Unang Bisperas - 2

1.2K 18 2
                                    

Unang Bisperas - 2

Mabuti naman at sa kalagitnaan ng misa (pati ng mga panakaw na sight-seeing ng bida), nagawa na din niyang maging mataimtim. Sa pagdarasal nga niya ay naidamay niya ang pangalan ni Wilson. Parati naman niyang idinadamay ang pangalan nito kahit hindi pa sa pananalangin niya. Ginagawa niya ang "damayang" 'yon, kasi baka sakaling umubra ang lakas niya kay Lord, at umayon na sa kanya as in sa lagay ng puso niya ang takbo ng pagkakataon.

Meron pang fireworks display na nalalaman ang parokya pagkatapos ng misa; ginawang rason ng bida natin na manonood na muna siya nito kaya nagpaiwan na din siya kasama ang isang kapatid at isa ding kaibigan (na may konting ideya tungkol kay Wilson). Pinabayaan din naman sila ng kanilang mga kasama. Maaga pa naman kasi at malapit lang ang simbahan sa tahanan nila.

Sa labas ng simbahan naman idinaos ang nakaraang misa kaya madali na ring napanood ang naturang display.

Mukhang pagkakataon na niya 'yun para panoorin este lapitan na si Wilson sa kasagsagan ng putukan. Akma na siyang lalapit sa binata nang isang iglap eh kinuyog na ng mga nilalang ang kinaroroonan nito.

Bad timing talaga. Kahit kelan.

Pinagtiyagaan na lang niya ang panonood sa makukulay fireworks habang nakikikanta na siya nang bonggang bongga si Christmas carols ng church choir. Kasabay ng mga 'yun, gumagana din ang isip niya. Tinatanong din kasi niya ang sarili kung paano pa siya makakadiskarte na malapitan man lang ang lalaking 'yun.

Nagpagala-gala pa sila ng kaibigan at kapatid niya sa paligid ng simbahan, lalu na doon sa madalas na tambayan ni Wilson pagkatapos ng misa at bago ito umuwi (errr, mala-stalker na naman ang dating niya). Para talagang madaanan nila ang eksaktong lugar na kinatatayuan ng binata, magpupunta na rin sila ng CR tutal may phone call mula sa kalikasan ang dalawang kasama niya.

Nang paalis na sila, saka na niya napagdiskitahang lumapit, magpa-cute at chumancing este bumati kay Wilson. Ayun na, eh. Nasilayan na niya ang gwapong mukha nito kahit na malayu-layo pa siya dito (remember the bird's eye view?). Pwede na siyang lumapit at magmoment...

Kaso... Masyado palang napalayo si Wilson. Napapalibutan na naman ito ng kung sinu-sinong mga eepal sa eksena. Makapal-kapal pa naman ang lupong na nandun. Kailangan muna niyang dumaan sa batalyon ng ibang mga nagbabatian at nagdadaldalan kasama ni Wilson. Kung lalapit na siya―inatake na naman siya ng pag-aalangan.

Kailangan lang niya ng karagdagang level ng kapal ng mukha at dosage ng patay-malisya para makalapit doon at magpapansin na kay Wilson.

Ehhh medyo close naman sila ni Wilson pero ni Wilson LANG. At MEDYO LANG. Kung makikipagbatian pa siya sa ganung lagay na marami na naman itong ibang kausap at kasama ehhh... "F na f" na niyang nag-aalangan siya. Wagas. Ang saklap.

Kaya ang napala niya, kinapos siya ng mga kailangan niyang idagdag.

Imbes na patayin niya ang malisya, binuhay niya ang walang-kamatayang consciousness niya.

Naging manipis ang dapat talaga ay nagmamakapal niyang mukha.

Alam na niyang posibleng pagsisihan niya ang pinili niyang gawin. Bibihira na nga lang ang chance na sigurado talagang magkakaharap sila ni Wilson, pero pinalampas pa niya. Hinayaan niyang pangunahan siya ng mga pa-eeeepal na pag-aalangan niya.

Nahiya pa siya. Samantalang dati, nagagawa niyang deadmahin ang pagkahiya niya. Oh, well. Malamang, sa pagtanda niya, narealize niya na minsan may mga nararapat na lugar ang kakapalan ng mukha at patay-malisya factor. Palagay niya, isa 'yon sa mga pagkakataong nawawala na yata siya sa lugar.

Imbes na lumihis siya ng daan para lapitan na si Wilson, dumiretso siya sa paglalakad niya kasabay ang mga kasama.

Halos mawalan na siya ng balak na lumingon bago pa sila makalayo dito at tumatalab pa ang bird's eye view niya.

Ngunit kagaya lang din ng kanina, hindi na naman siya nakapagpigil. Dagli siyang huminto sa paglalakad para makalingon kay Wilson kahit super sandali lang.

Tama ba ang nasulyapan ng maharot at matalas niyang mga mata?

Nakatingin din si Wilson...

Sa direksyon niya.

***

Ano naman kaya ang lagay ng mga pangyayari sa panig ni Wilson?

May balak ba ang manunulat ng kwentong ito na ipaalam pa ang pangalan ng bidang babae? :D

Susunod na!

Bisperas na Naman (Maikling Kuwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon