VII II Althea

2.2K 43 14
                                    


"Althea? Nakikinig ka ba?" Bungad sa kaniya ni Donella habang nasa bahay sila ni Grey, "Ano yung sinasabi mo?" Wala ito sa sarili niya simula ng nagpakalasing si Luke dahil nalaman nitong magkatrabaho sila ni Zeke. "Darating ngayon si Trixie." Nagulat ito sa narinig niya, Bakit darating ang kapatid nito? Wala namang dahilan o okasyon para dumating si Trixie sa Pilipinas. Wala din sinasabi ang kapatid nito sa kaniya. "Ano? Darating siya? Bakit?" Napakamot na lang ng ulo si Donella sa sinabi ni Althea dahil kanina pa nagsasalita si Donella sa harapan nito pero hindi ito nakikinig dahil ang nasa isip niya ngayon ay si Luke, Hindi niya matawagan ito at nag-alala siya sa Binata. "Kasi nalaman niya na magkatrabaho pala kayo ni Zeke. Bakit hindi mo sinasabi sa akin ito?" Bigla na ding lumapit si Grey sa kanilang dalawa ng marinig niya ang pangalan ni Zeke. "Magkatrabaho kayo? Althea?" Biglang tanong ni Grey sa kanila, Hindi niya alam ang sasabihin sa dalawa dahil ano bang dahilan para sabihin, Tapos na ang nakaraan nila ni Zeke at wala ng magbabago pa doon.


"Bakit pa? Magkatrabaho lang naman kami. Isa pa, Kung iniisip niyo na baka babalik ang nararamdaman ko kay Zeke, Hindi na mangyayari ito." Napatingin na lang sila sa isa't isa dahil sa sinabi ni Althea. "Hindi naman iyon ang iniisip namin. Ang sa amin lang ay baka hindi maging maayos ang trabaho niyong dalawa dahil sa nakaraan niyo. Ikaw lang ata ang nag-iisip ng ganoon, Baka naman talagang Mahal mo pa si Zeke? Sabihin mo.." Seryosong tanong ni Donella sa kaniya, Hindi niya lubos maiisip na magkakabalikan sila ni Zeke ngayon. Marami na ang nangyari at marami din ang nasaktan dahil sa pagmamahal nilang dalawa sa isa't isa. "Ayoko ng ganiyang mga tanong. Sandali lang at tatawagan ko lang si Trixie dahil sa nalaman ko." Napailing na lang si Donella sa kaniya at binabawalan ito ni Grey, Ayaw na niyang pag-usapan si Zeke ngayon dahil si Luke ang nasa isip niya, Nasasaktan ang kaniyang kasintahan dahil sa kaniya at ayaw na niya itong masaktan, Walang ibang ginawa si Luke kundi ang mahalin siya nito at ito pa ang ibibigay niya sa kasintahan.


Sinagot ni Trixie ang tawag at agad na sumigaw si Althea sa kaniya. "Hoy Trixie! Anong nalaman ko na uuwi ka daw sa Pilipinas? Bakit hindi mo agad sinabi ito sa akin? Nalaman ko pa kay Donella. Paano mo nalaman na magkasama kami sa trabaho ni Zeke?" Naiintindihan niya si Trixie na umuwi ito noong nalaman niyang magkatrabaho sila ni Zeke, Alam niyang ayaw lang masaktan nito ang kaniyang Ate kaya ginagawa niya ito pero mahirap mawalan ng nararamdaman kay Zeke lalo't pa siya ang unang lalaking minahal niya at alam niya sa sarili nito noon na siya na ang Lalaking pang-habang buhay nito. Minsan din niyang pinangarap na maglalakad siya sa Altar at ikakasal kay Zeke. "Ate, Ikaw ang hindi nagsasabi sa amin. Hindi mo man lang sinabi na magkasama kayo sa trabaho ni Kuya Zeke. Ano ba ang dahilan mo para hindi sabihin ito sa amin?" Hindi makasagot si Althea sa kaniya, Gulong-gulo na ang kaniyang isip, Hindi na niya alam ang sasabihin nito. "Baka ang akala niyo ay may nararamdaman pa ako kay Zeke at baka ito pa ang dahilan na pauwiin ako diyan, Alam niyong importante ang Project na ito sa akin at sana mainitindihan niyo iyon." Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Trixie dito, Totoong importante ang Project na ito sa kaniya. Parang may pagsisinungaling siyang sinabi kay Trixie iyon ang nasa isip niya. "Alam mo Ate, Ayokong isipin na wala kang nararamdaman kay Zeke ngayon dahil siguradong umiiyak ka sa tuwing nakikita mo siya dahil may halo kang pagsisisi sa pag-alis mo noon sa Pilipinas kahit ilang beses mong sinasabi sa sarili mo na galit ka sa kaniya pero hindi mong magawang magalit sa kaniya dahil siya ang TUNAY MONG MAHAL, Oo mahal mo si Kuya Luke, Nandoon na tayo pero sana huwag mong sasaktan si Kuya Luke dahil lang kay Kuya Zeke, Si Kuya Luke hindi ka niya iiwan, Handa ka niyang pakasalan at ilayo sa lahat ng nangyari sa iyo sa nakaraan. Siya ang lalaking hindi ka iiwan. Alam mo yan? Pero parang pinipili mo ang Lalaking iniwan, sinaktan at naging dahilan kung bakit nawalan kayo ng Anak. Sana isipin mo yun." Napatahimik na lang si Althea sa sinabi ni Trixie sa kaniya, Totoo ang lahat ng sinabi niya pero bakit sa tuwing nakikita niya si Zeke iba ang nararamdaman niya, Bakit ba mahal na mahal niya ang binata ng sobra? Yan ang lagi niyang tanong sa sarili niya dahil nandito naman si Luke na handa iwan ang lahat para sa kaniya. 


Napatakbo na lang siya sa labas, Narinig niyang pinipigilan siya ni Donella at Grey, Takbo siya ng Takbo at hindi niya pinapansin ang ibang tao na tinitignan siya, Hindi niya napansin na bigla palang bumuhos ang ulan at basang basa na pala siya. Napahinto na lang siya at napatingin sa baba habang umuulan, Sana mawala na lang ang lahat ng sakit ng nararamdaman niya, Sana mawala na lang ang nakaraan nila ni Zeke para maging maayos ang lahat, Sana kaya niyang mahalin si Luke gaya ng pagmamahal niya kay Zeke.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


  Bigla na lang may humawak sa kaniya sa likod at naramdaman niya na ito ang hawak na matagal na niyang hinahanap, Humarap siya dito at nakita niya ang Matagal na niyang mahal niyang Lalaki. "Althea? Anong nangyari?" Bigla na lang siyang yumakap kay Zeke at hinigpitan niya ang yakap nito. "Althea? Please.. Tell me?" Halata sa mata ni Zeke ang pag-alala nito sa kaniya. "Zeke. I need you.." Habang kayakap si Zeke ay may pinagdesisyunan na si Althea na magpapabago sa kanilang buhay.   


Authors Note: Get Ready for my Valentine Surprise to you. :) 5 DAYS LEFT..

Try my New Story: The Witch Princess; The girl who believe in she is the princess of her own fairy tale but what if she will be the one who will be the Witch of her own dream fairy tale story. 

Desire His ClimaxWhere stories live. Discover now