VI Zeke

2.7K 66 4
                                    

Kung alam ni Althea kung gaano nasasaktan si Zeke na makita niya itong masaya sa piling ng iba. Naiisip ni Zeke kung nasaktan ba si Althea sa sinabi niya kanina dahil nag-iba ang mukha ng dalaga.


Hinihintay niya si Althea dahil nagpaalam lang ito na pupunta sa banyo pero mag-iisang oras na pero wala pa rin si Althea sa Opisina kaya minabuti niyang puntahan ito sa banyo.


Habang naglalakad ito ay nakita niya si Anna, "Nakita mo ba si Althea?" Umiling lang ito at nag-alala na siya sa dalaga. "Ano bang ginawa mo? Nakita ko si Althea na parang malapit ng umiyak, Ayoko naman siyang tanungin baka sabihin niyang masyadong akong echosera. Hoy! Zeke! Saan ka pupunta?" Hindi na pinatapos ni Zeke si Anna sa pagsasalita at dali-dali siyang tumakbo papunta sa banyo. Bubuksan sana niya ito ng may marinig siyang iyak ng babae, Napatigil siya at pinapakinggan niya ang dalaga na umiiyak. Sobra siyang nasasaktan sa naririnig niya. Ayaw na niyang marinig o makita itong umiiyak ngunit hanggang ngayon ay nasasaktan ang dalaga dahil sa kaniya.


Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit at sabihin na "Tama na, Huwag ka ng umiyak. Nandito ako para protektahan ka." Pero matagal ng binigo ni Zeke ang mga pangako niya kay Althea, Wala siyang ginawa sa Dalaga kundi ang saktan niya ito at paiyakin. Tumigil na ito sa pag-iyak at nagulat siya ng nagbukas na ang pinto ng banyo, Nakita niya si Althea na nakangiti at nagsalita ito. "Why are you here?" Hindi niya alam ang sasagutin niya dahil kahit nakangiti ito bakas sa mukha ang lungkot sa kaniyang mga mata. Pinilit na lang din ni Zeke na ngumiti sa harapan ni Althea. "Wala, Wala.. Tara na!"


Naunang naglakad si Althea sa kaniya at habang naglalakad sila ay pinagmamasdan niya ang likod ni Althea, Naalala niya tuloy ang mga bagay na pinagsamahan nila, Ang tawa at saya na pinaranas ni Althea sa kaniya, Kung pwedeng saktan niya ang sarili, Matagal na niya itong ginawa, "Ay! Kabayong Bakla!" Bigla siyang napatawa dahil sa nakita nito, Natapilok si Althea sa sapatos nito. "Ang taas-taas kasi ng takong mo, Sasali ka ba ng Pageant? Kung sabagay biglang dumagdag yung alam mo na." Hindi namalayan ni Zeke na nasabi niya ito habang ang kamay niya ay kumikilos mag-isa. "Bastos ka! Anong pinagsasabi mo?" Napalunok siya sa sinabi ni Althea dahil hindi niya mapaliwanag ang mukha nito.



"Biro lang iyon!" Pupunta si Althea kay Zeke na may halong pagdadabog ng biglang nasira ang sapatos nito. Lalong lumakas ang tawa ni Zeke at dahil dito tumatawa na rin ang Dalaga. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa paligid dahil gabi na ng mga oras na ito. Huminto na sila sa kakatawa at inalalayan niya si Althea na tumayo. "Anong gagawin mo niyan?" Ang sabi ni Zeke kay Althea. "Ididikit ko lang naman ito sa Mighty Bond, Alam mo naman dati ito lang ang katapat ng mga sira kong sapatos noon pa." Tumatawa ito habang kinakausap niya si Zeke. "Oo nga, Kaya mong maglakad niyan?" Inalis ni Althea ang sapatos nito at pinagmamalaki niyang wala siyang suot na sapatos. "Naalala mo ba nung bata pa tayo, Wala naman akong suot na Tsinelas kapag naglalaro tayo diba? Kaya sanay na ang mga paa ko na walang suot na Tsinelas o Sapatos. Halika na. Balik na ulit tayo sa opisina baka hinahanap na din tayo ni Anna." Naglakad silang magkasabay, Sana manatili ang ganito nilang samahan hanggang sa huli kahit ganito lang ay sapat na kay Zeke dahil wala siyang kaparapatan pang humiling ng mas hihigit pa dito sa nangyayari sa kanilang dalawa.



"Kumusta na pala si Mrs. Potter?" Natigilan si Zeke sa sinabi ni Althea, Nagawa niya pang kumustahin ang Nanay nito kahit ang dami niyang ginawang kasalanan sa pamilya ng Dalaga. "Ayos lang siya pero hanggang ngayon Galit siya sa akin dahil umalis ako sa bahay." Halatang nagulat si Althea sa sinabi ni Zeke. "Umalis ka sa bahay? Bakit mo naman ginawa iyon?" Naalala niya tuloy ang pagtatalo nila ng kaniyang Ina. "Bigla kong naisip na walang mararating ang buhay ko kung aasa lang ako sa Nanay ko. Noong kabataan natin ay naniniwala na ako kaagad sa Nanay ko. Agad akong naniwala.." Hindi na lang niya tinapos ang sasabihin nito dahil baka mailang na si Althea sa kaniya. "Nahahalata ko, Bakit hindi ka na ata Feeling American ngayon? Dati-dati ay nahihirapan akong kausap ka dahil English ka ng English." Parang bumabalik ang pakikitungo ni Althea dati sa kaniya. "Wala, Anong mapapala ko ngayon sa ganoong Kilos ko kundi kayabangan lang. Mahirap ang buhay pagkatungtong mo sa Level ng Matatanda, Walang mararating ang puro kayabangan lang."


"Tama ka. Naalala ko wala pa tayong pakialam sa mundo kundi tayo lang, kundi ang sarili lang natin pero ngayon marami tayong iniintindi, Hindi lang ang sarili natin kundi pati na rin ang ibang tao dahil nalaman natin na ang Mundo ay hindi titigil sa pag-ikot kahit wala pa tayo." Noon ay umaasa lang si Althea sa kaniya ngunit nakikita niya ang Dalaga na kinakaya niya ang sarili nito kahit wala siya. Ngumiti na lang si Zeke sa sinabi ni Althea, Pumasok na sila sa Opisina at nakita nila si Anna na nakaupo.



Follow me on Twitter : MyraLOLOLO

Thank you for your support! Nahahalata niyo na wala masyadong spacing dahil ayoko ng puro spacing lang ang sinusulat ko tsaka may mga nagbabasa din sa Cellphone at alam kong nahihirapan sila kung puro Spacing. Maraming Salamat ulit! RATE THIS OKAY? Huwag kayong maghesitate dahil okay lang basta walang RUDE WORDS OR BAD WORDS, I will not tolerate that. Thank you!




Desire His ClimaxWhere stories live. Discover now