Chapter 34: "Game 1"

72 1 0
                                    

[Jusmine's POV]

alam na nila mamy na break na kami ni Allen, ang hindi lang nila alam ee yung dahilan. tuwang tuwa nga si kuya nung nalaman niyang break na kami ee. matagal niya na palang alam na niloloko ako nung damuho na yun. ayaw niya lang daw na masaktan ako. Kami naman ni Justine, balik sa dating routine. away sa umaga, asaran sa gabi. hatid sundo na niya ko. kung dati hatid lang. ngayon pati sundo kinareer niya na. pogi daw ng driver ko.

tss. kahit kasi sa UST sikat na yung panget na yun ee. bakit kaya? tss. kasi na beat na niya si Kuya Jurmaine as Highest pointer sa team nila. proud na proud naman si Kuya Jurmaine sakaniya. kasi masaya daw siya na si Justine din ang naka beat sakaniya.

isang beses nga nung sinundo niya ko. ang daming babaeng naka palibot sakaniya at nagpapakuha ng picture. at alam niyo kung anong nakakainis. yung mga babaeng yun ee ako pa ung pinapakuhanan ng picture. nakakainis! kaya magpapabili na talaga ako ng kotse kayla mamy.

"halika na! malelate na tayo" sigaw ni mamy kay dady.

papunta kami sa first game ng finals for UAAP. Ateneo vs. UST, natalo ng UST ang NU kaya ayun. sila naglaban. naku makikita ko nanaman yung nakakainis na mukha ni Allen. tss. sarap punitin ee.

"you ready anak?" nakangiting tanong sakin ni mamy.

I smiled. "yes ma"

"Let's go!" masayang sabi ni mamy.

sa Araneta ang first game, kaya medyo malayo samin. nauna na samin sila kuya. ewan ko. may mga ritual daw na pinagsasabi yun. guloo nilang dalawa. weird.

siguro nagtataka kayo kung anong suot ko no?

BLUUEEE! siyempre mas susuportahan ko ang mga kapatid ko kaysa sa school ko. ahe hehehe :))

nakarating na kami sa Araneta. dun kami sa VIP malapit sa upuan ng mga players ng ateneo. nakita ko naman agad sila kuya Jurmaine. kinawayan ko. nginitian ako ni kuya. nag wave naman si Justine. napatingin ako sa kabilang side. nakatingin sakin si Allen. inirapan ko lang siya.

[Justine's POV]

"okay guys! andito na tayo! we need to make it a 5 peat okay? kaya galingan na tin!" sabi ni coach.

"YES COACH!" sigaw namin!

"okay go!" sabi niya.

at naglabasan na kami sa locker room.

napahinto naman kami ni KUya Jurmaine ng makita namin si Allen na nakatingin samin.

"gago to nakatingin pa dito aa!" sabi ni kuya lalapitan niya pa sana kaya lang pinigilan ko siya.

"sige na kuya. labas ka na. its not worth it" sabi ko.

umiling lang si Kuya at lumabas na.

Just Inlove [Slow Update & Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon