Chapter 38: "Game 2"

50 0 2
                                    

[Jusmine's POV]

umuwi na ko ng bahay, nagtext kasi sakin si mamy na hindi daw ako masusundo ni Justine dahil may training sila. Game 2 na pala bukas. pag nanalo pa ang school nila, talo nanaman kami sa finals. hay. pero naisip ko. bakit kaya si mamy yung tumawag sakin? bakit kaya hindi si Justine nalang mismo? hay. galit pa nga din siya sakin.

"Hi anak"

nag smile ako. "ma, bat ang aga niyo po?" tumayo ako para I-kiss si mamy.

umupo naman siya sa couch, tumabi siya sakin. "maaga kasing natapos yung board meeting namin nak, ee sabi nga ni Justine hindi ka daw niya masusundo, good thing na umuwi ka kaagad, bonding muna tayo hangga't wala yung mga boys naten, you want to bake coockies with me?" 

[Justine's POV] 

"easyhan mo lang, ano bang problema mo? kanina ka pa aa" sabi ni kuya habang inaayos yung mga gamit niya sa locker. 

"kasi ee, si Jusmine, nakipagkita kay Allen" sabi ko. 

"aah so, nagseselos ka?" nangaasar na sabi ni kuya. 

"kuya, hindi lang selos, alam mo naman kung paano sinaktan nung gagong yun si Jusmine ee. tangina lang! tapos porket lasing siya, tatawagan niya si Jusmine? ano ba! naiinis ako! tapos si Jusmine naman punta agad! PUTANGINA!" sabay bato ng twalya ko. 

"hey hey! men! chill! wag ka ngang ganyan! hayaan mo na muna, just keep calm, and you know what I heard from sandy?  suspended daw si Allen, sinapak daw kasi niya si Gerard kaya puro mura si Sandy kanina ee kaya lang english, kaya ang cute ng dating" sabi ni kuya. 

"suspended? talaga?" 

[Jusmine's POV] 

nilagay ko yung isang daliri ko dun sa bowl, tapos tinikman ko yung ginawa ni mom. "oh my mom! ang sarap! bat ngayon ko lang nalaman na magaling ka pala mag-bake?" 

"ee kasi naman ee. simula nung dumating ka dito nak. wala tayong ginawa kung hindi ang kumain sa labas, buti nalang pala tayong dalawa lang nandito ngayon. naku kung kasama nating nagbake yung dalawa mong kapatid, malamang my kitchen is a mess" sabi ni mamy. 

"nakasama niyo na pong magbake si kuya pati si Justine ma?" tanong ko habang naglalagay ng liquid coockies sa lalagyan. 

"oo naman, pag kasi bored ako ito yung ginagawa ko ee. ang kuya mo, naku galit na galit sakin yun, kasi ayaw niya ng ganito ee" sabi ni mom while mixing another bowl. 

"ee ma si Justine?" tanong ko. 

"naku si Justine, bata pala yun mabait na, kaya kahit ayaw niya, sinusunod niya ko, tapos alam mo ba yang kapatid mo na yan, sobrang protective yan, pag nakita niyang may umaaway sa kuya mo, nako! magagalit agad yan, sabi niya kasi, ayaw niya daw na may nananakita sa mga taong mahal niya, kaya kung magkaaway man kayo ngayon. kung nagalit siya dahil nakipagkita ka kay Allen, intindihin mo nalang. ganun kasi talaga yun e. ayaw niyang may nasasaktan, lalo na kuna mahal niya" sabi ni mamy. 

"alam mo ma? na magkaaway kami?" tanong ko. 

"oo naman, bat kailangan niiya pang itext sakin? na hindi ka niya masusundo kung pwede niya namang i-text sayo di ba?" kinuha ni mamy yung ginawa ko. tapos nilagay niya sa oven. "kaya ito, pag dating ni Justine, ibigay mo to sakaniya aa!, mawawala galit nun sayo" sabi ni mamy. 

nagkwentuhan lang kami ni mamy ng onte, tapos maya maya natapos na din yung binake namin. "saraaaaap ma" sabi ko pagkatikim ko. 

"sabi sayo ee. pag natikman ni Justine yan, malamang makikipagbati yan sayo" sabi ni mamy.

"sana nga po" sabi ko.

"hey, were home!"

si Kuya Jurmaine.

Just Inlove [Slow Update & Editing]Where stories live. Discover now