Chapter 20

4.3K 67 25
                                    

Blue Brothers

(Chapter 20 – Sunsets and Fireworks)

THIS CHAPTER CONTAINS SCENES NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS. PARENTS STRONGLY CAUTIONED.

 

Invited ang magkakapatid sa isang bay cruise in time for New Year’s Eve. Iilan lang ang kasama at mga galing pa sila sa tinatawag na elite class. Late afternoon pa lang ay nagsimula na ang lavish party at sabay-sabay nilang sasalubungin ang year 2012 sa barko.

Kumpleto ang Blue Brothers, pero halos hindi sila nag-uusap. May kanya-kanya silang mga ginagawa dahil na rin sa rift ng magkakapatid. Invited din sina Mindy, Hillary, at iba pang teenagers na nakapagpalista para sa event.

Present din sina Frank, Natalia at Edward. As usual, scene stealer na naman si Natalia with her grand dresses at diamonds.

The sun is setting down habang nagsisimula nang kumain ng dinner ang mga guests with a sumptuous buffet selection.

Naglilibot naman si Tom sa barko, kasama ang kanyang date na si Angel. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa binata, ay mas naging close sila ni Angel dahil siya lang ang nasasabihan nito ng mga problema. They usually hang out, make out, and do drugs. Yan na ang bagong lifestyle ni Tom.

Habang magkasama ang dalawa ay hindi inaasahang makasalubong nila si Mindy.

“I’m happy for you, Tom. May girlfriend ka na pala ulit.” nakangiting sabi ni Mindy.

“Oo naman. Masayang-masaya ako kay Angel. She’s the best!” nakangiting sabi ni Tom.

“Right!” pag-agree ni Angel sabay halik kay Tom sa labi.

Tom and Angel kissed right in front of Mindy. Sa tagal ng halikan nilang dalawa ay naasiwa na si Mindy at tuluyan nang nag walk-out. Ramdam nina Tom ang pagseselos ni Mindy. Pagkaalis ng dalaga ay tumigil na ang dalawa at tinawanan na lang ang nangyaring encounter.

**********************

Sa isa sa mga viewing decks ng barko ay mag-isang nakatulala si Kari habang nakatingin sa buong Manila Bay. Isinama siya ni Shiro para naman daw ma-experience ng dalagita ang makasama sa isang cruise, kahit within the country lang.

Nahihiya si Kari na makipag-usap at makisama sa ibang guests na ka-age niya kaya nagmumukmok na lang siya. Bigla siyang nakita at nilapitan ni Shiro.

“Kaya ka nga sinama dito para mag-enjoy, hindi para maging emo.” natatawang sabi ni Shiro.

“Sorry naman. Nahihiya lang talaga ako eh.” sabi ni Kari.

“Sayang naman yung binili kong dress para sa ‘yo, kung dyan ka lang lagi.” nakangiting sabi ni Shiro.

Kari looked beautiful in green dress. Maski si Shiro ay hindi mapigilan sa pag sulyap sa dalagita. Litaw na litaw ang pagka mestiza nito. 

Blue BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon