z7 her dead son

721 15 0
                                    

ddg ⓝⓞⓣⓔⓢ

Flashback parin po ito, Pasensiya na po sa bonggang pagbalik-tanaw.

---ddg

"Linktik! Pano na to?" ani Lea.

Napahawak sa ulo si Sheryl,Nagtatakbuhan narin kasi ang mga tao sa labas.

Nagkabanggaan na ang mga sasakyan,May mga naipit pang tao sa mga iyon,Lalo nilang ikinakaba ng may makita silang tumatagas na gasolina sa sasakyang nagkabanggaan kaya't.

"Dun tayo sa kabilang Gate sa likod" sabi ni Sheryl habang hila niya si Lea at tumatakbo.

Pagod na ang dalawa sa pagtakbo,Pero di sila tumitigil madami na kasi silang nakakasalubong na patay at ang ilan naman ay may mga kagat.

Nang marating na nila ang gate.

"Hoy teka! Wag!" awat ni Lea kay Sheryl sa pagtakbo palabas ng Gate.

May mga nakahandusay na apat na bangkay,May mga kagat ito sa leeg at at mukha,Napaatras sila nang dahan dahang tumayo ang isa sa mga iyon,Napatigil sila parang napako ang mga binti nila sa semento,Hanggang sa may nakita silang Nstudyanteng patuloy ang pagtakbo sa mismong Gate.

Natapilok ito sa isang bato na nasa gilid lang ng isang bangkay,Napaluhod ang babae at pilit hinablot ng tumayong bangkay ang babae sa braso,Hindi siya nahawakan mismo nito bagkus ay nagasgasan ito,Kitang kita na nagdugo ang kalmot sa braso nang babae,Ngunit di ito pinansin ng babae at muling tumayo at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Tara na dumaan na tayo! Takbuhin na natin to" aya ni Sheryl.

Natulala na ang Lea,Animo'y nawawala sa sarili,Nang biglang tumayo ang isa pa sa mga bangkay at sila agad ang nakita nito,Papalapit ito sa kanila.

"Tara na Lea ano ba!" si Sheryl na sumisigaw na at niyuyugyog ang kaibigan.

"Dito! Dito! Bilis!" isang babae sa pintuan ng canteen.

Ngunit tulala parin si Lea kaya't.

Isang malakas na sampal ni Sheryl kay Lea.

"Aray! Bwisit ka!" nagising man si Lea sa pagkatulala niya dahil sa sakit nang sampal sa kanya ni Sheryl,Ay hindi niya na napansin ito,Dahil sa nagtayuan narin ang dalawa sa mga bangkay na kanina ay nakahandusay sa lupa,Ang isa namang bangkay ay palapit na sa kanila.

Nakaiwas ang dalawa sa palapit na bangkay at tuluyang hinila ni Sheryl si Lea papunta sa canteen.

SA LOOB NG CANTEEN

Nilock kaagad ng May ari ng canteen ang pintuan.

"Ate salamat po!" hingal na sabi ni Sheryl.

"Wala yun,Teka ikukuha ko lang kayo ng tubig"

Pagkainom ng tubig.

"Ate buti nakaligtas din po kayo?" tanong ni Lea.

"Oo napakabilis ng pangyayari, Nagluluto ako nun nang biglang may narinig akong sigawan napatakbo ako sa labas nagulat ako ng makita kong may mga ganyan na,Palapit ang mga halimaw na yun sa Delivery boy namin at-----"di natuloy ang kwento ng Tindera dahil napayuko ito at naiyak.

"Ate bakit po?" si Sheryl na naguluhan.

"Yung anak ko! Yung nagiisang anak ko,Pinabayaan ko siya!" umiiyak na sabi ng Tindera.

Naintindihan naman kaagad ng dalawa ang nangyari kaya't hindi na sila nagtanong pa,Hinagod nalang ni Lea ang likod ng Tindera upang mabawasan ang sama ng loob.

ZOM-BITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon