Chapter 13

4.8K 75 49
                                    

Blue Brothers

(Chapter 13 – British Invasion)

 

 

The sun is high and the students are enjoying their summer break. To beat the heat, tumambay ang magkakapatid sa East Hill Resort and Spa, isang fitness and recreation spot ng mga mayayaman. Isa rin ito sa pagmamay-ari ng Dela Cruz family, na mapupunta din kay David pagdating ng kanyang 18th birthday.

Kumpleto ang amenities ng resort. It has a gym, a health club kung saan may fitness classes, a 24-hour spa with buffet meals, hot spring pools, kiddie pools with playground facilities, adult Olympic-sized pools, and an artificial beach which is actually a lake.

Meron din itong five-star hotel to give customers a full resort experience.

Nasa isang cottage lang sina Tom malapit sa hot spring pools. They were having the time of their lives habang pahiga-higa at painom-inom lang sila ng juice.

“Kuya, nakakatakot yung ginawa sa ‘yo ni Michael. Sobrang yaman ng pamilya nila. Baka mamaya kung ano pa ang gawin niya sa ‘yo.” nag-aalalang sabi ni Shiro kay Carlos.

“Well, I don’t care. Kung tutuusin, mas mayaman tayo sa kanila. We have our trust funds, at pag nahanap natin yang The Century Treasure, papadalhan ko siya ng isang gold bar, para naman maranasan niyang makahawak ng ginto.” natatawang sabi ni Carlos.

“Wala ka talagang kupas, Caloy! Ang yabang mo pa din!” natatawang sabi ni Tom sabay kuha sa shades ng binata.

“Hoy! Akin na yang shades ko!” sigaw ni Carlos.

“Ayos ‘to ah!” nakangiting sabi ni Tom habang isinuot ang shades ni Carlos.

“Totoo naman, diba. Swerte ka pa nga, Tomas. Na sa ‘yo na yung compass. Eh ako, kailangan ko pang bawiin yung ring kay Natalia. Bwisit na ‘yan!” sabi ni Carlos.

“Wag lang tayong maging kampante. Madami pa tayong pagdadaanan. Saka, nanay mo pa din naman si Miss Natalia.” paalala ni Tom sabay balik ng shades sa kapatid.

“Okay. Change topic na tayo. Uy, David, bakit kanina ka pang walang kibo dyan? Dapat nga ikaw ang pinakamaingay sa ‘tin ngayon, dahil magiging sa ‘yo na ang resort.” nakangiting sabi ni Carlos.

“Ewan. Wala lang talaga ako sa mood. Si Mindy kasi, hindi na ako kinakausap.” malungkot na sabi ni David habang nakatingin sa mga swimming pools.

Agad na naalala ni Tom ang mga nangyari sa kanila ni Mindy pagkatapos ng party. Nagulat na lang siya nang bigla siyang itinaboy ng dalaga kinabukasan. Hindi na rin siya kinikibo nito. Alam na din niyang hindi sinabi ni Mindy kay David ang tungkol sa kanila.

Gaya ng nangyari kay Carlos last year, pakiramdam ni Tom ay napaglaruan din lang siya. Ngayon ay hindi na nagpaparamdam ang dalaga.

“Nakakapagtaka nga. Hindi ko na rin siya ma-contact eh.” sabi ni Tom.

Blue BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon