z13 they don't know

700 15 0
                                    

SA DELIVERY VAN

"Anong oras na?" Tanong ni Dina na nasa driver seat.

"6:25 na! Hala! Baka may nangyari na sa kanila" ani Lena.

Di umimik ang Dina at tumingin nalang nang diretso sa harap at nakita ang papalapit na sasakyan na kanina pa nila hinihintay.

"Andiyan na sila"sigaw ni Dina na agad narinig ng nasaa likod nila.

Nagsibabaan ang mga ito sa Van,At hinintay makatigil sa harap nila ang kotse.

Naunang bumaba ang Ash,At yumakap sa nanay niya,Ngumiti rin ito kila Lena at napatingin kay Daniel na ikinagulat niyang ngumiti sa kanya,Kaya't nginitian niya pabalik ito,Napadapo ang tingin nito kay Renz na nagpalaki sa mata ng Ash.

Sumunod din lumabas ang Daddy ni Ash at yumakap rin ito sa asawa niya.

"Ah sila Lea po?" tanong ni Lena.

Inginuso lang ni Arnold ang kotse,Kaya't agad lumapit sila Dina,Lena at Chanel.

"Lea gising,Andito na tayo" paggising ni Sheryl

Namulat ni lea ang mata niya,Sa pagkalabas ni Ash sa kotse.

"Ha?" halos pumipikit pa ang mata ni Lea.

"Ano? Masakit pa sugat mo?" tanong ni Sheryl.

"Ayos lang" tipid na sagot ni Lea.

Kumatok sa salamin at binuksan ni Chanel ang pintuan,Ang gawi kung nasaan si Lea na nagpalaki ng mata nila.

"Oh my God" nakita niyang puro dugo ang damit ni Lea at ang putol na kaliwang kamay nito,Na inaalalayan ng kanang kamay ni Lea.

Umikot si Lena at Dina,Sa gawi ni Sheryl at.

"She 'lika muna" pinalabas ni Dina sa kotse si She.

Habang busy ang pagpapakilala ni Renz kay Arnold at ang lalaking lalake na si Ash,Ay naguusap naman sila Lena,Dina at Sheryl,Naiwan naman si Chanel at Lea sa kotse,Na nagtatanungan ng kung anong nangyari.

"What happen?" umupo na si Chanel,Sa kinauupuan ni Sheryl kanina sa kotse.

"Eto,Isa nalang ang kamay" walang kagana gana ang sagot ni Lea.

"Anong nangyari?" tanong ni Lena kay Sheryl.

"Nakagat siya,Kaya--" naputol ang pagsasalita ni She.

"Ano? Pano na yan?" sabat ni Dina.

"Pwede ba! Pinutol na nga ng tao yung kamay niya,Kaya wag na kayong mag-inarte" inis na pagkakasabi ni Sheryl.

Natahimik si Lena at Dina,Halos narinig din nila ash ang sigaw ni she,pera lang kila chanel dahil nakasara ang pinto ng kotse,napalunok muna bago nagsalita si lena

"Pasensiya na,Natakot lang kami" paliwanag ni Lena habang napatango lang si Sheryl.

"Ayos lang ba sya?" dagdag ni Dina na patungkol kay Lea.

"Sabi niya ayos lang siya,Pero parang may inaalala siya eh" ani Sheryl.

"Guys! Halika kayo dito?" tawag ni Ash sa tatlo.

"Napansin niyo naman gabi na mga iha" sambit ni Arnold.

"Opo! Bakit po?" sagot ni Lena.

"Alam ko kasing,Gusto niyo nang mapuntahan ang mga magulang niyo,Pero alam niyo naman na delikado kapag gabi"

Napabuntong hininga nalang si Lena,At tinapik nalang ni Dina ito sa balikat.

"Ok lang ba iha?" napatango nalang ang Lena.

ZOM-BITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon