The Untold Story of the Storyteller

1.5K 15 10
                                    

Bawat tao ay may kanya kanyang istorya na nabubuo sa araw araw. Iba iba man ang genre nito mapa drama, comedy, action, romance, mapa tungkol sa pamilya, tungkol sa kaibigan, kakilala o sa mga taong nakakasalubong lang natin sa daan.

Sa bawat araw na lilipas maraming mabubuong istorya. Storya na tanda na kasama na ito sa alaala na gusto nating kalimutan, itago, o pabayaan nlang kasi nga tapos na nga naman.

Pero paano kung ang tapos na kaganapan ay nais mong baguhin o palitan? Hahayaan mo bang baguhin ang mga kaganapan at magsimula ulit sa umpisa? O paninindigan mo na kung anumang katapusan ang binigay mo sa istoryang iyong nilikha?

***

 

“This is a formal invitation to all students out there. The journalism club will be having its annual search for writers who have potentials in creating wonderful stories. Any category of story may do. Winners will have a chance to have their works published in our school paper.

If you’re interested, please visit the journalism club located at the East Wing, Room 210 and look for Ms. Amy to file your application. Thank you.”

 

“Uy, sasali na siya,” biro ng bestfriend kong si Ariceli nang mabasa namin ang announcement sa bulletin board. Halos masira na yata ang uniform ko dahil sa panghaharas, este pangungumbinsi niya na sumali ako. Palibhasa kasi, alam niya na mahilig ako sa pagsusulat ng mga istorya––masasayang istorya. “For sure makakapasok ka, ang galing mo kaya!”

“Naku! ‘Wag na. Matagal ko nang itinigil ang pagsusulat ko, Ariceli, alam mo ‘yan. Nakakatamad na kasi,” pagsalungat ko sa sinabi nya.

“Beatrice Tolentino, alam ko at naiintindihan ko ang pinagdaraanan mo. Pero girl, kailangan  mo nang umusad. Napapag-iwanan ka na, e! Dapat umusad ka na rin. Ituloy mo ang buhay! Hay naku, sasakalin na kita diyan e,” sabi pa niya.

Ayoko nang bumalik sa gawaing iyon, maaalala ko lang ang nakaraan. Kagaya ng mga isinulat ko noon, tapos na ang kabanatang iyon ng aking buhay. “Ganito na lang... Pag-iisipan ko. Haha!” maiksing sagot ko sa kanya para lang tumigil siya, at ang bruha, tuwang-tuwa dahil kino-consider ko ang idea ng pagsali. Ang totoo niyan, hindi talaga ako sasali.

Pero bakit nga ba hindi ko i-try sumali?

 

Buong araw akong ginugulo ng announcement ng journalism club. Inabot na nga ako ng madaling-araw sa kaiisip no’n... o baka kaya hindi ako makatulog ay dahil sa pagdagsa ng mga alaalang ayaw ko na sanang balikan pa...

Mga batang naghahabulan, mga magkasintahan na masayang-masayang magkasama, magkakabarkadang nagkukuhanan ng litrato, mga matatandang nag-eexercise––sila ang mga madalas kong matanaw mula sa lilim ng isang puno sa parke na malapit lang sa university. Ang lugar na iyon ang saksi sa karamihan sa mga kaganapan sa buhay ko. Doon ko hinahabi ang mga istoryang binuo ng aking mga nakikita at pinalawak ng aking imahinasyon.

“Hi Babe,” tumabi sa akin si Dave, ang aking boyfriend. Bagamat madalas niyang ginagawa ang biglang pagsulpot at pagnanakaw ng halik, ay hindi pa rin ako nasasanay, nagugulat pa rin ako. Lihim akong nagdiriwang. Hindi talaga nawawala ang spark sa aming dalawa.

Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon