Ikalawang Bisperas - 2

998 21 12
                                    

Ikalawang Bisperas - 2

Katatapos lang ng misa para sa bisperas ng Bagong Taon. Meron na namang fireworks display na gimik, as usual. Mas pinili ni Cara na huwag nang manood, not as usual. Dumiretso na siya sa public restroom para rumesponde sa urgent call ni Mother Nature.

Mag-isa na lang si Cara sa gabing 'yun. Solo flight lang siya sa pagsisimba; walang ibang naghihintay kung babalik pa ba siya sa pinanggalingan niya. Kaya pagkalabas ng restroom, nagpakalat-kalat muna siya sa abandonadong church yard habang nagpapatuloy ang fireworks display sa kabilang panig ng simbahan.

Kung maglakad siya eh parang nasa ilalim pa siya ng maliwanag na buwan. Napatingala pa nga siya kung literal talagang may maliwanag na buwan. Pero wala. Maraming constellations at nagliliwanag na langit dahil sa fireworks, pwede pa.

At least hindi maulap.

Anyway, bago pa mapadpad sa weather forecast ang usapan...

Hindi na namalayan ni Cara na may makakasalubong na pala siya.

"Hi, Cara," sabi pa nito.

Huminto si Cara sa paglalakad, parang kotseng papabilis sa pag-andar tapos biglang pumreno. Pagkatingin niya kung sino ang kasalubong niya, nagulat siya. Nakadama pa siya ng nerbyos. Hindi na naman siya makapagsalita dahil doon.

"Oh," ngiti ng binata. "Hindi mo man lang ba ako babatiin?"

Lalung natigilan si Cara nang makita na niya ang ngiting 'yun. Juskoh, parang so many years na mula nang huling beses siyang ngitian ng kumag na ito.

Dating gawi. Lumapit siya kay Wilson para magmano dito. Alam niyang hindi ito bumitaw sa kamay niya pagkatapos niyon. Humigpit pa ang kapit nito sa kamay niya. Oh, tingnan lang natin kung hindi ka pa kiligin niyan, Cara.

"Ku-kuya Wilson... Ano pong ginagawa ninyo dito?"

Nagkunwaring sumimangot si Wilson. "Nagsimba, at nagse-celebrate ng New Year. Ano pa nga ba?"

"Pero..."

"Pero, ano? Mukhang nagulat ka ngayong nakita mo ako, ah."

Speechless si Cara. Nagyuko siya ng ulo. Tumambad naman sa bird's eye view na mga mata niya ang mga kamay nilang magkahawak pa rin. Naku, buti na lang at hindi siya pinapasma noon. Kundi baka nagpapawis at dumudulas na palad lang ang madama niya imbes ang mala-torture na heaven na pagkatunaw ng puso niya.

"May tanong pala ako sa 'yo, Cara."

Ha, anong tanong? "Tungkol saan po?" Tiningnan na niya si Wilson.

At diretso itong tumitig sa mga mata niya. "Tungkol ito nung Christmas Eve. Gusto ko lang malaman kung bakit hindi mo ako pinuntahan nung gabing 'yun?"

"Po?" 'Yan na lang ang nasabi ni Cara. Kinakabahan na siya nang husto.

"Hinintay kita noon. Kasi, dati-rati naman eh ganun ang nangyayari. 'Di ba?"

"Kasi... Ano po..."

Biglang tumawa si Wilson. May katagalan din ang pagtawa nito. Halos hindi makapaniwala si Cara na naririnig na niyang tumatawa uli si Wilson.

Haaaay. Grabe. Kahit ang may-akda ng kwentong ito ay nauubusan na ng salitang pwedeng magdescribe sa nararamdaman ni Cara.

"Sige, sige. Hindi naman kita nirerequire na sagutin mo 'yun. Nagkita na naman tayo ngayon. 'Yun na ang mas importante."

Inayos ni Wilson ang pagkakahawak sa kamay ni Cara, para talagang magka-holding hands na sila.

'Yung tipong magkahabi pa ang mga daliri nila na may kasamang papisil-pisil pa kahit mahigpit na ang hawak nung isa?

Hindi na lang basta kinikilig si Cara sa puntong 'yun. Mala-torture na heaven na pagkatunaw ng puso niya? Hindi rin, eh. Parang kagaya na siguro ng mga fireworks na nagsisiklaban sa mga kalangitan; ganun na ang kabuuan ng mga nadarama niya noon.

"Cara, I also want to let you know... Sinadya ko talagang i-cancel ang bakasyon ko para dito ako makapagdiwang ng New Year at para makausap naman kita. Matagal na akong naghahangad na makalapit at mas makilala ka. Dating-dati pa. Kaya lang, alam mo naman din ang lagay natin, hindi ba?" Ini-angat nito ang ulo ni Cara. Pinagmasdan nito nang maigi ang mga mata niya.

Tumango lang si Cara.

"Ngayon, halos ganun pa rin naman ang lagay natin. But I got tired of just letting time go by as you pass me by, too. Na-realize ko kung paano mo nagawang magkaroon ng puwang sa buhay ko kahit na sobrang simple lang ng mga naunang encounters natin. After all these years, alam kong hindi pa rin nawawala ang kagustuhan kong mapalapit pa sa iyo... at maging bahagi na ng puso mo. Mapapagbigyan mo pa ba ako?"

Lahat ng 'yun, sinabi ni Wilson kay Cara habang nakatitig ito sa kanya at nakahawak pa rin sa mukha pati sa kamay niya. Nakatayo pa rin sila sa mismong pwesto kung saan sila nagkasalubong ilang minuto lang ang nakakaraan.

Maluha-luha na ang mga mata ni Cara pagkatapos ng mga narinig niya. Pinagmamasdan niya ang maamong mukha ni Wilson sabay tanong sa sarili, Totoo bang nangyayari na nga ito ngayon?

Tumango lang siya uli.

Bumitaw na si Wilson sa mukha ni Cara. With his free arm, inakay niya papalapit ang dalaga. Mabagal nitong ipinalibot ang bisig kay Cara. They still held to each other's hands.

"Na-miss kita, Cara," sitsit ni Wilson sa kanya.

"Na-miss din kita, Wilson," napakahinang sinabi ni Cara. Pumikit siya at isinandal ang ulo sa dibdib ni Wilson. Patuloy ang mala-fireworks na pagsiklab ng mga damdamin sa kalooban niya kagaya ng hindi pa matapus-tapos na fireworks display sa paligid nila.

Masaya na si Cara. Sigurado siyang masaya siya. Sana, ganoon din si Wilson na nanatiling nakayakap sa kanya.

For the first time in a long while, tuluyang naging maligaya si Cara para sa pagsalubong ng Bagong Taon. How she wish that her happiness would go on with the coming years.

Wagas...

Este, WAKAS.

Bisperas na Naman (Maikling Kuwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon