Chapter 23

19.5K 190 5
                                    

"SORRY, LARA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"SORRY, LARA..." malungkot na sabi ko sakaniya. Ilang araw na naming tinatawagan si Miss Sweety para kausapin, pero hindi namin siya makontak. Kinausap ko na rin si Blake para kausapin ang nanay niya, pero miski siya ay hindi matawagan ang nanay niya.

Sayang lang kasi kailangan rin ni Lara iyong perang makukuha doon. Kahit na gusto kong ibigay sakaniya iyong trabaho para silang dalawa nalang ni Veena ay hindi pwede dahil pangalan ko ang nakalagay doon sa files.

Ayaw ko ring magalit pa lalo sakin si Miss Sweety. Bumabawi palang ako sakaniya kaya sobrang ingat ko na hindi siya suwayin.

Lara tried to smile, but it ended up being weak.

I sighed.

"Okay lang... Bawi nalang ako sa susunod," sabi niya. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Nakatingin lang samin sina Marv at Veena.

Bukas na iyong sa bachelor's party kaya nag-paplano na rin kami ni Veena ngayon. Mabait naman siya, pero mas komportable lang talaga ako na kasama sa trabaho si Lara. At saka, mas kabisado ko rin kasi iyong mga ginagawa namin ni Lara kaya mas madali sana kung siya ang kasama ko, kaya lang biglang naging si Veena na ang kasama ko at wala na kaming magagawa pa.

Nakakapagtaka lang talaga na nasaktuhan pa na umalis si Miss Sweety ng mangyari 'to. Kaya kahit na gusto naming i-confirm sakaniya ay hindi namin magawa.

"Kamusta ang internship mo?" Veena asked while we were planning what we were going to do tomorrow. Inaayos na rin na iyong mga susuotin naming damit at props para bukas.

"Okay naman... nakakapagod, pero worth it naman. Kailangan ko kasi iyon bago gumraduate. At saka, mas marami akong natututunan dahil ako na mismo ang gumagawa," sagot ko sakaniya.

"Nakakainggit naman..." malungkot na sabi niya.

"Makakapag-aral ka rin. Wala namang imposible," nginitian ko siya, "Kung talagang gusto mo, gagawa at gagawa ka ng paraan para makuha mo iyon," sabi ko sakaniya. Napabuntong hininga siya bago seryosong tumingin ng diretso sakin.

"Lindsey... Ikaw ba? Kaya mo bang gawin lahat para sa pangarap mo?" tanong niya. Sobrang seryoso ng mukha niya.

Sandali akong napaisip dahil sa tanong niya.

"Siguro?" I gave her a shrug.

"Kahit may mapahamak na iba gagawin mo pa rin?"

Bahagyang kumunot iyong noo ko, "Depende Veena. Lahat naman tayo may hangganan kung anong kayang gawin. Hindi ko lang kayang ipahamak iyong iba para lang may makuha ako. Hanggat maaari, gusto ko sa tamang paraan ko matutupad iyong pangarap ko at walang ibang madadamay na ibang tao." sagot ko sakaniya. Bahagya ko siyang nginitian.

Hindi na nagtanong pa ulit si Veena pagkatapos noon. Tahimik lang sya habang pinaplano iyong gagawin namin para bukas. Naisipan namin na mag-costume ng superheroes tutal may costume na kami ng Wonder Woman at Black Widow. Si Veena ang magsusuot ng Wonder Woman tapos ako naman si Black Widow dahil magpo-pole dancing daw si Veena at baka mahulog lang iyong kulay pulang wig kapag sya ang nag Black Widow costume samin.

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Where stories live. Discover now