Previous Page of 6Next Page

Blue Brothers

spinner.gif

Blue Brothers

A novel by Patrick Louie Ilagan

(Chapter 1 – The New Prince In Town)

Cheers to our brotherhood!

Eto ang mga salitang sumalubong kay Tom sa unang pagtapak niya sa St. Patrick’s Academy – isang elite all-boys boarding school located at the east side of Metro Manila.

This is not your ordinary Catholic private school. Isang bagay lang ang masasabi sa ‘yo kapag dito ka nag-aaral – mayaman ka. Either anak ka ng isang sikat na personalidad, pulitiko, o mayamang angkan. Every year, students have to pay an amount of P250,000 as a total fee. Kasama na dun ang tuition, books, uniform, board and lodging. This school maintained its luxury status for over 30 years.

The school looked like a castle for Tom. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang building. Laking probinsya kasi siya.

Siya si Tomas “Tom” dela Cruz, isang 17 year-old na binata. He is the typical tall, dark and handsome type of guy. Pinoy na Pinoy ang itsura. At a tender age, he now stands 5’8” in height. Sa itsura pa lang, makikita mong madami na siyang pinagdaanan sa buhay. Street-smart na kung maituturing.

Kamamatay lang ng mother niya because of a serious illness, kaya he was forced to go to Manila to meet his real father. Kahit malungkot siya sa pagkamatay ng kanyang nanay, punong-puno pa din siya ng pag-asa dahil excited na siyang makita ang kanyang ama.

He now walks inside the campus of the elite academy, wearing a simple outfit – shirt and jeans. May dala-dala siyang isang maleta. Mas nagiging awkward ang pagpasok niya kapag nakakasalubong ang mga mayayamang estudyante na naka uniform – white long sleeves with maroon necktie, gray khaki pants, and a dark blue blazer made from imported kind of cloth.

Bigla niyang inilabas ang maliit na papel mula sa kanyang bulsa. Nakalagay dun kung saang floor at room siya unang pupunta – sa Administrator’s Office. Pagkadating niya doon ay agad siyang kumatok at pinapasok.

Namangha si Tom sa laki ng opisina. Carpeted ito na may dalawang malambot na sofa. Sa gitna ay may reception area kung saan naka-assign ang isang sexy na female secretary in her early twenties.

“Ms. Jessie Hernandez at your service. How may I help you, sir?” nakangiting tanong ng secretary na nasa reception desk. Maganda at flawless si Ms. Jessie, kaya naman napangiti na lang si Tom.

“Ahh, dito po ba mahahanap si Mr. Johnny dela Cruz? Pinapapunta po ako sa kanya.” nauutal-utal na sabi ni Tom habang binabasa ang details ng papel.

“Sino po sila?” tanong ng secretary.

“A-ako po si Tomas dela Cruz.” biglang sabi ng binata.

Agad na may pinindot na isang button ang secretary. Nagsalita siya sa speaker na katabi.

“Sir, nandito na po si Mr. Tomas dela Cruz.”

“Good. Bring him into my office.” sabi ng isang malaking boses sa speaker.

Agad sinamahan ni Ms. Jessie si Tom sa isang maliit pang hallway papunta mismo sa pinaka-kwarto o opisina ni Mr. Johnny dela Cruz. While being escorted by the secretary, naaamoy ni Tom ang mabangong perfume nito. Pagkapasok ni Tom ay nagpaalam na ang secretary.

“Why, hello! Welcome, son!” sabi ni Mr. dela Cruz sabay yakap nang mahigpit kay Tom. Speechless si Tom sa mga nangyayari. Natutuwa siya at nakita at nakilala na rin niya ang kanyang tatay.

Si Mr. Johnny dela Cruz ang biological father ni Tom. At 40 years old, you would not believe that he is a father of four teenage boys – all from four different women, of different nationalities. Sadyang maloko at mabisyo lang talaga siya when he was young. Happy-go-lucky kumbaga. But now, he’s changed, and he’s ready to accept his responsibilities.

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (125)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 1

Cast

Lucho Ayalaas Tom dela Cruz
Mark Drinkuthas Carlos dela Cruz
Bret Jacksonas David dela Cruz
Jake Vargasas Shiro dela Cruz
Coleen Garciaas Mindy Perez
Bela Padillaas Hillary Cortez
Yen Santosas Ara Dizon
Martin del Rosarioas Eric Legaspi
Albie Casinoas Michael Uy
Albert Martinezas Mr. Johnny dela Cruz
Chin Chin Gutierrezas Ms. Natalia Mori

Who's Reading

Recommended