Unang Bisperas - 1

2.9K 33 18
                                    

Unang Bisperas - 1

Super excited na talaga siya. Sa wakas kasi ay makakauwi na siya sa kanilang probinsya―sa kanyang totoong tahanan. Mababalikan na nila ang lugar na gustung-gusto niyang mapuntahan; makikita na niya ang mga taong matagal na niyang nami-miss.

Palibhasa ay lagi siyang busy sa buhay niya sa magulong siyudad. Kaya ayan tuloy, miminsan lang kung magkaroon siya ng oportunidad na makauwi. Makakapagbakasyon na siya at mahahagilap na niya ang mga taong bumuo sa naging buhay niya doon.

Isang araw talaga ang pinakahihintay niya sa kanyang pag-uwi: ang bisperas ng Pasko.

Aba'y bisperas pa talaga ang mas trip ni ateng eh, 'nuh?

Dinaig pa yata ang mismong araw ng Kapaskuhan!

Wehhh. Hindi naman daw talaga bonggang nasapawan ng bisperas ang takdang araw. Siyempre the best pa rin ang birthday ni Jesus Christ.

Eh nagkataong mas inaabangan na niya ang bisperas, lalu na nitong mga nakaraang taon, kasi 'yon ang isa sa mga bibihirang petsa na siguradong makakaharap niya si Wilson.

Hulaan ninyo kung sino si Wilson? For sure mahihirapan kayo diyan. Sobrang mahihirapan kayo kasi secret lang naman kung sino siya. Walang clue-clue; ayaw ngang ipahalata ng manunulat ng kwentong ito kung ano ba talaga ang role ni Wilson sa buhay ng bida natin (teka, wala pa siyang pangalan kasi pinag-iisipan talaga ang parteng 'yon, toinks). Kaya nga walang nabanggit na pinakahihintay niya ang bisperas ng Pasko kasi dun nga lang niya pwedeng makita, at siguro makausap na rin, itong si Wilson.

Wala na, secret lang talaga. Pano ba 'yan? Sorry na lang sa inyo.

Pero donchaworry, hindi pa dito nagtatapos ang kwento. The best (nga ba?) is yet to come, sabi nga sa kanta. Kaya read on na lang kayo.

Peram nga ng remote nang mai-fast forward na natin ang events, mula sa paghihintay part papunta sa Christmas Eve part. Ayan na... Stop. Play ule. Oh tenkyu na sa remote. Eto na nga 'yung Christmas Eve part.

Naghanda siya nang maigi para sa araw na 'yon. Hindi lang siya naging busy para sa pagtulong ng mga dapat asikasuhin sa kanilang Noche Buena. Kinagabihan, nag-ayos naman siya para sa dadaluhang misa ng bisperas ng Pasko. Kahit hindi talaga siya pa-girl kung manamit, sinadya niyang pumorma na nang ganun. "Tutal, Pasko naman." (Ngek, ehh anong konek? Topak din ang isang ito, eh!)

Kasama ang kanyang pamilya maging ang ilang mga kaibigan, dumiretso sila sa simbahan para makinig na sa misa.

Ni hindi pa nga siya nakakalabas ng bahay nila, saksakan na siya ng pagkanerbyos. Ewan din sa kanya kung bakit ganun na lang parati ang mararamdaman niya kapag dadating ang araw na 'yon nitong mga nakaraang taon. Panatag ang isip niya dahil siguradong magkakaharap sila ni Wilson; pero nababalisa ang kalooban niya. Topak talaga.

Pagdating na sa simbahan, kaagad niyang iginala ang forever na yatang mahaharot niyang mga mata. Dahil mala-bird's eye view ang kanyang vision, natanaw pa rin niya ang binatang hinahagilap niya kahit na parang nasa kabilang sulok na ito ng church premises.

Wahahaha!

Sa wakas!

After 9, 743, 736, 471, 590, 859, 401, 598, 478, 854, 178, 456, 641, 875, 618, 746, 512, 461, 356, 195, 683, 156, 814, 658, 325, 896, 195, 681, 658, 963, 286, 581, 659, 816, 856, 194, 658, 165, 896, 195, 862 milliseconds, sumulpot na rin si Wilson sa paningin niya! Yes! Yahooo!

Kung pwede lang sanang maging ganun din ang reaksyon niya, on the spot.

Kaso, hindi nga pwede. Kasama niya ang ermats, erpats, grand-ermats pati mga utols niya na puro walang kamuwang-muwang tungkol sa existence ng taong nagngangalang Wilson. Besides, nasa lugar siya na bagaman exposed sa open air eh hindi pa rin nawalan ng mataimtim na aura ng mga taong nandun.

So siyempre,kimkiman na lang muna ng abot-universe na kaligayahan. Ano pa nga ba?

Sana kung makakalapit na siya kay Wilson para magpapansin at machancingan este mabati na niya ito. Kahit na ba simpleng "Merry Christmas" lang.

Kaso nanananananananaman, busy din itong si Wilson eh. Mga istorbo, BAWAL. Busy nga kasi si Wilson, sa pagtunganga. Ay mali, busy ito sa pakikipag-usap sa mga kasamahan/alipores na hindi mawala-wala kapag sumusulpot ito sa lugar na 'yun.

Alangan namang sumingit siya para sa pagbati niya?

Unang-una. Ang chaka ng timing niya pagdating sa pasingit-singit na ganyan. Baka mamaya, magmukha lang siyang tanga pagkatapos niyang sumubok na sumingit.

Pangalawa, nakaka-awkwardness effect naman 'yun kasi puro guys ang mga nandun sa pwesto ni Wilson.

Higit sa lahat, baka mapaghalataan pa siya. Mapaghalataan siyang... Ano. 'Yun na nga. Kuya, 'wag po.

No choice na ang lola ninyo kundi ang mag-stay put lang. Harharhar for her.

'Di bale. Nung nag-uumpisa na ang misa, naka-usad naman si Wilson galing sa unang pwesto nito. Kaya nga nakita niya ito. Puro side view nga lang. Mas okay na ang puro side view sabay alabview. Kaysa naman nobyo. Este noview. Isa pa, malapit-lapit na siya kay Wilson! Yehey uli siya, sa isip niya.

Pa-simpleng sight-seeing lang siya. Malamang, mapapansin kaya niyan siya ng mga kasamahan niya kung para siyang makinilya sa kakapihit ng batok, kakalingon kay Wilson. Ehhh, ang hirap lang kasing magpigil na pagmasdan ang mukha nito. Nakaka-miss na ngang matitigan ito. Lalu na sa personal. At kung malapitan pa.

Ay naku. Nagsisimba ka, 'di ba? Simbang sight-seeing?

Bisperas na Naman (Maikling Kuwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon