Chapter 14

4.8K 75 47
                                    

Blue Brothers

(Chapter 14 – The 18 Year-Old Virgin)

 

 

Pagkabalik ng mansyon, galit pa din si Carlos sa mga nalaman. Next week pa ang paglipat nina Edward at Charles sa mansyon pero ngayon pa lang ay gusto na itong tutulan ni Carlos.

Hindi na nakatiis ang binata at bigla na lang niyang hinila si Tom papunta sa kanyang kwarto.

“Ano bang problema mo?” tanong ni Tom.

“Bakit ang bait-bait mo kanina sa Edward na ‘yun? Porke’t nagpakilala na kapatid natin, biglang bait ka na agad. Parang hindi mo nakita kung gaano kagarapal yang hayop na ‘yan sa resort!” galit na sabi ni Carlos.

“Kaya nga kita sinisiko kanina. Hindi mo ba ako naiintindihan?” sabi ni Tom.

Nagtaka si Carlos. Unti-unting inilapit ni Tom ang mukha niya saka bumulong sa kapatid.

“Kunwari lang ‘yung kanina. Siguro nga, kapatid din natin siya, pero iba talaga ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi naman sa nanghuhusga ako, pero bihirang magkamali ang kutob ko.” bulong ni Tom.

Tumatango lang si Carlos.

“Pansin mo ba kanina nung nakipag-shake hands kami sa kanya? Biglang maayos ang tingin niya sa ‘kin, eh diba nung nasa resort tayo, para na niya tayong papatayin sa mga tingin niya? Di ko lang alam kung ano ang motibo niya.” paliwanag ni Tom.

“Hindi magtatagal yang Edward na ‘yan dito sa mansyon. Lagot  siya sa ‘kin!” galit na sabi ni Carlos.

“Mag-iingat ka sa mga galaw mo. These times, kailangang tahimik ka sa pag-atake. Hindi bigla-bigla. Baka mamaya tayo pa ang mapahiya.” warning ni Tom.

Ngumiti lang si Carlos sa kanyang kapatid, pero sa loob loob lang niya, he is ready to declare war against Edward. Nag-iisip naman si Tom ng mga paraan para malaman ang totoo sa bagong kapatid.

**********************

One week later, 17th birthday na ni David on the first day of May. He threw another party in the mansion, at tamang-tama din ang pagdating nina Edward at Charles.

“Happy birthday, David!” bati nina Edward at Charles pagkadating sa mansyon. May dala-dala silang mga maleta at regalo.

“Salamat!” nakangiting sabi ni David.

Tuluyan nang pumasok sina Edward at Charles. They were amazed at how big the mansion was. Nakatingala sila para tingnan ang ceiling design at ang mga chandeliers.

“First time?” sarcastic na sabi ni Carlos sabay tingin kay Edward.

Blue BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon