Chapter 22

4.2K 65 37
                                    

Blue Brothers

(Chapter 22 – Reunions and Betrayals)

 

 

“Buksan mo naman ‘tong pinto! Tom! Tomas!” sigaw ni Carlos habang patuloy na kinakatok ang pintong isinara ng kanyang kapatid.

Tumatawag din kay Tom sina Shiro at Hillary pero parang wala pa din siyang naririnig. Gusto na sana ni Shiro na ipagpaliban muna ang pagkausap kay Tom, pero pursidido si Carlos. Hindi siya aalis nang hindi nakakausap si Tom.

“Pag hindi ka pa lumabas dyan, sisipain ko ‘tong pintong gawa sa kahoy!” malakas na sigaw ni Carlos.

Agad na lumabas si Tom.

“Ano?! Naghahanap ka ng away?” galit at naghahamong sabi ni Tom.

“Biro lang. Tom, makinig ka naman sa sasabihin ko… sa sasabihin namin sa ‘yo.” pakiusap ni Carlos na biglang nagbago ng tono ng pananalita.

“Traydor ka! Yun yun!” galit na sabi ni Tom.

“Ako na ang may-ari ng St. Catherine’s Academy.” nakangiting sabi ni Carlos.

“Eh di ikaw na!” sagot ni Tom.

“Kung pwede lang sana, sa loob tayo mag-usap? May isang tambay na kumikindat sa ‘kin. Naiilang na ako.” nandidiring sabi ni Hillary.

Pumasok na ang lahat sa maliit na pamamahay ni Tom. Dito talaga sila nakatira ni Clara nung nabuhuhay pa ito.

“Tom, sorry na. Ginawa ko lang naman ‘yun para papaniwalain si Natalia na kampi ako sa kanya. Ginawa ko ‘yun to get her full trust. At hindi ako nabigo. She transferred all her assets to my name. Yung mga alahas, malapit ko na din makuha.” nakangiting sabi ni Carlos.

“Ni hindi mo man lang pinaalam sa ‘kin ang plano mo. Akala ko ba, magkapatid tayo? Akala ko magkaibigan tayo?” galit na sabi ni Tom.

“Kaya nga I’m so sorry! Alam mo naman kung gaano ka tuso at katalino si Natalia. Madali siyang makaamoy ng mga sikreto, kaya I had to do this very discreetly. Sorry kung na-sacrifice yung pagiging magkaibigan natin.” nakayukong sabi ni Carlos.

Hindi umimik si Tom at galit pa din siya kay Carlos. Ilang saglit lang ay tumulo ang mga luha ng binata.

“Ganun lang ba ‘yun? Carlos, nung panahong ‘yun, wala na akong malapitan. Wala akong makausap. Si David, galit sa ‘kin. Si Shiro, hindi na ako pinapansin. Si Mindy, iniwan ako. Tapos ang kaisa-isang taong akala kong malalapitan ko, tinalikuran pa ‘ko. Kaya napasama ako kay Angel. Nalulong ako sa bisyo, na-kick out ako sa Eastridge… alam ko, kasalanan ko din ‘to… pero masakit talaga!” umiiyak na sabi ni Tom.

“Kuya Tom, sorry din.” malungkot na sabi ni Shiro sabay lapit kay Tom.

Blue BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon