Chapter 10 = Sorry

1K 9 2
                                    

Chapter 10 = Sorry

(Jazmine Lee’s Point of View)

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung may nangyaring gulo…

Tatlong araw na rin nakaconfine si Kyungsoo sa YG Hospital. Medyo malala kasi ung mga natamo niyang sugat at bugbog…

Tatlong araw na rin hindi pumapasok si Spencer…

Sa loob ng tatlong araw na yun parang ang tamlay na ng lahat. Ung excitement namin para sa Foundation Day nawala. Idagdag mo pa ung pagiging mahigpit ngayon ni Heat sa EXO. Sobra kasi siyang nagalit nung nalaman niya ung nangyari. Kaya ayan naging strikto tuloy tapos ngayon absent pa si Jayrah kasi pumunta siya ngayon sa ospital para dalawin si Kyunsoo mas lalo tuloy nakakalungkot ngayon araw. Pakiramdam ko lahat na ata ng negative vibes nasagap ko na eh. (_____ _____”)

Tapos idagdag mo pa ung Spencer na yun na hindi nagpapakita! Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagalit sa kanya eh. Nabigla lang talaga ako nung araw na yun hindi  ko lang talaga inakala na kaya niyang gawin yun. Wala naman kasi sa itsura niya eh. Kung titignan mo kasi siya…napakaamo ng mukha niya na parang isang anghel. Pero totoo pala yung kasabihan na ‘Don’t judge the book by it’s cover’…Haayyy..

Pero ang hindi ko talaga maintindihan ay ung nararamdaman ko…parang namimiss ko siya lalo na yung pagaasaran namin. Hahah. Ang adik ko na. Dati pag nandyan siya inis na inis ako tapos ngayon naman nung nawala siya miss na miss ko naman. Ayyy…Ewan ko na! Sakit sa bangs!

“Jazmine…” napalingon naman ako sa tumawag sakin.

“Oh? Crail! Ikaw pala. Ano yun?” tanong ko at pinilit na ngumiti kahit na hindi ayos ang lahat.

Napakunot-noo naman siya.

“Huwag ka ngan ngumiti. Pumapanget ka eh” seryoso niyang sabi. Hindi ko tuloy alam kung joke ba yun o totoo na.

“Ah. Joke ba yun?” pabiro kong tanong.

“Hindi” diretso niyang sabi. Sabi ko nga seryoso siya eh. -___-

Agad naman na nawala ung peke kong ngiti.

“Alam mo bang pinakaayoko sa lahat ay ung nagpapanggap. Kung nalulungkot ka ipakita mo hindi yung tinatago mo sa isang ngiti. Naasar ako sa mga ganyan tao eh. Kaya naman ang gusto ko lang ay magpakatotoo kayo sa harapan ko. Kung gusto niyong umiyak andito lang balikat ko pwedeng pwede niyong iyakan. Kung masaya naman kayo handa akong makinig sa mga kwento niyo. Kung malungkot naman kayo pipilitin kong pasayahin kayo. Basta ayoko nagpapanggap. Maliwanag ba?”

Mga ilang segundo ang nakalipas bago madigest lahat ng sinabi niya.

“Omg. For the first time more than 2 sentences yung sinabi mo tapos meron pang emosyon at totoo ba tong nakikita ko? Nakangiti ka! That’s very rare!  Sandali ikaw ba talaga si Iyyar Crail Erin Fortajelo na kaibigan namin? Hindi kaya nagpapanggap ka lang or kambal or whatsoever.” I said as I smile, a genuine one.

Haha. Ayan. Balik tuloy siya sa poker face. Ayyy. Dapat pala hindi ko na binati. Sayang. Pero infairness ah kahit papano medyo nawala ung mga negative vibes na naramdaman ko kanina.

“Haha. Toh naman. Joke lang eh. Ngiti ka na ulit. Hehe. Tara na nga kain na tayo. Recess na naman na eh” sabi ko. Kinuha ko na ung gamit ko at pumunta na kami sa Cafeteria.

Pagdating namin dun. Ano toh?! Bakit parang may military training ang EXO?! Paano ba naman kasi nakaayos ng upo ang EXO habang kumakain except nga lang kila Kyungsoo at Spencer dahil wala nga sila dito diba tapos si Heat yung parang nagsisilbing warden nila kasi siya lang ung nakatayo na para bang binabantayan yun EXO. Hahah. Nakakatawa silang tignan. Yung mga itsura nila parang nabagsakan ng langit at lupa. Lumapit na kami dun sa table tapos nung nakita nila kami para silang nabuhayan na para bang nagsasabi na ‘dumating na rin ung pagasa natin sa wakas’. Hindi ko mapigilan na magsmirk. Lumapit muna kami kay Heat para itanong kung para san toh. Sagot naman parusa daw nila dahil dun sa ginawa nilang kabalastugan. This time, tumawa na talaga ako at binelatan sila. Hahah wawa naman! XD

My Cold-Hearted Girl (EXO fanfic)Where stories live. Discover now