Ikalawang Bisperas - 1

663 13 1
                                    

Ikalawang Bisperas - 1

Tanggap na ni Cara na ganun na lang ang huling "pagkikita" nila ni Wilson para sa buong taon. Ganun na lang nga: palingon nang konti, pasulyap nang bahagya.

Walang chancingan. Este walang batian. Walang face-to-face part.

As expected, sadness ang drama niya. Frustrated at disappointed na din. Sa pagkakakita niya sa mga pangyayari nitong mga nakaraang taon, padalang na ng padalang ang pagkikita nila ni Wilson. Dagdag-disappointment pa 'yung katotohanang paurong ang progress ng mga happenings. Imbes na mabigyan ng improvement, nababawasan pa.

Ang saklap talaga. Bitter. Kape. Ampalaya.

Pa-consuelo na lang siguro kay Cara na hindi naging major major much ang pagkalungkot niya pagkatapos ng gabing 'yun.

But the point is: nalungkot pa rin siya. Pasukung-pasko, malulungkot siya? Oh, men.

Wala na. Hopeless case na nga ito.

Matagal na, ah? Matagal nang narealize 'yun ni Cara. Kaso talagang hindi niya magang maggive-up at iwaksi na si Wilson sa nerves niya. Dumadating siya sa puntong gusto na niyang sumuko. Ngunit indi din niya maituloy 'yun.

Ipit talaga ang sitwasyon niya. Nahaharangan ang magkabilaang dulo ng Moving On Street dahil sa mga sumusunod na bara sa traffic jam: Gusto niyang mag-give up kung minsan, eh hindi naman niya magawa. Hindi niya magawa, kasi napupurnada palagi ang Closer You and I moment na sana nila, eh baka naman binibitin lang sila ng pagkakataon saka pa lang 'yun darating. Hay naku.

Nagawa namang isantabi ni Cara ang kalungkutang 'yun para mairaos ang dapat ipagdiwang. Nag-isip na naman siya, wishful thinking ba, na sana maging masaya ang pagsalubong niya sa bagong taong new year kahit na magmimissing-in-action na niyan si Wilson sa panahong 'yun.

Sa pagkakaalam kasi niya, nawawala na ito sa ere pagkatapos ng Pasko. Ayon sa ilang reliable sources umaalis itong si Wilson. Umuuwi ito sa totoong probinsya nito para doon na magpatuloy ng bakasyon.

Awww. Pano ba 'yan, Cara? Until next year na lang talaga? Kung kelan man darating ang pagkakataon ninyo sa next year, ganun.

Bisperas na Naman (Maikling Kuwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon