z11 guy in the woods

665 17 0
                                    


"Salamat po" tugon ni Daniel.

"Wala yon,Basta natural lang na malungkot ka sa nangyari,Pero wag kang susuko,Maging malakas ka,sigurado ko,Yun ang gusto ng magulang mo" Mommy ni Ash at pinunasan ni Daniel ang luha nya.

"Nagugutom ka ba?" tanong nito at tumango naman si Daniel.

Kumuha ang Nanay niya sa bag nila ng dalawang Delata at ng kutsara pati abrelata.

"Buti nalang,Bago mangyari ito naka-paggrocery na kami,Hay kelan kaya tayo makakakain ng kanin"ngumiti ang Mommy ni Ash at sabay buntonghininga.

SILA LENA,DINA,CHANEL

"Do you feel it?"

"Huh ano? Wala! Bakit?" si Dina na paikot ikot na nakatingin sa paligid hinulog ang shotgun sa lupa,Inihanda ang arnis na pawang lalaban ng martial arts at halatang kinakabahan.

"Ano ba yun?" ani Lena na bumibilis na rin ang tibok ng puso.

"I'm hungry" angal ni Chanel na maarte ang pagkakasabi.

Kaya't kinitongan ni Dina si Chanel gamit ang arnis nya,At napabuntonghininga naman si Lena.

"Bwisit ka! Papatayin mo ko sa takot,May pa Do you feel it,Do you feel it ka pang nalalaman" reklamo ni Dina.

"Alas tres na pala!" gulat sa pagkatingin niya sa relo niya ang Lena.

"O that's why,We haven't eat anything this day"

"Sa dami ba naman ng nangyari ngayon,Pati narin mga nakita nating kadiri maiisip niyo pa bang kumain?" si Dina na biglang aktong susuka.

"Yuck! Ano ka ba?"

"Eh nasusuka ko,Mapipigilan ko ba?" mangiyak ngiyak pa si Dina dahil sa pagsuka niya.

"Kailangan parin natin kumain,Pano masasarapan sayo yung zombie kung puro buto makakain niya?" tanong ni Lena.

"Siraulo ka talaga!" masamang tingin ni Dina kay Lena.

Habang naglalakad sila isang bahay ang tumambad sa kanila,Malaki rin at dalawang palapag rin,Di mo halos makikita ito dahil magkakadikit ang mga puno na halos tumatakip sa magkabilang gilid nito.

"Shocks,A house in the middle of nowhere"

"Baka may pagkain diyan" ani Lena.

"Best kung nagugutom ka bumalik ka dun sa Van,May pagkain dun"

"Ayoko tinatamad ako,Tsaka susungitan nanaman tayo ni Daniel" aniya.

"Ano? Let's go inside?"

"Tara!" aya ni Dina.

"Bwisit! Ang bigat ng shotgun na ito" reklamo ni Lena.

Dire diretso sila sa pintuan para kumatok,Dahil wala namang gate ang bahay.

"Katok ka na Chanel" atas ni Lena.

"No need" si Chanel na pinihit ang doorknob ngunit.

"Hala,Hala,Hala! Tulungan niyo ko ang bigat" dahil biglang natanggal ang pintuan.

"Haha,Aminin nakakatawa yun" si Dina na tawa nang tawa,Habang ibinababa ang pintuan sa sahig,At inisnaban naman ni Chanel.

"Baka may tao dito?" naunang pumasok na sa loob ng bahay si Lena.

"Tao po? Tao po? Walang tao diba?" ani Dina.

"Do you smell it?"

"Ayan ka nanaman! Kokotongan na kita" ani Dina.

ZOM-BITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon