z27 plan for safety

540 10 0
                                    

"Po Dad?" tanong ni Ash.

Nagulat sila nang ipakita ng Arnold ang kamay nito may gas-gas ito at malalim pa.

Niyakap na lamang ni Arnold ang anak.

Nalungkot naman sila Lena sa nakita.

"Arnold sasamahan kita" ani Bradie at tumango lang ang Arnold kahit hindi niya alam ang ibig sabihin nito.

"Sasama din po ako" si Ash.

"Hindi na anak,Sige na" sabi ni Arnold at tumango na lamang si Ash.

Pumasok sila lahat sa loob at tumambad sa kanila ang isa pang haligi na nakahiwalay sa bahay,At dun inasiste ng Bradie ang Arnold,Kung titingnan para itong kulungan,Na may bakal na pintuan pero kitang kita na may higaan ito sa loob.

Sila Ash naman ay dumiretso sa mansion na may bakal rin na pintuan,At mas malaki pa ito sa gate sa labas.

Pagkapasok para itong hotel,At sumakay sila sa elevator,Na may palapag na 1,2,u1,u2,u3,----u6.

Pinindot ito ng nang sundalo papuntang u6..

Tahimik parin ang Chanel,At umiiyak naman si Ash,Sila Lena naman at Dina ay nagtitinginan,Habang si Renz ay paligaw tingin kay Dina.

Nang bumukas ang elevator ay maliit lang na espasyo ang nakita nila,At may isang babaeng nakaupo,May computer sa harap  at may hawak na ballpen at papel,

"Pirma po kayo dito,Lagay niyo po yung pangalan niyo tsaka adress" sabi ng Babae.

"Ah! Ate para saan po ito?" tanong ni Lena.

"Dito namin nilalagay yung record ng mga kung sinong nandito sa u6"

Pumirma sila at....

"Taga dream village kayo?"

"Opo" si Lena at Chanel.

"May babae kasi dito sa u6,Gustong umalis dito,Babalikan daw niya yung anak niya,Minsan nga tumakas pa siya,Pero di rin siya nakalayo" sagot ng Babae.

"Ay Oo nga noh,Baka isa sa inyo yung anak niya" yung sundalo.

"Lena! Mama mo!" ani Dina na nagpatuwa sa blankong mukha ni Lena.

"Saan po siya?" nagmamadaling sabi ni Lena.

"Ito oh, Tutulungan niya kayo para makita siya" iniabot ng babae yung megaphone.

Pagkapasok nila sa pinto ay tumambad sa kanila ang napakaraming tao,Parang mala evacuation center,Pero malamig dito,Airconditioned ang napakalawak na lugar.

"Paunawa po,Tinatawag ko po si Mrs. Marinela andito na po ang anak niyong si Lena" inulit muli ito ng sundalo at...

"Lena! Lena anak!"

At napaiyak na ang lena nang naging malinaw sa kanya ang itsura ng ina..

Tumakbo rin si Lena papunta at niyakap ang Nanay niya.

SA ITAAS

"Nold pasensiya na! Akala ko talaga nakabawi na 'ko sayo!" malungkot na sabi ni Bradie.

"Ano ka ba Brad? Nakabawi ka na! Nailigtas mo yung anak ko sapat na yun" si Arnold na nakahiga sa kama.

"Pakiramdam ko 'di pa sapat yung nagawa ko"

"Gayun ba? Bibigyan kita ng pabor" abi Arnold.

"Ano yun?"

"Ikaw nang bahala sa anak ko. Pati narin sa mga kaibigan niya. proteksiyonan mo sila"

"Oo naman Pre,Walang problema"

SA U6

Ipinakilala ni Lena ang mga kaibigan,At nagusap muli silang dalawa.

"Ma pumunta ko sa bahay!" sabi ni Lena.

"Pasensiya na anak di mo ko nadatnan doon,Pinilit na kasi nila akong pumunta rito. Hay nako salamat sa diyos nakita kita!"

At nagyakapan muli ang mag-ina.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-uusap ang mag-ina,Isa namang Lalake ang lumapit kila Ash.

Mariing tinitingnan nito ang uniform na suot ni Ash.

"Paumanhin. Maari bang mag-tanong? Taga Zomb University kayo diba? May pinsan kasi akong nag-aaral diyan. Baka sakali lang kung nakita niyo siya. Lea ang pangalan niya" sinabi nito ang apelyido at itsura ng hinahanap niyang nag-ngangalang Lea.

Nagkatinginan sila Ash,Wariy nagulat at nanghinayang "Opo nakasama namin siya" Sagot ni Renz.

"Talaga? Nasan siya?"

Iling ang naging sagot nila,Na nagpalungkot sa mata ng pinsan ni Lea. Tumango ito at halatang pinilit ngumiti para sa pagbibigay ng pasasalamat. Tumalikod at lumayo mula kila Chanel.

SA ITAAS

"Paano niyo nga pala natagpuan itong lugar na 'to?" ani Arnold.

"Si General,Alam niya 'to. Nagulat nga ako,May ganito pala,At hindi lang nagiisa ito! Meron pa sa visayas at mindanao"

"Anak nang,planado ba nila 'to? Ang Presidente nasaan?"

"Hindi Pre! Gagamitin lang daw ito,Kung magkakaron ng giyera. Ang huling pag-uusap nila ni Heneral nasa Russia daw ang Presidente"

"Nagawa pa niyang mamasyal? Eh nasan na nga pala si Heneral?"

Nalungkot bigla ang Bradie "Wala na Pre. Nakagat siya noong kasagsagan ng araw araw,Mayat mayang pagkuha namin ng mga Survivors"

"Ganun ba? Bakit ba? Ano bang plano?"

"Pasasabugin 'tong bayan natin, Sa loob ng sampung araw. Iyon na kasi ang huling pag-uusap ng presidente at Heneral. Sa ngayon wala pa kaming tawag na natatanggap,Na ibig sabihin walang nagbabago sa plano. Kaya't sa abot ng makakaya namin,Nagliligtas kami ng buhay" si Bradie at napangiti ang Arnold.

Ngunit..

"Aah! Sumasakit na yung katawan ko!"

"May kailangan ka ba? Tubig? Nagugutom ka ba?" ani Bradie.

"Wag na Brad, Sige na magpapahinga lang ako. 'Pag naging katulad na nila ako, Isang tama sa ulo sapat na ah!" sabi ni Arnold na ngumiti pa kay Bradie.

"Sige pre. Bastat sinabi mo" at tuluyan na itong umalis sa kwarto ng kaibigan.

ZOM-BITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon