VIII Luke

2.2K 51 10
                                    


"Luke? Do you have free time to eat lunch with me?" I smiled at her, I don't know how to reject her, Sobrang kulit niya, Hindi niya naiintindihan na may Mahal ako. "I'm sorry. Go eat your lunch without me." Nakita niya ang babaeng nalungkot sa sinabi niya, Noon pa man ay palagi na lang siyang ganito, Hindi masabi ang nararamdaman niya, Palagi na lang ngiti ang binibigay niya.


Tumitingin siya lagi sa kaniyang cellphone dahil hapon na at hindi pa tumatawag si Althea sa kaniya, Ilang beses din niyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot, Hindi na niya alam ang gagawin niya. May mali sa nangyayari, Iyon ang pakiramdam niya, Gusto na niyang pumunta sa Pilipinas para samahan si Althea doon pero baka akala ni Althea ay wala itong tiwala, May tiwala siya sa babaeng pinakamamahal niya pero hindi din maiiwasan na baka magbalik ang pagtingin nito kay Zeke, Ang tingin niya kay Zeke sa tuwing kinakausap niya ito dati ay iba sa tingin ni Althea sa kaniya, Nararamdaman niya ang pag-ibig ng dalaga pero para bang may isang parte sa puso ni Althea na hindi mapapalita ni Luke. Nagulat na lang siya ng may umakbay ito sa likod niya. "Dude! Why do you always look at your Cellphone, Althea is busy right now. Lets go!" Nabuntong hininga na lang siya dahil hindi sumasagot si Althea. "You know what? Let us have fun tonight!" Napangiti na lang siya sa kaibigan niya dahil nag-alala lang ito sa kaniya dahil simulang umalis si Althea ay wala na siyang tigil sa kakatingin sa Cellphone niya kung kailan tatawag si Althea. "You're Right.. Maybe I must have some fun tonight, I will just tell Althea this after we drink, I'm sure she will understand."


"I know.. Althea is a very understanding girlfriend to you and can you stop looking at your cellphone! Althea is busy right now, She will call you.. Maybe i will look some girl in the bar to be my Girlfriend." Sumakay na sila sa kaniya-kaniyang kotse at pinaandar na ni Luke ang kotse nito ng may marinig itong tunog galing sa kaniyang Cellphone, Nagmamadali itong sagutin at hindi na niya tinignan kung sino ito. "Althea?" May narinig itong tawa at nakarinig din ito ng Lalaking boses. Bigla itong kinabahan dahil may narinig itong lalaki. "Kuya Luke!! Si Trixie ito. Kasama ko ngayon si Kuya Fred. Umuwi ako papunta sa Pilipinas ng marinig kong magkasama sa isang project sina Ate at Zeke. Kuya!! Bakit mo naman hinayaan na umuwi sa Pilipinas si Ate?" Bigla siyang napatigil sa pag-andar ng kaniyang kotse, Nagulat ito sa nalaman niya dahil hindi nito alam na magkasama sila Althea at Zeke sa trabaho, Hindi sinabi ni Althea ito. "Kuya Luke? Ayos ka lang ba?" Bumalik lang ito sa kaniyang diwa ng marinig niya ang boses ni Trixie. "I call you later. Bye." Hindi na niya hinayaan na sumagot pa si Trixie sa sinabi niya, Agad niyang tinawagan si Althea pero hindi ito sumasagot. Naalala na naman niya ang mga panahon kung saan pinagmamasdan niya lang si Althea habang kasama nito si Zeke, Ang mga tingin ni Althea kay Zeke noong nagmamahalan pa sila ay baka bumalik, Baka iwan siya nito, Ito ang nasa isip niya ngayon. 


"Pick up. Althea.. Please. I love you." Ito na lang ang nasasabi niya habang hindi ito sinasagot ng Dalaga, Halos gusto na niyang pumunta sa Pilipinas kunin si Althea at ibalik dito. Gusto na niyang pakasalan ang Dalaga para hindi siya iwan nito pero alam naman niyang hindi pa handa ang Dalaga sa Kasal. Hindi na niya alam ang gagawin nito dahil sa nalaman niya, Pinaandar na lang niya ang kotse at pumunta sa Bar, Ang lakas ng tugtog ng Musika at may mga taong nagsasayawan, Nakita niya ang Kaibigan nito at lumapit siya, Inalokan siya ng Alak at agad niya itong ininom. "Woah. Dude. Relax." Kahit binabawalan siya nito sa walang tigil na pag-inom ay patuloy parin ito sa pag-inom ng Alak, Gusto na niya munang alisin sa Isip si Althea. Ayaw na din niyang isipin na baka magkasama si Althea at Zeke. Bakit pinagtatagpo ng tadhana sina Althea at Zeke? Ginawa niya ang lahat para mahalin siya ni Althea, Hindi na niya iniisip ang sarili nito para mahalin siya ni Althea pero ito ba ang makukuha niya? Ang masaktan. Ayaw na niyang masaktan gaya ng dati, Masaktan dahil wala siyang magawa ng umiiyak si Althea habang iniiwan siya ni Zeke noon. Nakita din niya noong tinulak ni Zeke si Althea dahil gusto nitong makipagbalikan.


Hindi niya alam ang gagawin nito ng makita niyang dumudugo si Althea, Galit ang namayani kay Luke kay Zeke, Nalaman niyang pumunta si Zeke sa Australia upang balikan si Althea, May ginawa siya na pinagsisihan nito, Nagbayad siya ng mga tao upang saktan si Zeke at kunin ang pera nito. Alam niyang masama ito dahil hanggan ngayon ay kinakain pa rin siya ng Konsyensiya nito. Hindi niya lubos maisip na nagawa niya iyon kay Zeke pero ginawa niya lamang ito para sa babaeng pinakamamahal niya, Kahit nasa Australia siya ay alam pa rin niya ang nangyayari kay Zeke pero noong nakaraang taon ay nawala na din siya ng balita sa binata. Bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo. "Dude, Your Drunk.." Inalalayan siya ng kaniyang kaibigan sa isang kwarto sa Bar para sa VIP at tahimik dito ng marinig niya ang Cellphone nitong tumutunog. "H~He~llo.." Ang sagot nito sa tumatawag sa kaniya. "Luke? Lasing ka ba?" Kahit Lasing ito ay alam niya ang boses ng pinakamamahal niyang Dalaga. "Ha? A~Ako? Hahaha! Hindi. Kumusta ka na kasama ang MAHAL mong si ZEKE. Siguradong tuwang-tuwa kang kasama niya? H~Hahaha!" Tumatawa ito pero may luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. "Luke, Dahil ba sa akin kaya nagpakalasing ka? I'm Sorry.. Hindi ko nasabi sa iyo. Wala lang akong pagkakataon. Please.. Stop this Luke." 


"Ako h~hihinto? Hindi! Ikaw ang huminto sa trabaho mo at bumalik ka na dito." Wala na siyang pakialam kung ano ang lumabas sa kaniyang Bibig ang gusto niya ngayon ay mayakap niya ang Dalaga. "Luke. Kapag natapos na ito, As soon as possible, Babalik ako diyan, I promise. Just stop this. Umuwi ka na ngayon." Bakit hindi niya matiis ang Dalaga? Isang pakiusap lang nito ay napapayag siya. "Okay, I'm sorry for what I've said. Pakiramdam ko ay babalik ka sa kaniya, Please. Tell me.. Hindi ka babalik sa kaniya diba? Please.." Narinig niya ang iyak ng dalaga. "Yes, I promise.. Babalik ako diyan. Sayo ako babalik. I love you!" Napangiti siya sa sinabi ng Dalaga, Mahal na Mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para sa babaeng pinakamamahal niya. "I know. I love you more. I love you so much. I love you. I love you." Bigla na lang niyang naramdaman ang kaniyang mga mata na pumipikit ito habang naririnig niya ang boses ng mahal niya. 




Desire His ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon