Chapter 21 = Joke? maybe not

724 5 0
                                    

Chapter 21 = Joke? maybe not

(Heat Bellafuerte's Point of View)

Lumipas ang ilaw araw at wala namang importanteng nangyari. Kapansin-pansin nga lang yung pag-iiwasan nila Spencer at Jazmine. Pagnagkakasalubong o nagkakasama, nagkakaroon ng awkward moment. Kung bakit? Hindi ko alam. Hindi naman kasi nagkwekwento samin si Spencer pero hula ko may kinalaman dun yung nangyari sa detention.

Ngayon, math time na namin. Ang pinaka ayokong subject. Grade conscious ako pero pagdating sa Math... Nevermind. -_-" Ang boring talaga nito. Halos apat na taon na ko sa highschool , hindi pa rin nahahanap yung lecheng X na yan! Tapos nilagyan pa ng function! Anong connect? Leshe! Buti pa tong katabi ko mukhang enjoy na enjoy. Pano niya nagagawa yan?

"Paano mo naeenjoy tong subject na to?" tanong ko sa kanya sabay patong ng ulo ko sa desk habang nakaharap sa kanya. Tinignan niya lang ako.

"Hindi ko naman siya ineenjoy eh. Hindi lang talaga ako inaantok sa subject na to." paliwanag niya sabay tingin ulit dun sa harap.

Okay. It makes sense.

"Bakit hindi ka inaantok? Paano mo nagagawa yan?" sunod sunod kong tanong. Napabuntong hininga na lang siya at tinitigan ako.

"Sabihin mo nga. Ito ba yung paraan mo para hindi ka ulit makatulog sa klase, ang daldalin ako?" sarkastiko niyang sabi. Napaayos naman ako ng upo at nasamid. Natawa siya ng marahan.

"Hindi ah." depensa ko at ngumiti. Napangiti lang siya  ng nakakaloko habang umiiling-iling.

"Ganito na lang. Isipin mo ang Math ay parang isang libro ng paglalakbay kung saan kinakailangang hanapin ang letrang X at kasabay nito ay paglalaban ng mga numero at alpabeto." she said in monotone. Napanganga naman ako.

"Walanghiya. Minsan ka na nga lang magsalita nagiging makata pa! Haha. Kelan ka ba magiging normal? tsaka ano yang mga sinasabi mo? eh parang lalo lang akong inantok dun eh." pangaasar ko at tumawa. Hindi naman kami napapansin ng teacher. Busy siya sa sa pagsusulat ng mga solusyon sa board. Tinignan niya naman ako ng Magic Death Stare of Crail. Hala! mukhang naiinis na ata.

"Never. I will never be normal." she said emotionless. Ngek. Nainis nga.

Sakto namang nag ring yung bell para sa lunch time. mabilis siyang naglakad palabas ng room. Agad ko siyang hinabol. Nagbibiro lang naman ako ah. Masyado naman niyang sineryoso ang lahat. Kanina naman ayos lang siya ah. Patawa tawa pa nga eh. Bipolar naman.

"Crail...sandali lang!" tawag ko pero hindi pa rin siya tumitigil.

"Sandali! Teka lang! Pwede naman natin tong pag usapan eh!" sigaw ko pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Napapansin ko rin na pinagtitinginan na kami ng mga tao. Binilisan ko yung lakad ko para mahabol siya at hinawakan yung braso niya para maiharap siya sakin.

"Sige! Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo ko hinahayaang magtapat." banta ko sa kanya. Hindi ko naman sinasadyang lakasan yung boses ko. Naghiyawan tuloy yung mga tao sa paligid dahil sa kilig.

"Huh?" sabi ni Crail habang nakakunot-noo. May narinig naman akong nagsasabi ng 'sagutin na yan' o di naman kaya 'yes' Hmmm.. Since napagkamalan na rin naman akong nagtatapat dito, sakyan na natin yung trip nila..

Kaya naman.. Lumuhod ako at hinawakan yung isang kamay niya.

"Be my girlfriend...please?" matamis kong sabi. Lalong lumakas yung hiyawan. Nanlaki naman yung mata niya. Hahaha. Shet.. y-yung reaksyon niya! Priceless!

"What the heck are you saying?" bulalas niya. Halata mo pa rin sa ekspresyon ng mukha niya yung pagkagulat. Sasabihin ko sanang joke lang yun kaso..

My Cold-Hearted Girl (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon