Unang Bisperas - 4

727 18 1
                                    

Unang Bisperas - 4

Ayan na. Idadaos na niyan ang banal na misa. Sinigurado ni Wilson na bago pa mag-umpisa ang sakramento, makikita muna niyang dumating si Cara. Kasi hindi na siya pwedeng umastang distracted sa kabuuan ng misa.

Kalahating oras pa bago magsimula ang misa para sa bisperas ng Pasko, namataan na ni Wilson ang pagsulpot ng dalagita. Kasama nito ang pamilya nito. Madali niya itong napansin dahil―paano nga ba niya ito napansin agad? Siguro kasi, pamilyar na sa kanya ang mukha at tindig ni Cara na kahit na ba mula pa sa malayuan ay madali na niya itong mapapansin. Parang biglang nagiging matalas ang paningin niya sa pagsulpot nito (a la bird's eye view ni Cara).

Pagkakita niya sa mukhang 'yun ni Cara, kaagad na sumagi sa kalooban niya kung gaano na katagal na silang hindi nagkikita. Teka, gaano katagal na ga ba 'yun? Kita ninyo, sa sobrang tagal eh halos mag-ulyan pa ang Lolo Wilson ninyo.

Tutal ay hindi pa siya abala, winili niya ang sarili niya sa sarili niyang version ng sight-seeng from quite afar. Wala naman sigurong masama dun, 'di ba? Tumatanaw lang naman siya mula sa may-kalayuan. May bawal na ba dun?

Konting-konti na lang, mag-eenjoy na sana si Wilson kahit na sa simpleng sight-seeng lang niya. Pakiramdam niya, naging panatag na ang loob niya sa simpleng pagkaalam na nariyan na nga si Cara at nakikita na nga niya ito uli. Kahit na ba hindi pa rin niya ito nakakausap.

Pero, hayun, napurnada na nga ang moment of enjoyment ni Wilson. Tinawag na ang kanyang pansin ng kasamahan niya. Eh alangan namang magkunwari siyang nakikinig dito habang nakatingin sa malayuan. Pano kung bigla siyang tanungin neto tapos nasa kasagsagan siya ng sightseeing niya? De nabembang pa siya dahil sa kawalan niya ng presence of mind!

Bonggang bitin talaga ang moment na 'yun ni Wilson. Mag-uumpisa na rin ang misa pagkatapos siyang kausapin ng kasamahan niya. Umusad din sila sa pwesto nila; mas malapit na sila sa altar. Tanaw pa rin niya si Cara. Kaya lang hindi na niya ito pwedeng tanawin kasi madidistract siya. Mabisto pa siyang distracted sa patanaw-tanaw at makukutos siya papuntang southern hemisphere.

Nagfocus na lang siya sa misa na dapat naman talaga. Unang-una pa man din ang pangalan ni Cara sa line up ng mga taong may special mention sa panalangin niya. Ipinagdasal niya na sana maging makabuluhan na ang paghaharap nila sa gabing 'yon, na huli na naman sa pagkikita nila sa taong 'yon.

Kung hindi, siguro maghihintay na naman siya ng kulang-kulang 4592 decades bago pa sila magkita uli.

'Wag naman sanang ganun, men.

Pagkayari sa misa, nagsimula ang fireworks display. Nanood muna si Wilson; hindi naman siya makadiskarte para malapitan na si Cara. Nakapalibot sa kanya ang mga kasamahan nila at kailangan pa rin niyang mag-stay kasama ang mga ito. Ang panonood na lang ang diniskartehan niya―kunwari nakatingala siya sa nagliliwanag na giant sparks sa langit pero nakaharap talaga siya sa direksyon ni Cara para nakakasulyap pa siya dito. Nagawa nga niyang makapagnakaw ng tingin dito kahit paano. Dinig pa niya ang boses nito na nagkakanta; nasapawan na nga ang ibang ingay dahil mala-megaphone minsan ang volume ng boses nito. Siguro, hindi lalampas ng 5 seconds 'yung nakaw na tingin na 'yun. Pagkatapos ng 5 seconds na 'yun, dinumog na ng madlang people ang pwesto nila. Mano kay ganito-ganyan, bati banda dito paroon. Siyempre naman, kasali si Wilson sa manuhan-slash-batian protion of the program.

Hayst talaga. So much for the diskarte. Hindi na niya masyadong na-enjoy ang pseudo-viewing ng fireworks display with matching para-paraang pagsulyap sa babaeng apple of the optic nerves niya.

Next part of the program: oops, wala na palang next part. Kasi tapos na ang lahat-lahat; nasaid na ang supply ng pulbura para sa fireworks display, nagsiuwian na ang karamihan sa madlang people. Ito namang si Wilson eh hindi pa rin nagpa-awat. Tumambay pa rin siya sa sulok kung saan madalas siyang pumwesto kapag ganung punto na ng gabi. Doon sila madalas nagkakabatian ni Cara lalu na kapag bisperas ng Pasko.

So hayan. Tambay-tambay. Nakaka-ten minutes na siya sa pagtambay, wala pa rin si Cara. Ano ba naman 'yan, Cara? Tinutubuan na ng varicose veins at spider veins si Wilson sa kakahintay sa iyo. Ten minutes na, ah? Magpakita ka na kasi!

Sa sulok ng mata ni Wilson, may nasilip siyang kulay royal blue na pigurang naglalakad ('yung royal blue ang kulay ng dress ni Cara para sa gabing 'yun. Like what was said earlier, basta pagdating kay Cara, biglang tatalas ang paningin ni Wilson kahit mapurol talaga 'yun). Sulyap effect na uli si Wilson. Eekasenamanee, hindi na naman siya makaalis sa pwesto niyang dinagsa na naman ng madlang people. Nakakahiya namang sumingit at biglang mag-walk out sa drama dahil binabati pa siya ng iba sa mga ito.

Hinintay na lang niya na lumapit na si Cara, gaya ng dati. Papadaan na kasi ito.

Laking disappointment ng bangs ni Wilson nang lampasan na siya ng dalagita. Hala, eh bakit lumampas na siya?

Sinundan lang niya sa tingin ang pigura nito. Para siyang de-bateryang gamit na naubusan na ng energy habang nakamasid kay Cara. Bakit? Wala ka ba talagang pakealam sa akin?

Hindi ka man lang ba lilingon niyan? 'Pag hindi ka lumingon, ibig sabihin wala naman pala talaga.

Napapigil ng hininga si Wilson nang masilayan niya ang next happenings.

Para ngang tumigil ang pagtakbo ng oras nang panandaliang huminto si Cara sabay lingon nito.

Hindi siya pwedeng magkamali.

Nakatingin ito... Sa direksyon niya.

Kung gaano kabilis magtagpo ang mga mata nila, ganun din kabilis naglaho si Cara sa eyesight ni Wilson. Sayang. Nilayasan na niya ang kinatatayuan niya dahil may nagyaya na sa kanya na maki-kain pa sa loob ng kumbento.

Hindi lang niya alam, bumalik pa si Cara sa bahaging 'yun ng simbahan. Baka siguro tiningnan uli kung pwede pang malapitan si Wilson.

Bisperas na Naman (Maikling Kuwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon