LMM.12 - And after all this time I finally found a way to be alone

109K 4.1K 796
                                    

"Betchay, ang sabi ko mag-move on ka at kalimutan na si Achill kung wala na talagang pag-asa, pero hindi ko naman sinabi na makipag-date ka. You don't get over someone by dating another one."

Nakasimangot ako haban pinagagalitan pa rin ako ni Apollo. Hindi ko naman maintindihan kung anong gusto niyang gawin ko sa buhay. Nasa bahay silang dalawa ni Sabrina nang gabing iyon. Dito muna sila matutulog. Gusto rin naman kasi ni Nanay na makita si Pol kaya nandito silang dalawa.

"Anong bang dapat kong gawin?" Inis na tanong ko sa kanya. He grinned at me. Kahit na kambal sila ni Achilles, kapag ngumingisi nang ganoon si Apollo ay kitang-kita na si Apollo talaga siya. Ilang beses kong inuto ang sarili ko nab aka si Achill na naman ito pero hindi, wala nang Sabrina at Achill kaya si Apollo talaga ito, isa pa. hindi na ako papauto kay Achilles kahit kailan.

"Anything. Just don't date that guy." Sabi niya pa sa akin. Umiinom siya ng gin nang mga oras na iyon. Tinatagayan ko rin ang pagkukwentuhan naming dalawa. Hindi ko pa nakikilala si Leonardo Decarpo pero sabi ni Mang sixto sa akin ay darating na sa isang araw ang pamangkin niya kaya baka sa susunod na linggo ay makaharap ko na ito.

"Saka, Betchay, bakit ba hindi ka magtrabaho sa hotel sa city? Sayang naman iyong degree mo." Komento niya pa.

"Gusto ko lang mapalago itong negosyo ni Nanay, Pol." Mahinang sagot ko.

"Hindi ka naman nagtatago dito sa La Bamba?"

"Hindi. Bata pa lang kami, ito na ang bumuhay sa amin. 'Wag kang mag-aalala. Magagamit ko rin iyang degree ko kapag ako na si Betchay – the Gulay Queen." Humagikgik ako. Tumango naman si Pol. Nasa terrace kami ng bahay at nakatanaw sa mga ilaw na mula sa siyudad.

"Nasaan si Wewe?"

"Tulog na. Pagod iyon." Ngumisi na naman siya. I made a face.

"Masaya ka ba, Pol? Hindi ka ba nahihirapan sa pagtatago ninyo? Hindi mo ba nami-miss ang mga magulang mo?"

"I missed them. I miss my mom, but sometimes, we do things for love – those that we didn't even dare think we could do, bigla nagawa natin dahil lang sa nagmahal tayo. All our lives we looked for that someone and when we finally find them, hindi na dapat sila pakawalan." Ngumisi na naman si Apollo sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagkakaganoon. Siguro iyon ang epekto ni Wewe sa kanya.

"Mahal mo talaga ano?" Tanong ko pa.

"Yes. I never thought..." Tumawa siya. "Akala ko habambuhay na akong magiging sawi dahil kay Alyza but then she happened and it changed things. Parang sa'yo at kay Achill."m

"Walang nagbago dahil sa kanya."I told him. "Mahal ko siya noon, kinakalimutan ko na siya ngayon, deal with it." Nakadama ako ng pagkairita kaya iniwan ko si Apollo at pumasok na ako sa silid ko. Humiga ako sa kama at hinayaan na naman ang mga luha ko na pumatak. Sabi ko noon, hindi na ako iiyak para kay Achilles pero heto na naman ako at lumuluha nang siya ang dahilan. Akala ko okay na ako, but as I cry now, parang hindi. Hindi pa ako okay dahil hanggang ngayon umaasa ako na babalik siya dito bilang siya at makikipag-usap sa akin.

I just sighed. Hindi ako makatulog kaya naisip kong balikan muli si Apollo doon sa terrace pero pagdating ko doon ay naroon na si Wewe. Nakakandong siya kay Apollo. Nakapalupot naman kay Wewe ang mga braso sa baywang nito. They were talking. Nakangiti si Apollo at nakatingin kay Wewe na para bang siya na lang ang pinakaimportanteng tao sa mundo niya.

What I see in Apollo's eyes is what they call the look of love.

Hinaplos ni Wewe ang mukha ni Apollo tapos ay tumawa silang dalawa. They even kissed and the Wewe stood up and took Apollo's hand. Nagtatawanang umalis silang dalawa. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa hindi ko na sila nakita.

Losing My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon