Chapter 7*

2.2K 53 5
                                    

Nothing's gonna get in my way... nothing... MWAHAHAHAHAHAHA!


*Cody's POV*

Muntikan ko nang mabitawan ang phone ko. "Teka? Paano? Anyare?!" nagpanic ako. "Ui, ano nangyari?" medyo nag-aalalang pangungulit ni Dan. "Hindi ko alam... basta nandito kami sa bahay nila..." sabi ni Katelyn. "Punta na kami," sabi ko sabay patay sa phone. "Ui, ano bang nangyari?" sigaw na ni Dan. "Namatay na daw si Kelvin..." sabi ko.

"Huh? Paano?!" pasigaw na tanong ni Dan. "Kelangan pasigaw lagi? Tara na nga..." sabi ko naman. Nagmadali kami para makahanap ng jeepney... Ohshet, nakalimutan kong magpaalam. Iniwan ko rin phone ko.

Makalipas ang 15 minutes ay nakadating na kami sa bahay nina Kelvin. Nasa labas sina Katelyn at June. "Ui, paano ba nangyari?" tanong ni Dan. "Hindi namin alam. Nag-teleport lang kami dito sa kanila nang biglang bumagsak si Kelvin. Wala nang tibok ang puso..." narration ni June.

I became speechless. Pumasok kami sa loob... may kabaong sa loob. Purely white. Nakasara naman. Nilapitan namin iyon pero biglang lumamig ang atmosphere. BRRRRRRRRRR!!!

Binuksan ko yung cover pero... "NASAAN YUNG KATAWAN!!!" napasigaw na lang ako. Tinginan sa akin ang lahat at nilapitan yung kabaong. Napanganga nga rin sila. Ang iba, nakipag-chismisan na.

Lumabas na kaming apat nina Dan, Kate, at June at nag-usap sa isang tabi ng bahay ni Kelvin. "Bakit biglang nawala yung katawan ni Kelvin?" tanong ni Katelyn. Umiling-iling kami ni Dan... pero may napapansin ako kay June. Then he spoke up.

"Yeah. Ako yung nagtanggal ng katawan ni Kelvin sa kabaong..." sabi ni June. "HA?! Bakit mo naman ginawa yun?" tanong ni Dan. "May mali eh, hindi dapat siya namatay agad..." sabi ni June. "Eh nasaan na siya?" tanong ko."Nasa sementeryo... Nakahimlay sa harap ng tombstone ni Mom..."

 

Sa sementeryo... Grabe. Creepy. 8:00 PM na. Naglalakad pa kami sa mga himlayan ng mga patay. Baka biglang mabuhay pero may powers naman kami so kaya naman ihandle... Hindi ko namalayan na nakalabas na pala yung scythe ko.

"Saan nga yung tombstone ni Tita Felicity?" tanong ni Dan. "Iyang nasa harap mo..." sabi ko sabay nahulog sa takot si Daniel. Nandun nga ang katawan ni Kelvin na parang natutulog...

"Ma... alam kong naririnig mo ko... magpakita ka, please..." sabi ni June sa harap ng tombstone. Ramdam ko namang nakahawak si Katelyn sa braso ko nang mahigpit.

May lumitaw na babaeng nakaputi sa likod ng tombstone. "Anong kailangan niyo, mga anak... June, Katelyn, Daniel... at Cody." Medyo kinabahan ako. Ako na ang speak-up. "Um, Tita, pwede po... protektahan niyo muna ang katawan ni Kelvin habang naghahanap kami ng ibang trace dun sa Raef?"

"Walang problema," sagot ni Tita biglang nag-tremor. May lumabas na bones na nagsheshape ng huge ribs. Naglock ang mga buto at kinulong ang katawan na parang cocoon. Agad lumubog ang mga bones at si Kelvin sa ilalim ng lupa. o___o

"Kung may kailangan man kayo, nandito lang ako sa puntod ko. Okay?" sabi ni Tita. "Um, ako po... may tanong po ako..." medyo pahiyang linya ni Dan. Napatahimik ang atmosphere...

[Book 2] Mysteries of Jansport High School: Realm of RaefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon