z20 friend till the end

586 11 0
                                    


Alas Sais ng hapon at tahimik lang ang biyahe.

Hanggang sa makarating sila sa bahay ni Lena.

Maga na ang mata ni Ash,At walang nagbibitaw ng salita sa kanila,Tahimik silang bumaba sa kanikanilang sasakyan.

Dinala nila ang mga pagkain.

Bumukas ang pinto nila Lena.

"Oy ayan na sila!" si Dina na buong siglang lumabas ng bahay.

Pumunta sa pinto sila Lena at Renz,Pagkapasok nila Chanel sa gate.

"Anong nangyari?" tanong ni Dina dahil kapansin pansin ang mga mata nilang namumugto,Umiling lang si Chanel at may tumulong luha muli sa mata.

Hinayaan nila itong pumasok sa bahay,At wala ni isang salita.

"Ash? Anong nangyare? Si Daniel?" ani Dina at umiling lang si Ash,Napayuko na lang si Lena at si Renz ay pumasok na muli sa bahay.

"Haha wag kang ganyan,Joke ba ito?" sumilip silip pa ang Dina sa kotse at van pawang hinhintay na lumabas si Daniel.

Saktong papalapit ang magulang ni Ash,At tinapik lang si Dina sa balikat.

"Wala na siya iha" malungkot na sabi ni Arnold,At pumasok na ang mag-asawa at si Ash sa loob,Naiwang tulala si Dina.

"Dina 'lika na!?" tawag sa kanya ni Lena.

Walang nagawa si Dina at pumasok na sa loob.

Nanatiling tahimik ang lahat sa sala,Hanggang sa mag Alas Siete ng gabi,Madilim at naging tanglaw nila ang isang kandila.

Habang kumakain sila...

"Sa van nanaman ba kayo matutulog?" tanong ng Mommy ni Ash.

"Hindi,May naisip na ako,Tulungan niyo ako mamaya Ash ha?" ani Arnold at tumingin kila Renz.

"Ano po bang nangyari? Kila Daniel?" salita ni Lena.

"Nabaril siya,Mga masasamang tao,Kasama dun yung kumuha ng kotse namin" tugon ni Rosa.

"Ganon din ba nangyari sa magulang mo?" tanong ni Dina kay Chanel at tumango ito nang nakatulala.

Halos wala nang sumunod pang salita sa mga yun,Hanggang matapos silang kumain..

"Sa taas nalang kayong mga babae,Dito kaming tatlo sa sala nila Ash" sambit ni Arnold.

"Ahh! Dad? Sa taas nalang din po ako" aniya.

Medyo nagtaka si Arnold ngunit sumangayon nalang ito "Oo sige,Pero tumulong ka muna sa amin sa labas"

Umakyat na sila Lena,At si Rosa naman ay nagbaba ng mahihigaan ng dalawang lalake.

Lumabas na sila Ash,Ipinasok ang mga baril,Lahat ng gamit.

"Dad bakit ipapasok na natin lahat?"

"Wala tayong pagpipilian" ani Arnold.

Matapos ipasok ang lahat ng gamit.

"Ash kunin mo yung kadena ng aso"

"Huh? Bakit?" aniya

"Basta kunin mo nalang!" utos ng Daddy niya,Kinuha na nga niya,Tinulungan siya ni renz,Dahil tatlong kadena iyon.

Pinatalikod nila ang dalawang sasakyan,Nakatalikod sa gate at nakaharap sa daan,Ngunit may sapat naman na espasyo para makadaan,Pagkatapos ay Pinanood nila Ash si Arnold kung anong balak nito,Itinali ang kadena sa likod ng Van at sa gate.

"Hindi po ba,Matatanggal din yan?" tanong ni Renz.

"Oo,Wag kayong mag alala,Mabilis akong magising,Bago pa nila matanggal itong kadenang ito,May bala na sila sa ulo" si Arnold at natawa si Renz.

Matapos ang lahat,Ay pinauna na ni Arnold ang dalawa pumasok,Hanggang sa may marinig siya..

Pawang hinahampas ang sasakyan.

"Lintik ano nanaman?" aniya.

Kinuha niya ng tahimik ang shotgun niya sa likod ng Van,Ngunit di inaasahang tumama ang dulo ng baril sa pintuan,Na gumawa ng kaunting tunog.

Nawala bigla ang kalabog,

Dahan dahang lumapit si Arnold,Upang makita ang kung ano man yun,Nasa kalagitnaan palang siya ng Van papunta sa harap ay..

Isang zombie na lalake,Matanda na ito,Pero ang lakas nito ay di mo aakalain.

Nagulat si Arnold sa biglaang pagsulpot nito sa harap niya,Kaya't napindot nito ang gantilyo at nagtalsikan ang dugo nito na umaalingasaw sa baho.

"Arnold! Anong nangyari?" si Rosa na nakasilip sa bintana mula sa itaas ng kuwarto nila Lena.

"Napadaan lang,Pinatay ko na" tugon nito.

"Di ka nakagat?" nag-aalalang si Rosa.

"Hindi! Sige na matulog na kayo!"

Pumasok na si Arnold,Isinara ang gate at pintuan.

Sa iisang kuwarto muli natulog sila Lena at yun ay ang kuwarto niya,Ganun muli ang naging ayos nila,Pinabayaan nila na sa higaan niya ang Rosa,At ang extrang kutson na de-tupi ang inilatag nila para sa kanilang apat.

"Chanel,Nakikiramay ako" ani Lena,Habang inaayos ang higaan nila,Tumango lang si Chanel.

Nang matapos sila mag ayos ay agad na silang humiga,Nagtabi si Dina at Lena.

"Ano best? Nakapagdesisyon ka na ba?"

"Gusto ko paring maghintay Dina, Baka andiyan parin siya" aniya at napatango lang ang dina.

"Kung maghihintay ka! Sasamahan kita" dagdag ni Dina.

"Sigurado ka? Akala ko ba,Kung saan ligtas,Duon ka?"

"Akala ko rin eh,Wala na palang ligtas na lugar,Tsaka! Ano ka ba? Diba magunaw man ang mundo o hindi,Magbestfriend tayo!" saad ni Dina.

"Ano ka ba? Paano kung umalis na sila bukas? Mamamatay ka dito tanga!"

Napabuntong hininga muna si Dina "Basta magpapaiwan nalang din ako,Tsaka mas ayos na yun at least pag namatay ako,May nagawa akong mabuti diba?"

"Gaga ka,Pero natotouch ako bestfriend ah!"

"Hay naku,Leche sana naman may magpatayo ng rebulto ko,Kapag namatay ako" napatawa si Lena at napailing.

Napatahimik ang dalawa ng marinig ang dalawang katabi ni Dina,Sina Ash at Chanel.

Tahimik na umiiyak ang mga ito,Nagkatinginan nalang sila Lena at Dina,At parehong nalungkot.

"Tulog na tayo" anyaya ni Lena.

SA SALA

"Sir paano nga po pala pag di sila pumayag na pumirmi dito?" tanong ni Renz na nasa sofa.

"Pag-uusapan natin yan bukas,Wala pa tayong mapupuntahan sa ngayon" sagot ni Arnold habang nakahiga sa ibinigay na kutson ni Rosa.

"Wala po ba kayong alam na ma pupuntahan?"

"Yung campo sana,Pero malabo,Malayo yun masyado at tsaka hindi ko alam kung ayos pa sila doon,Wala akong nasasagap ni isa dito" aniya.

Nang may ilabas ang Arnold sa bag na dala rin nila,Na nagpalaki ng mata ni Renz.

"May ganyan po pala kayo?"

"Oo,Bakit? Para kang nakakita ng multo"

"Yan po yata yung narinig namin ni Daniel"

"Ano? Kailan? Sino daw?"

"Kanina po sa mall,Di ko po naintindihan eh"

Napahawak sa ulo ang Arnold at nanghihinayang "Naku po,Kung sino ka man sana buhay ka pa!Hahayaan ko nalang itong bukas" Habang hawak ang radyo nahiga si Arnold.

"Sige matulog kana" utos ni Arnold kay Renz.

ZOM-BITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon