Chapter 02

45.4K 565 9
                                    

"WHERE YOU two have been?" pambungad na tanong ni Miss Sweety pag dating namin sa Btch Valley

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"WHERE YOU two have been?" pambungad na tanong ni Miss Sweety pag dating namin sa Btch Valley. Nakatanggap ako ng tawag sakaniya habang nasa mall kami ni Lara kanina habang nagpapa-masahe.

"Nasa mall lang kami, Madam. May nagbigay na customer samin na free spa ticket, kaya ginamit namin ni Lindsey para makapag-relax," Lara said. I sat on the stool in front of the bar counter.

11 AM palang kaya sarado pa 'tong Btch Valley at hindi ko alam kung bakit pinatawag kami ni Miss Sweety dito ng ganito kaaga. Mabuti nalang at sabado ngayon kaya wala kaming pasok sa school ni Lara kaya nagamit din namin 'yung spa ticket.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa bewang ko. "I've missed you baby... Pwede bang makahingi din ng massage galing sayo?" bulong ni Blake sakin habang hinahalikan 'yung gilid ng leeg ko.

Pasimple ko siyang tinulak palayo sakin. "Next time," sabi ko at saka sya kinindatan.

"Ako nalang ang mag-mamasahe sayo. Magaling din naman ako mag masahe," sabi ni Lara kay Blake pero hindi siya nito pinansin kaya medyo natawa ako dahil sumimangot si Lara. Crush kasi nitong si Lara si Blake. Anak ni Miss Sweety si Blake at naging ka-close namin siya ni Lara dahil palagi din niya akong nilalandi. Pero mabait naman siya.

Binatukan ni Lara si Blake dahil ayaw siya nitong pansinin. "Aray ko naman Lara! Ba't ka ba nambabatok dyan?" sigaw ni Blake.

"Ang arte mo kasi!" Lara said, at nagsimula na silang magbangayang dalawa. Alam naman ni Blake na crush sya ni Lara at ilang beses na din niyang nireject si Lara, at ewan ko ba kung bakit ako ang nilalandi ni Blake e maganda din naman si Lara at mas sexy pa nga sya kesa sakin.

Mabait din si Blake at gentleman – kahit hindi halata. Pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay. Wala sa priority ko ang magka-boyfriend ngayon. Wala akong panahon na mag boyfriend dahil alam kong the moment na malaman nya kung ano ang trabaho ko e iiwan din niya ako agad kaya h'wag nalang.

"Lindsey, come with me. I have something to talk to you about." Miss Sweety said, kaya mabilis ako tumango at sinundan siya papasok ng opisina niya. Iniwan ko na sila Lara at Blake dun na nagbabangayan pa din.

"Sit down." utos ni Miss Sweety ng makapasok kami sa opisina niya. Umupo ako sa upuan katapat ng desk niya.

Mabait na owner at boss si Miss Sweety. Hindi niya kami pinapagawa ng mga bagay na ayaw at labag sa loob namin. Palagi niya kaming tinatanong muna tungkol sa gagawin naming trabaho. Kapag hindi kami pumayag na kunin 'yung trabaho ay iaalok niya 'to sa iba na willing gawin 'yun.

Miss Sweety took a brown envelope in her drawer and handed it to me.

"That's your private client." sabi ni Miss Sweety. Agad na kumunot 'yung noo ko. Ngayon ko lang narinig 'yung tungol sa private client.

"Open it," sabi niya at kinuha ko 'yung mga papel na nasa loob ng brown envelope. May mga litrato din don ng isang gwapong lalaki.

"Micko Rae Sanchez," binasa ko 'yung pangalan na nakasulat sa ilalim ng litrato. Gwapo 'yung lalaki na nasa picture at parang ka-edad ko lang. Parang familiar sakin 'yung mukha niya, pero hindi ko matandaan kung naging customer ko na ba siya o hindi dahil madalas din namang matatanda ang nagiging customer ko.

"You see... this young man wants you to become his personal stripper." parang nalaglag 'yung panga ko dahil sa sinabi ni Miss Sweety.

Ako?! Personal stripper? May ganon pala dito sa Btch Valley!

"He personally picked you among all the ladies here. He is just a student like you, but he is willing to pay you big time if you'll agree on this. 50 thousand for your service tonight and I expected you to agree on this Lindsey because I know that you needed the money for your father's medical expenses and for your sister's tuition fee."

Sobrang laki ng ibabayad niya! Pwede ko ng patigilin si Mama sa paglalabada niya kung papayag ako sa gusto nitong Micko na 'to!

Kung hahayaan ko 'tong mawala sakin, sayang naman 'yung 50 thousand na ibabayad niya! Napaka-laking halaga nun at madami na akong mabibili dung gamot ni Papa.

Nakakapag taka lang na istudyante lang din siya pero may ganito siya kalaking pera. Mukhang galing siya sa mga mayayamang pamilya gaya ng iba naming classmates ni Lara na parang baliwala lang na magtapon ng pera dahil hindi naman nila 'yun pinaghihirapan.

Ilang minuto akong nag-isip, pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang pakawalan 'yung ganong kalaking pera.

Dahan-dahan akong tumango habang nakatingin kay Miss Sweety. "Sige po, Miss Sweety. I will take this offer." I said, at mabilis na pumalakpak sa tuwa si Miss Sweety, dahil sa naging desisyon ko. Mukhang malaking commission din ang makukuha niya dito.

"Great decision Lindsey! Don't worry, this young man is very different from your past customers. I promise you that you will never regret your decision."

Tumango lang ako sa lahat ng sinabi ni Miss Sweety sakin. Halata 'yung saya sa mga mata niya.

"Oh, Lindsey! One more thing..." pahabol niya bago ako tuluyang makalabas ng opisina niya. "Never say no to him. Just do everything that he wants, and everything will be okay. Just give him a call later tonight and ask him where and what time you will meet him." I nodded my head and thanked Miss Sweety before leaving her office.

Mahigpit 'yung pagkakahawak ko sa brown envelope na hawak ko. Nakatitig ako sa litrato ng lalaki at paulit ulit na binabasa nag pangalan niya.

I just really hope he's not one of those jerks who will make me do dirty stuff for their own satisfaction.

WHATYASEY

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Where stories live. Discover now