VII Anna

3K 72 14
                                    


"Hoy! Zeke! Saan ka pupunta?" Agad na umalis si Zeke kahit hindi pa natapos magsalita si Anna, Kapag si Althea na ang pinag-uusapan ay nababalewala na si Anna, Iyon ang pakiramdam niya dahil sa tuwing nakikita niya si Zeke na pinagmamasdan si Althea ay wala siyang magawa kundi ang panoorin lang si Zeke na umaasa pa rin kay Althea.



Alam ni Anna na kahit sabihin ni Zeke sa kaniya na Masaya na siya sa nangyayari kay Althea ay kitang-kita pa rin sa kilos at tingin ni Zeke kay Althea, Palaging bukang-bibig ni Zeke si Althea kapag nag-uusap sila.



"Anna! Kanina pa kita tinatawag! Ano bang problema?" Nagulat siya sa boses ng kaniyang ka-trabaho, Masakit kay Anna ang nangyayari pero noon pa ay alam na niyang mangyayari ito, Wala din naman siyang karapatan kay Zeke dahil KAIBIGAN lang naman siya nito. Sino ba naman siya para pigilan si Zeke na lumapit kay Althea?



Ayaw na niyang masaktan pa si Zeke pero patuloy pa rin ang tadhana na palapitin sila Zeke at Althea, Minsan ay natatanong niya sa sarili niya kung bakit gusto ng Diyos na palapitin si Zeke at Althea, Para bang pinamumukha ng Diyos na hindi talaga si Zeke para sa kaniya.


"Wala, Mauna ka na.. Pupuntahan ko pa si Zeke at Althea. Marami pa tayong aayusin sa Presentation natin." Alam niya kung saan pumunta si Althea dahil nakita niya itong pumasok sa banyo, Dali-dali siyang pumunta sa banyo pero napatigil siya sa kaniyang nakita, Nakasandal si Zeke sa pader habang tinatakpan niya ang kaniyang mukha sa pamamagitan ng kaniyang kamay, Halatang-halata sa kilos at mukha ni Zeke na nasasaktan ito.



Napahawak siya sa kaniyang Dibdib, Dahil bigla na lang itong bumilis ang tibok ng kaniyang puso ngunit sa bawat pagtibok nito ay para siyang sinasaksak at may parang insekto sa kaniyang tiyan na unti-unti siyang kinakain, Iyon ang pakiramdam niya ngayon, Nasa harapan niya ang Lalaking Minamahal niya at nakikita niya itong nasasaktan, Ano ba ang magagawa niya? Magkukunwari na lang siyang parang walang epekto siya sa kaniya ito. Iyon naman ang lagi niyang ginagawa.



Napatabi siya sa pader upang magtago, Nagulat siya sa kaniyang ginawa, Bakit siya nagtago? Bakit apektado siya sa nangyayari? Kahit tinatanong ng kaniyang isip ang mga ito pero alam ng puso niya ang sagot ngunit nagkukunwari siyang hindi niya alam ang sagot dahil masasaktan siya ng husto.



Nakita niyang binuksan na ni Althea ang pinto sa banyo at kitang-kita naman kay Zeke ang pagkagulat, Hindi niya marinig ang pinag-uusapan nila.. Naglalakad na sila at nauuna si Althea sa paglalakad, Sinusundan niya ang dalawa, Pinagmamasdan ni Zeke si Althea na naglalakad, Iniisip niya na SANA GANIYAN TUMINGIN SI ZEKE SA KANIYA, Ngunit alam niya sa sarili niya na hindi ito mangyayari.


Napatigil siya sa paglalakad dahil natapilok si Althea at bigla namang tumawa si Zeke sa nangyari pero halatang masaya si Zeke ngayon. Hindi niya masyadong marinig ang usapan nila. Nakita niyang lalapit sana si Althea kay Zeke pero nasira ang sapatos nito. Tumawa ang dalawa at napatulala siya sa kaniyang nakita, BAGAY NA BAGAY SILANG DALAWA, Iyon ang naisip niya. Halatang-halata sa dalawa na marami silang masayang pinagsamahan, Walang-wala ito sa Relasyon nila ni Zeke.


Umupo si Althea sa sahig at umupo din si Zeke.. Pinagmamasdan niya ang dalawa at nanghihinayang siya kung bakit sila naghiwalay, Napasampal siya sa naiisip niya, Sino ba namang taong matino na magtatanong ng ganiyan? Mahal niya si Zeke pero hinihiling niyang sana magkatuluyan si Zeke at Althea. Tanga nga siya kung Tawagin dahil hinihiling niya ang mga bagay na iyon. Ganito yata talaga siya magmahal. Kuntento na siya kapag masaya ang minamahal niya, Hindi siya masaya dahil nasasaktan ito pero sapat na sa kaniyang siya na lang ang masaktan basta ang taong mahal niya ay masaya.


Naiisip niya na magiging MATANDANG DALAGA na lang siya balang araw dahil sa ugali niyang ito. Wala siyang lakas para ipaglaban ang Mahal niya. Martir siya kung tawagin. Hindi TAPANG ang nangunguna sa kaniya kundi TAKOT, TAKOT na mawala o humiwalay ang taong mahal niya sa kaniya. Kung iisipin ng mga tao, Napakabait niya dahil sa ginagawa niya, Nagkakamali sila dahil hindi niya maiiwasan na hilingin sa Diyos na sana HINDI NA MAGKITA SI ZEKE AT ALTHEA AT MAKALIMUTAN NI ZEKE SI ALTHEA PARA SIYA NA LANG ANG MAHALIN. Ganiyan naman ang mga tao, Hindi nila maiiwasan maging MAKASARILI dahil NAGMAMAHAL LANG SIYA.


Tumakbo na siya papunta sa Opisina dahil baka maabutan ni Zeke at Althea na wala siya dito, Dumaan siya sa likod para hindi niya madaanan sila Zeke at Althea, Naitatanong niya sa Sarili nito kung Bakit hindi siya umiiyak kapag nakikita niya si Zeke at Althea na masayang magkasama? Baka ubos na ang luha nito na umiyak, Pagod na ang mata niya sa kakaiyak pero ang puso niya ay hindi pa rin pagod na mahalin si Zeke, Ayaw niyang maging ganito.. Hindi niya lubos maisip na magmamahal siya ng ganito dahil nung kabataan niya ay wala siyang balak na umiyak o magpaka-TANGA sa pag-ibig.



Naalala niya na pinapaalalahanan niya ang mga Kaibigan nito na huwag nilang sayangin ang LAKAS at LUHA nila sa mga Lalaking Mahal nila pero tignan mo naman ang pagkakataon dahil ngayon siya ang naguubos ng LAKAS at LUHA niya sa taong mahal niya. Tama nga ang sabi nila, Babawiin mo ang lahat ng sinabi mo kapag nasa naranasan mo na ang pinagdadaanan nila.



Dumating na siya sa Opisina na hingal-hingal, Pinunasan niya ang kaniyang pawis at umupo ito na parang walang nangyari, Inaayos niya ang mga papel na nasa harapan niya, Maya-maya at nandito na si Zeke at Althea na sabay na pumasok sa Opisina, Tumatawa pa silang pumasok, Nakaramdam siya ng insi pero pinipigilan niya ang sarili nito na mainis. "Okay! Start na tayo." Ang sabi ni Zeke, Pinagmamasdan niya si Zeke na binabasa ang mga papel na nasa harapan nito. "Naiinlove ka na ba sa akin?"



Nabigla siya sa sinabi ni Zeke sa kaniya, "Ako? Alam mong ang sagot ko diyan ay HINDI!" Eto na naman siya, Akala niya ay magiging magaan ang loob niya kapag sinabi niya kay Zeke ito ng paulit-ulit pero mas lalo siyang nasasaktan, Siguro kung Physical na nasasaktan ang puso dahil sa pag-ibig. Siguro matagal na siyang patay dahil sa sugat at bugbog na nararanasan niya.



"Tama na iyan, Magsimula na ulit tayo." Ang sabi ni Althea sa kanilang dalawa, Nakita ni Zeke na ngumiti kay Althea, Masaya siya dahil nagagawa na nilang ngumiti sa isa't isa. Kuntento pero Nasasaktan..




-

Goodnews! Palagi na akong mag-u'update ngayon, Pasyensiya na kung matagal akong hindi nakakapag-update. Thank you sa mga sumusuporta hanggang ngayon sa kwento ko. Thank you!




Desire His ClimaxWhere stories live. Discover now