Chapter 03

45K 582 21
                                    

"OH, MY GOD!" Lara exclaimed at muntik ko ng maibuga 'yung ininom ko dahil sa biglang pagsigaw niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"OH, MY GOD!" Lara exclaimed at muntik ko ng maibuga 'yung ininom ko dahil sa biglang pagsigaw niya.

"Guess what!" excited na sabi niya habang ginagalaw galaw 'yung eyebrow niya sakin.

"What?"

"I got myself a date!" sigaw nya and this time naibuga ko na talaga 'yung iniinom ko.

"Kadiri ka naman, Lindsey! Sa mukha ko pa talaga," sabi niya at agad ko siyang inabutan ng pamunas at ngumiti nalang sakaniya. Nasa coffee shop kami ngayon na katapat lang ng Btch Valley. Dito muna kami tumambay ni Lara after kong kausapin si Miss Sweety kanina.

"Sino naman 'yan? At saan mo nakilala? Kailan kayo magde-date?" sunod-sunod na tanong ko sakaniya. Hindi naman kasi bago sakin na may dine-date si Lara. Kung ako ay walang panahon makipag date, kabaliktaran ko naman si Lara na lahat ng pwedeng i-date ay ide-date niya.

Ayaw daw niya kasing tumanda ng dalaga at walang kasama sa pagtanda... Pangarap kasi niyang bumuo ng sariling pamilya dahil lumaki sila ng walang kasamang magulang.

"Aiden Roqx Gomez." sabi ni Lara. "Pero mas kilala siya bilang Aero. Inaya lang naman niya akong makipag date sakaniya at may bonus tip pa na 15 thousand!" pagmamalaki niya.

Medyo nainggit ako kasi buti pa si Lara totoong date 'yung kaniya at least hindi siya magpe-perform o kung ano man. 'Di gaya ng sakin na natatakot ako kasi baka kung anong kapalit ng 50 thousand na ibabayad sakin nung Micko na 'yun.

"Sigurado ka ba dyan, Lara? I'm happy for you dahil best friend kita, pero natatakot ako baka masaktan ka na naman ulit. Ayaw ko ng maulit 'yung dating nangyari sayo na halos hindi kita makausap ng matino, ha." Matapang si Lara pero alam kong sobrang soft at vulnerable din niyang tao.

Nginitian niya ako at hinawakan 'yung kamay kong nakapatong sa lamesa at mahinang pinisil.

"Don't worry Lindsey. Natuto na ako and I know I can handle myself this time. Alam ko na kung ano 'yung mga pagkakamali ko at wala akong balak ulitin 'yon," sabi niya sakin kaya hindi na ulit ako nagsalita pa.

Nag usap pa kami ng ilang minuto ni Lara sa coffee shop bago siya umalis. Kailangan pa daw kasi niyang mag-ayos para sa date nila ni Aero mamaya. Pinaalalahan ko siyang muli bago siya umalis at sinabi kong tawagan lang niya ako anytime.

Pag-alis ni Lara ay kinuha ko na 'yung cellphone ko at saka ko tinawagan 'yung number ni Micko na nasa papel. Nakailang ring lang bago nya sinagot 'yung tawag ko.

"Hello?" he said upon answering my call. Hindi agad ako nakapagsalita.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan e wala pa naman siya sa harapan ko. Kausap ko palang naman siya sa cellphone... At alam kong hindi na ako pwedeng mag-back out dito. Naka-oo na ako kay Miss Sweety at iniisip ko din 'yung 50 thousand na ibabayad sakin. Sobrang laking halaga nun!

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Where stories live. Discover now