok ng babae si Zeke. "Ikaw! Late ka na naman!" Mahaba ang buhok nito at kayumanggi ang kaniyang balat , Katamtaman lang ang Taas at Matangos ang kaniyang ilong. Itim ang kaniyang mga buhok at Ayos naman siyang manamit, Desente kong titignan ang babae.

"Sorry.." Habang hinaharang niya ang mga palo ng babae kay Zeke, "Late din naman ang Kapartner mo kaya halika na." Dumiretso na lang si Althea at naririnig pa niya ang usapan ni Zeke pati na rin ang babaeng kasama nito. "Ayusin mo ang buhok mo, Nag-motor ka na naman, Ilang beses ko na bang sinabi sayo na bumili ka na lang ng kotse, Hindi mo ba alam na delikado iyan." Masyadong maingay ang kasama ni Zeke kaya medyo naiinis si Althea dito.

Binuksan na niya ang pinto at naghihintay na pala ang mga tao sa kaniya, Inayos na niya ang lahat pati na rin ang USB, Binigay na niya ito sa Secretary upang ihanda na. "Zeke, Meet Althea Dizon, Your Architect in this Project." Pilit na ngiti na lang ang binigay ni Althea sa kaniya.

"Hello, Cielo.." Pang-aasar ni Zeke sa kaniya, Namayani ang tensyon sa kanilang dalawa na labis na ikinatahimik ng mga tao sa loob. "Excuse me? My name is Althea Dizon, Nice to meet you."

"I'm so Nice that i've meet you again." Tinignan lang siya ni Althea ng diretso para tumahimik na si Zeke.

"Have you known each other?"

"Yes."

"No."

Tinignan niya na lang muli si Zeke dahil sa magsagot ng Yes, "Can i start my presentation now?"

"Okay , MS. ALTHEA DIZON." Pagdiin ni Zeke sa kaniyang pangalan.

Huminga ito ng malalim at pumunta sa harapan ng mga tao upang simulan ang kaniyang pagsasalita.

Desire His ClimaxWhere stories live. Discover now