Chapter 23 = Instant

564 4 0
                                    

Chapter 23 = Instant

(Jazmine Lee's Point of View)

"Jekjek! Gusto ko nun!" Sabay turo dun sa silver shoes. Andito kami ngayon sa department store. Nagkaron kasi kami ng kasunduan na ililibre niya ko bilang pambawi. Ilang taon rin kasi siyang nawala at namiss ko rin tong lalaking to no! Nagpout lang siya at binaksak yung mga balikat niya.

"Usapan natin pagkain lang ililibre ko sayo ah. Eh bakit may mga damit at sapatos na!" Bulalas niya. Napangisi naman ako.

"Pfft. Ok lang yan! Mayaman ka naman eh! Tsaka pambawi mo na rin to sakin. Ilang taon ka kayang nawala. Namiss kita no!" Paliwanag ko at ngumiti. Napangiti rin naman siya.

"Talaga?! Namiss mo ko?" Tanong niya habang nakangiti ng abot tenga. Napakunot-noo naman ako. Problema nito?

"Bingi lang? Kasasabi ko lang diba. Namiss kita. Miss kita Jin Eros Choi. Oh ayan pati buong pangalan mo dinamay ko na! Pagyan di mo pa narinig. Uupakan na talaga kita!" Sabi ko naman at nagpout sabay lakad papunta sa mga sapatos.

"Sige na nga! Dahil namiss mo naman ako bibilhin ko na kung anoman yang gusto mo." Sabi niya. Ganun lang yun? Napangiti naman ako ng napakalawak at nagtatalon na parang isang batang excited.

"Yehey! Thank you Jekjek!" Sabi ko at kinuha lahat ng sapatos na gusto ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko onting ontiang naglaho yung ngiti niya nang makita niya yung mga pinagkukuha ko. Napa-grin tuloy ako. Kala mo ah! Buwahahaha. Ang sama ko talaga.

"Ayan, gusto ko lahat ng to" sabi ko at nilapag sa harap niya yung sandamukal na pares ng sapatos. Sa totoo niyan hindi ko naman talaga gusto yung iba. Trip ko lang asarin tong lalaki tong. Hahah. Napanganga naman siya.

"Anong gagawin mo diyan? Bakit ang dami???" Gulat na gulat niyang tanong habmg nanlalaki yung mga mata.

"Yung iba idodonate sa mga nasalanta ng bagyong yolanda. Bakit may angal ka?" Palusot ko pero inaasar ko lang siya. Napabuntong hininga naman siya.

"Fine. Dalhin mo na yan sa cashier nang mabayaran na." Sabi sabay lakad papunta dun sa may counter. Sa oras na to ako naman yung napanganga. Hindi niya ba nahalata na binibiro ko lang siya?

"Jek! Sandali! Nagbibiro lang ako." Sabi ko at napalingon naman siya sakin.

"Alam ko. Tingin mo naman kaya kong bilhin ng lahat ng yan?Hahaha" sabi sabay tawa. Ah ganun? So asaran talaga kami? Napasimangot naman ako at nagdabog palayo sa kanya. Ayoko na. Nawalan na ko ng gana bumili ng sapatos.

"Hala. Pepen! Wait! Nagbibiro lang ako. To naman. Wag ka naman pikon." Naririnig kong sinsabi niya habang sinusundan ako. Hindi ko siya pinansin. Hinawakan niya yung braso ko at hinarap ako sa kanya.

"Sorry na." Magmamakaawa niya at nag-puppy eyes pa. Pacute pa! Kala mo naman cute! Shet. Ang cute nga niya! Kainis.

"Pasalamat ka hindi kita matiis ah!" Sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Good. Tara! Ano ba gusto mo?" Tanong niya tapos bigla niyang hinawakan yung kamay ko at naglakad. Nagkibit-balikat na lang ako. Napunta kami sa may mga pabango. Sakto. Kailangan ko na rin kasi ng pabango. Binitawan ko yung kamay ni Jekjek at kinuha yung pink na bote tapos inispray ko sa may bang pulso ko. Pinaamoy ko kay Jekjek.

"Ano? Mabango ba?" Tanong ko. Umiling naman siya.

"Masyado yan matapang. Sakit sa ilong." Reklamo niya tapos kinuha niya yung clear bottle at inispray sa kabila kong kamay. Inamoy ko naman. Hmm. Mas ok to ah. Tumango tango ako sa kanya.

"Ok to ah. Sige ito na lang bilhin natin!" Sabi ko. Pumunta na kami sa cashier. Habang pinapunch niya yung binili namain eh panay ang pacute kayJekjek kaso dinededma lang siya Jek. Wawa naman. Pagaalis namin dun. Nailabas ko na yung matagal ko nang pinipigil na tawa. Nagtaka naman si Jekjek.

"Problema mo? Nabaliw ka na ba?" Takang tanong niya habang pinapanuod ako sa kakatawa. Umiling ako.

"Eh kasi nakakatawa si ateng cahera. Pacute ng pacute sayo kaya lang dinedma mo lang. Wawa tuloy." Paliwanag ko. Napa-ahh. Naman siya.

"Hindi ko napansin yun ah. Pfft. Di ko naman type yun." Sabi niya at umakbay sakin. Dinedma ko lang din. Friends naman kami kaya ok lang yan.

"Ano ba type mo?" Tanong ko. Napatingin naman siya sakin.

"Ikaw. Ikaw type ko." Bigla niyang sabi. Natawa na naman ako.

"Grabe! Galing mo magjoke ah! Kanina ka pa! Hahahah" sabi ko. Ngumiti naman siya ng pilit.

"Gutom ka na ba? Tara kain tayo ulit?" Tanong niya. Tumango naman ako. Pumasok kami sa isang fine-dine-in restaurant. Nagorder lang kami ng pasta. Habang naghihintay ng order namin pinglalaruan namin yun tao sa paligid. Gumagawa kami ng sariling dialogue tapos sabay na tatawa. Pinagtitinginan na nga kami dito eh. Pero wala kaming paki. Sa wakas dumating na rin yung order. Kumain na kami at dahil favorite ko to. Nakalimutan ko na yung manners ko sa pagkain kahit na pangmayaman yung restaurant na to.

"Jazmine..." biglang sabi ni Jekjek. Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko. Bigla niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko tapos ginamit niya yung hinalalaki niya para punasan yung labi ko. Nagulat naman ako. Napaiwas ng tingin.

"Ah...salamat" sabi ko. Ang awkward naman.

"Jaz...may gusto sana ako sabihin sayo..." seryoso niyang sabi. Napatuwid naman ako ng upo at hinihintay yung susumodn iyang sasabihin.

"Ano yon?" Tanong ko. Umubo muna siya at tsaka nagsalita.

"Ang toto-"

Hindi ko na narinig yung iba niyang sinabi kasi biglang may humatak sakin palabas ng restau. Pagtingin ko kung sino yun.

"SPENCER?!" bulalas ko. Agad kong hinawi yung kamay ko.

"Problema mo?! Bakit mo ko hinila palabas?!" Galit kong sabi.

"IKAW! SIMULA NGAYON GIRLFRIEND NA KITA!" Sigaw niya. Para naman akong nabingi. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Ha?" Tangi kong nasabi.

"Simula ngayon girlfriend na kita. Sa ayaw at sa gusto mo. Ayokong nakikita ka na kasama yung lalaki yun kasi ewan. Basta naiinis ako! Kaya simula ngayon GIRLFRIEND na kita para akin ka lang!" Sabi niya. Tuluyan na talaga akong naningas sa kinatatayuan ko.

My Cold-Hearted Girl (EXO fanfic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang