z22 what if's of life

567 10 0
                                    


Tunog ng gate na pawang hinahampas.

"Dito lang kayo,Tara Renz,Ash!" si Arnold,Kinuha nila ang baril at pati ang palakol.

Napabuntong hininga naman ang Ash,Bago sumunod.

Binuksan nila ang pintuan na gumawa ng ingay,Kaya't niyugyog na ng mga halimaw ang gate.

"Anak nang! Sige diyan nalang kayo pahiram ng palakol Renz"

Mabilis na lumapit si Arnold at hinampas ang isa at ang isa pa,Dahil dalawa itong yumuyugyog sa gate..

"Gumawa pa kayo ng ingay!" inis na sabi ni Arnold.

Nasa pinto narin sila Chanel at nakita ang pangyayari.

Pagkapasok at pagkatapos kumain ay umakyat muna ang mga teenager sa itaas,Sa kwarto ni Lena.

Habang ang ang mag asawa ay nasa sala.

"Hindi kaya delikado tayo dito?" si Rosa na naglalagay ng bala sa baril.

"Hindi naman siguro,Mas ligtas tayo dito,Tsaka kapag lumalabas tayo palaging may namamatay" ani Arnold.

"Hindi kaya maubos naman tayo kapag nagtagal pa tayo dito?" napailing lang si Arnold sa asawa.

Humiga muna ang lima sa kama at kutson na ginamit nila kagabi.

"Sa tingin niyo? Bakit ang bilis kumalat nung sakit na ito?" tanong ni Dina.

"Katangahan?" sagot ni Lena.

"Because of love?" ani Chanel.

"Love? Watsung naman ang connection?"

"Tama kayo,Parehong katangahan,Tsaka pagmamahal" dagdag ni Renz.

"Look! Is it easy for you to kill or shoot someone you love?"

"Bakit si sheryl? Nagawa naman yun?" sabi ni Dina.

"Dahil 'di siya tanga" tugon ni Renz.

"Sabagay may pointnes"

"Hay! Sana naman may gamot na sila dito" sambit ni Lena.

"Sinong gagawa ng gamot?" si Dina.

"Malay mo ba kung meron pang nag-aaral tungkol sa sakit na 'to!"

"Sana/I hope"

"Ibang usapan ulit" sabat ni Lena.

"Kailan ka aamin Ash?" tanong ni Lena.

"Yeah right! When? Remember Daniel also wanted you to admit it"

Nagbuntong hininga "Baka bukas" aniya.

"Totoo?/Talaga?" sabay na sabi ni Lena at Dina.

"Bahaley na chumorow"

"Ikaw Lena? Anong plano?" salita naman ni Renz.

Mukhang nakuha ni Lena ang ibig sabihin dahil lumungkot ang mukha nito "Hindi ko alam"

"What if?"

"O! Paano raw?" tugon muli ni Renz.

Kinuha ni Dina ang arnis niya at ipinalo sa ulo ni Renz.

"Aray! Ko ha!"

"Sorry Lena,We just want to know your decision,What if one of these days,We already know where we were going?"

"Tamey si Chanel sister" si Ash,At tahimik parin si Lena at blanko ang mukha.

"In life there is always what if's,And you need to prepare yourself for that,In this kind of world expectation kills,And acceptance is the only word"

"Parang sinabi mo na,Baka patay na yung nanay niya! Dapat tanggapin niya ganun?" ani Dina.

"No! I was just trying to say that, Maybe she's still out there,But maybe far away from here,Maybe she found somewhere safe and she's waiting for you there!"

"Ang daming 'baka' nun Chanel" tugon ni Dina.

"Pagiisipan ko" sagot ni Lena.

SA SALA

Habang nilalagyan ng bala ang nga baril.

"Kssk,kshkk Arnold! Na----ka?" ang radyo ni Arnold, Dalidaling niyang kinuha ito sa lamesa.

"Brad ikaw ba yan? Andito ako sa Dream village! Brad? Brad? Brad! lintik!" muntik maihampas ng Arnold ang radyo.

"Ayos lang yan,Baka tumawag ulit yan" sabi ni Rosa.

"Si bradie ata yun,Sana naman matulungan mo kami Brad"

"Yun ba yung iniligtas mo dati sa labanan niyo?" tanong ni Rosa.

"Oo,Yung muntikan ng matamaan ng Grenade launcher" ani Arnold na natatawa tawa pa.

"Ngayon siya naman ang magliligtas satin"

"Sana! Sana!" tugon ni Arnold.

Hindi sila lumabas ng bahay,Nanatili silang lahat sa loob,At hindi katulad kahapon,Parang mabilis na lumipas ang oras at natapos ang araw na iyon..

Naubos ang oras kakakwentuhan,Pag-aalala,pagiiyakan,Pag-dadramahan,pag-aasaran,At kung ano anong kalokohan.

Nagdilim at katulad ng gabi nila roon,Ay tahimik pa,At tanging huni ng kuliglig ang maririninig.

"Buti pa yung mga insekto,Hindi nagiging zombie" si Dina na nakahiga na sa dating pwesto.

"Cannibal naman yung mga yan,Diba kinakain nila yung kapwa nila insekto" ani Lena.

"No! Its normal for them,That is what you've called food chain"

"Eh ito food kadena? Kainan ng kapwa tao" sagot ni Dina.

"Oy Ash? Bakit ang tahimik mo?" napansin ni Lena.

"Waley sister,Iniisip ko lang chumo!"

"Kaya mo yan! 'Andito kami" salita ni Lena,

at ngumiti si Ash..

"Matulog na kayo" Momny ni Ash na nagpalaki sa mata nila.

"Narinig niya kaya?" bulong ni Dina.

"Dibale aamin ka naman na eh" saad ni Lena.

"Tara slip na tayech"

ZOM-BITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon