Chapter 17 = Confessions

816 7 1
  • Dedicated kay Jasmin Ocon
                                    

Chapter 17 = Confessions 

(Heat Bellafuerte's Point of View)

"Heat...Tama na!...nakakarami ka na eh." Nagaalalang sabi sakin ni Suho pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paginom. 

Andito kasi kami ngayon sa Woolim Club. Dito kami lagi tumatambay tuwing uwian. Dati puro pambabae lang ginagawa ko dito kasi ayoko ng alak. Kaya naman nagulat talaga silang lahat nung nakita nila akong umiinom. Naririnig ko kasi sa iba na nakakatulong daw ung alak sa pagkalimot ng mga probema. Tinry ko lang.

Bigla naman inagaw sakin ni Spencer ung baso na may lamang alak. Napatayo naman ako.

"Fuck! What the hell is your problem?!" Sigaw ko at nasabunot ko ung sarili ko sa dismaya.

"Ikaw. Anong problema mo?" Mahinahon na balik  niya sakin. Napaatras naman ako at napaiwas ng tingin. Hindi ko masagot ung tanong niya kasi kahit ako hindi ko alam kung problema ko...

Biglang lumapit sakin si Suho at pinatong niya ung kaliwa niyang kamay sa balikat ko.

"Heat...alam mo naman kapag may problema ka. Andito lang kami. Handa kang damayan at tulungan. Wag mong sarilihin yang problema mo. We are one!" Sabi ni Suho. Napatingin naman ako sa iba. Napatango lang sila sakin. Napatitig ako kay Suho at marahas na inalis yung kamay niya. Nakakatuwang isipin na nandyan sila para damayan ako pero.. sa tingin ko hindi naman tama na idamay pa sila sa problemang hindi ko alam. 

Lumabas na ko ng club. Biglang umikot yung paningin ko dala na rin siguro ng alak na ininom ko kanina. Agad naman akong nahimasmasan at nagpatuloy na lang sa paglalakad.. Hindi ko namalayang nakarating na pala ako ng playground. Anubayan! Diba dapat ang playground lugar kung saan nagsasaya, hindi nagdadrama. Tss. (_ _") Naaawa na ko sa sarili ko. Napaupo na lang ako sa swing at nagswaysway ng dahan dahan. Bigla na naman akong nahilo. Ang baliw ko lang kasi. Nagswing pa ko eh lasing na nga ako. Napatigil ako sa pawgswing. Nanlabo yung paningin ko. Napayuko tuloy ako. Buti na lang nakaupo ako. Inangat ko yung ulo ko at may naaninag akong babaeng nakaputi. 

Multo?!

Hala. Naglalakad papalapit sakin yung multo. T*ng*n*. Eto ba epekto ng alak, nakakakita ng multo. Nasa tapat ko na ngayon yun multo. Dapat nakakaramdam na ko ng takot ngayon diba? 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nung multo. Hala. Nagsasalita yung multo. Nanatili pa rin akong nakaupo.

"Meron akong hinihintay.." sagot ko naman. Ewan siguro nababaliw na talaga ako. Tama bang kausapin yung multo.

"Sorry.." sabi nung multo. Napatayo naman ako at yinakap yung multo. Sa lahat ng multo, eto yung pinakamasarap yakapin.

"Bakit ka nagsosorry? Hindi naman ikaw yun. May kilala ka bang Crail? Yun, siya yung may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito. Kung kilala mo siya, pwede bang sabihin mo sa kanya na bumalik na siya... para naman pagbayaran niya lahat ng ginawa niya sakin. Bukod sa ginulo niya yung daily life style ko ginulo niya rin pati puso ko...sabihin mo sa kanya ibalik na niya ung puso ko...sabihin mo sa kanya miss na miss ko na siya...sabihin mo rin sa kanya na nababaliw na ko dahil sa kanya at nagagawa ko nang kumausap at yumakap ng isang multong kagaya mo..." tuloytuloy kong sabi at tuluyan nang nagdilim ung mga paningin ko.

(Third Person's Point of View)

Napadaan si Crail sa playground at nakita niya si Heat. Agad naman niya itong nilapitan. Natuklasan niya rin na hindi siya nito makilala dahil sa kalasingan. Amoy na amoy kasi ni Crail ung alak. 

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kay Heat.

"May hinihintay lang..." sagot ni Heat. Nakonsensya naman si Crail dahil alam niya sa sarili niya na siya ang tinutukoy. 

My Cold-Hearted Girl (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon