Visitors

308K 5.3K 813
                                    

Maaga ang Christmas nila :))

Dianne's POV

"Baby A two days na lang christmas na!" 

"Merry Christmas!"

"Tsss .. Naman Baby A! First christmas na tayo tapos di pa tayo magkasama!"

"Sorry Baby D!"

"Huhu kainis naman! Di ka ba talaga pwedeng sumaglit dito?"

"Baby D naman ! Parang anlapit naman ng dadaanan ko."

"Alam mo Baby A kung wala talaga akong pasok ako talaga pupunta sayo .."

"Sorry talaga Baby D .. pero promise babawi ako, maybe sa Valentines. Promise talaga. "

"Tsss .. sige na nga .. bye na." binaba ko na yung phone.

Kainis naman kasi naglalambing ako sa kanya! Gusto ko syang makasama ngayong Christmas. Alam kong masyado na kong  demanding, alam ko naman na busy sya pag aasikaso ng Company ng Lola nya sa Pilipinas, pero naman konting oras lang naman yung hinihingi ko, gusto ko lang naman syang makasama sa Christmas.

Nag ayos na ko sa higaan at matutulog na, bukas  bisperas ng Pasko dito, pero madami pa ding dapat asikasuhin, paano na promote ako bilang Chief Executive Assistant ni Lola. Kaya ayun nangangarag ako sa mga paper works ng Company.

Di pa ako nakakatulog ay nag ring na ulit yung phone ko. Si Daddy pala, ang akala ko si Art.

"Yes Daddy?"

"Dianne, ano itong sinabi ni Cass na hindi ka daw makakauwi ngayong Pasko dito sa Pilipinas?" bungad ni Dad sakin.

"Marami kasing follow up reports si Lola na nakapending ngayong buwan ayoko naman syang  iwan at mag isa syang mag asikaso nun." paliwanag ko.

"Pero Dianne alam mong tuwing Christmas dapat magkakasama tayo."

"Alam ko po Dad."

"Dianne, this is the first Christmas na hindi tayo magkakasama, you're going to miss that. Hindi ka ba talaga pwedeng umuwi?"

"I'm sorry Dad, gustuhin ko man pero di talaga pwede. Nangako na ko kay Lola na tutulungan ko sya."

"Why do I have this feeling na nilalayo ka ng Lola mo samin? Na pati pasko na alam namang family day natin ay di nya i-consider na holiday?" medyo may pagtatampo ang boses ni Dad.

"Dad remember pinagbibigyan ko lang si Lola? Hayaan na lang natin, after all babalik pa din ako after one year no matter what."

"Dianne if I can only be with you tomorrow, alam mo naman ang Lola mo, baka isipin na naman nyang inaagawan ko sya."

"I know Dad. Ikamusta mo na lang ako kay Cass at sa iba ok?"

"Of course .. Mag iingat ka Dianne? Miss na miss ka na namin dito .."

"Miss you more Dad.. Love you .."

"I love you too Baby."

Saka ko lang naramdaman ang sobrang lungkot ng ibaba ni Dad ang phone. Naiiyak kong niyakap yung unan sa tabi ko. Di ko talaga masanay ang sarili kong wala sila sa tabi ko. Lalo na si Baby A, na laging nagpapakilig sa akin ngitian nya lang ako, si Dad na number one supporter ko, si Dale na laging nang aasar sakin, sila Cass, Karla at Veronica na mga girl friends ko. I miss them so much.

Hindi ako makatulog kaya naman minabuti ko ng lumabas, naiinis ako dahil paskong pasko ay LQ kami ni Baby A, hinintay ko syang tumawag sakin, yung magso- sorry at lalambingin nya ako, pero isang oras na ang nakalipas di nya pa din ako tinatawagan. Ayoko ng ganito sobrang nakakalungkot.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon