Chapter 20 = Weird

709 7 0
                                    

Chapter 20 = Weird

(Jazmine Lee's Point of View)

Grrr. Nakakainis! Nakakahiya! Lahat na ng negative vibes! Nasagap ko na! (_ __+++)

Sobrang nakakahiya talaga yun! Ano na na lang sasabihin nila sakin? President of Supreme Student Goverment caught cheating in exam?! Sheeet. Ung iniingatan kong reputasyon nasira ng ganun ganun lang? Uggghhh!

Ayan, uwian na. -_-"

"Jays, una ka na ah. May kailangan lang ako gawin." Walang gana kong sabi sa kanya.

"Detention?" Tanong niya naman with concern look. Tumango lang ako at napabuntong hininga. Nagwave ako ng goodbye at dumeretso na sa cr ng building namin. Naramdaman kong may sumusunod sakin pero sa tunog pa lang ng yabag niya eh kilala ko na kung sino yun. =___=

Pagdating ko sa tapat ng cr naghihintay na si mam guidance habang nakapamewang pa. Inabot niya sakin ung mop at brush tapos kay Spencer naman ung isang balde na may lamang sabon. Umalis na agad si mam at iniwan kami matapos niyang sabihin na bukas na kami magretake nung exam.

Papasok na ko sa loob nang biglang may pumigil sa braso ko. Agad ko itong hinawi.

"Problema mo?!" Sigaw ko.

Nakita kong pinipilit niyang maging kalmado.

"Ako na lang gagawa dito. Umuwi ka na." Mahinahon niyang sabi. Napataas naman ako ng kilay.

"Anong drama mo? Mamatay ka na ba? Kaya ka nagpapakabait?" Sarcastic kong sabi. Weird. Alam naman ng buong madla na mortal kaming magkaaway tapos bigla siyang magpapakabait sakin! 

Napaiwas naman siya ng tingin at napakamot sa batok niya. Lalo naman ako nakaramdam ng hinahala.

"Ano...ahmm...ahhh-ewan! Bahala ka dyan! Ikaw na nga tong inaalala eh!" Asar niyang sabi at padabog na pumasok sa cr.

Anu daw? Weird niya talaga. Kanina lang kalmado siya tapos biglang magdadabog? Labo ah! Ano yan may pms lang? Dali magbago ng mood. 

Nevermind. Pumasok na lang ako sa loob dala dala yung mop at brush.

Nakita kong binubuhusan niya mga pader ng tubig na may sabon. Lumapit ako para kuskusin yun.

BLAG!

"Shit! Spencer!!!!!!" Sigaw ko. Pano kasi saktong paghakbang ko nadulas ako kasi may sabon na pala ung floor! Leshe! Tapos yung kutong lupa na yun patawa tawa lang sa gilid. 

"Pfffttt. Buwahahahahahah. Kasalanan ko bang tanga ka? Hahahah. Epic!" Asar niya pa sakin. Grrrr. Nakakagigil! Tatayo sana ako kaya lang nadulas na naman ako. Shit talaga! 

Patuloy lang siya sa pagtawa habang papalapit sakin. Nung nasa tapat ko na siya inoffer niya yung kamay niya.

"Gagawin ko diyan?" Tanong ko habang nakatingin sa kamay niyang nakalahad sakin. 

"Hahampas ko sayo. Jaz, bawasbawasan natin ang pagiging tanga. Di bagay eh. Hahah. Malamang para tulungan ka!" Sarcastic niyang sabi. Lalong nagpantig tenga ko. Ako? Tanga? Eh siraulo pala to eh! Marahas kong kinuha yung kamay niya at tinulak siya....

BLAG! SPLASH!

Ang plano ko eh. Itulak lang siya. Eh kaso...lesheng sabon yan! Nadulas siya tapos pati ako damay kasi nga hawak niya ung kamay ko at nag end up ako sa ibabaw niya!

AWKWARD...

(Jayrah Lui's Point of View)

Aww. Wala ako kasabay sa paguwi. Yaan mo na nga. Naglakad na ko pauwi nang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon naman ako at nakita ko si Sehun na tumatakbo papalapit sakin. Humarap ako sakanya at hinintay siya.

My Cold-Hearted Girl (EXO fanfic)Where stories live. Discover now