Chapter 8 = His Love Rivalry

918 8 1
                                    

Chapter 8 = His Love Rivalry

(Third Person’s Point of View)

At Heat’s Condo, 6:30am

Dumeretso na si Heat sa kusina at agad na sinuot ng apron at hinanda na ung mga ingredients para sa agahan. Hindi  na kasi bumalik ung cook niya tapos hindi pa marunong magluto si Crail kaya ayan…napilitan siyang magluto. :3

Meanwhile, Crail is still having her beauty sleep.

Habang nagluluto bigla naman naalala ni Heat ung nangyari nung weekend.

Kaninong bahay ba yun? Bakit nasunog? Anong koneksyon nun kay Crail? Ano ba kasing meron dun?  Patagal ng patagal lalo siya nagiging mysterious ah at the same time ang weird rin. Isip ni Heat

“Yah!ung niluluto mo sunog na!” sigaw ng bagong gising na si Crail

“huh?” napatingin naman si Heat sa niluluto niya. “Shit” he cursed himself. Nasusunog na kasi ung niluluto niyang itlog. 

"What we're you thinking?You're spacing out." sabi ni Crail habang nagkukusot ng mata. Halatang kakabangon niya pa lang ng higaan. 

 How does she do that? Kagigising niya lang diba? Eh bakit ang cute cute na niya agad? teka! Anong sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng isagot na 'ikaw kasi ung iniisip ko kaya nasunog ung niluluto ko'! langya naman oh! bahala na sabi ng isip ni Heat

"Nothing. Don't mind me. Magluluto na lang ulit ako." sabi ni Heat at napabuntong hininga na lamang siya. Sinimulan na niya ulit magluto pero this time  nasa tamang katinuan na naman siya.

"Ah...ok...ahmm. Wag mo na pala ako lutuan. Maaga ako aalis. Ikaw na lang muna kumain." sabi ni Crail at agad na pumuntang cr.

Hah? saan naman kaya un pupunta?It's too early for school. Isip ni Heat.

At the school,7:45am

Naglalakad si Crail ng sa hallway nang makita siya ni Walter. Agad niya itong nilapitan. 

"Goodmorning Miss Beautiful!" sabi ni Walter sabay kindat. 

Poker face pa rin si Crail. (A/n: lagi naman. anong bago dun? chos! epal lang ako)

 "Grabeh naman to. Ngiti ngiti din pag may time diba? Ganyan ka ba talaga?" sabi ulit ni Walter with matching puppy eyes tapos ngiti ng sobrang lawak. Pacute niya lang! 

"What do you want?" Crail asked with cold voice.

"Aww. ang mean mo naman.Gusto ko lang naman ikaw maging friend eh" sabi naman ni Walter with baby voice.

Napailing na lang si Crail.

"Sa mga kagaya mong lalaki. Sigurado akong hindi lang friends ang gusto mong mangyari." walang emosyon na sabi ni Crail at diretsong nakatingin sa mga mata ni Walter.

Natigilan naman si Walter dun at biglang naging seryoso ung mukha tapos maya maya lang bigla siyang nagsmirk.

"Totoo nga ung sinabi ni Heat. KAKAIBA KA. Mas nagiging interisado tuloy ako sayo ngayon." sabi ni Walter sabay ngiti ng nakakaloko.

"Sinasayang mo lang ung oras mo sakin." malamig na sabi Crail.

"Why? Dahil ba kay Heat kaya hindi ka na interesado sakin?" medyo seryosong sabi ni Walter.

Tinignan lang siya sa mata ni Crail at nanatiling tahimik.

He just snickered."Silence means yes. Wala akong pakielam kung mas interesado ka kay Heat at isa pa wala siyang sineseryoso na babae kaya wag ka na umangal dahil sa ayaw at  sa gusto mo liligawan kita." seryosong sabi ni Walter and again nag smirk na naman siya. Hilig magsmirk no?

"You're really a selfish BOY ha. Do what you want but I'm warning you don't blame me if ever you get hurt in the end." malamig na sabi ni Crail at naglakad na paaalis. Nilampasan niya lang ang nakatutulalang si Walter.

What the hell was that? Is she rejecting me or what? Grabeh! First time to ah! Nakakachallenge tuloy. Walter thought as he grin in the middle of hallway.

after a few minutes...

SA classroom ng 4a-1 busy na busy ang lahat dahil malapit na ang foundation day ng SM Academy at super haggard na rin nila Jazmine at Jaycee dahil sila lang naman ang President at Secretary ng SSG (Supreme Student Goverment) so ayun  daming papel na dapat asikasuhin at mga projects na dapat gawin. Wawa naman sila samantalang si Crail ayun andun sa upuan niya ang sarap sarap ng tulog. Hindi man lang maisipan na tulungan ung mga kaibigan niya. Grabeh talaga. 

Anyways, dumating na ang kanilang hot na hot at crush ng lahat ng babae sa school nila at walang iba kung di ang teacher/Adviser. Si Sir. Min. Sa wakas nagkaron na rin ng kaayusan ang room nila. 

"Uy san ka galing ka galing kanina ba't ang aga mo umalis?" bulong ni Heat kay Crail.

"Somewhere that you don't know" sagot ni Crail nang hindi tumitingin kay Heat.

Napabuntong hininga na lang si Heat dahil alam niyang wala siyang makukuha na matinong sagot kay Crail.

"Mr.Go! I think you're in a wrong classroom?" Sabi ni Sir.Min sa lalalking nakatayo sa pinto ng room nila.

"No Sir! simula po ngayon dito na ko magroroom. Andito po kasi ung nililigawan ko!" masiglang sagot ni Walter sa teacher.

"KYAAAAAHHHHHH" biglang napuno ng ingay ang buong room dahil sa sinabi niya. 

"Class quiet! All of you! minus 10 on your behavior!" nakakatakot na sabi ni Sir. Min.

"AAAWW" angal ng buong klase at tumahimik na. Wala silang magawa dahil Teacher nagsabi eh.

"For Mr.Go. Hindi ka pwedeng basta basta na lang lumipat ng section kung kelan mo gugustuhin. You need to talk to the Guidance Counsilor." sabi ulit ni Teacher.

"Sir! Tapos na po. Eto na po ung permit. Sige sir uupo na ko sa tabi ng Baby ko ah!" sabi ni Walter sabay abot nung permit sa teacher at dumeretso sa pwesto nila Crail at Heat.

Nabigla naman ang lahat pati na rin ang EXO-M.

"Ayyy...wala na palang bakanteng upuan. Dibale dito na lang ako sa likod ng baby ko" sabi niya ulit sabay upo sa bakanteng upuan sa likod ni Crail. Nakangiti pa rin sya kahit na naktuon ang lahat ng atensyon sa kanya.

"Anong ibig sabihin nito?!" gulat na gulat na tanong ni Heat kay Walter.

"Nililigawan ko na siya *turo kay Crail* Bakit masama?" sagot naman ni Walter sabay ngiti ng nakakaloko.

Hindi makapinawala si Heat sa naririnig niya at sa hindi malamang dahilan ay nakakaramdam siya ng galit.

"Kelan pa?" halata sa tono ni Heat na naiinis sya.

"Kanina lang" masayang sabi ni Walter. Kung makangiti siya animo'y parang isang inosenteng bata lang.

"Bakit ba parang affected ka ha? Hindi naman kayo diba? Seatmate mo lang naman siya diba?" sa tono na ginamit ni Walter halatang gusto niya asarin si Heat.

"*insert fake cough here* Ahm. Please keep quiet! and for the two of you at the back if you want to continue your conversation you can do it oustide." medyo pagalit na sabi ni Sir.Min

"Mamaya maguusap tayo!" bulong ni Heat kay Walter.

"Sige lang!"  sagot naman ni Walter at nagsmirk ulit.

*************

A/n: WAAAAH. Sorry sa late update. Medyo busy lang ngayon tapos nawalan pa kami ng net kaya ayun. Pahirapan magupdate -___- " Tiis tiis muna ako  sa computer shop. Sorry talaga. Mianhe. \/^.^ sana rin po magustuhan niyo po ung update :D

AT gusto ko pong magpasalamat sa pagadd ng MCHG sa mga RL. Thank you po talaga ^/\^ 

SALAMAT PO TALAGA AT NAGUSTUHAN NIYO PO. :DD

ang saya saya ko po talaga. Thank you po ulit! :D

please leave a comment ~_^

~Ms_angel

My Cold-Hearted Girl (EXO fanfic)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin